KASO NG NANAGASANG SUV DRIVER IBINABA SA FRUSTRATED HOMICIDE

SA halip na frustrated murder, nauwi na lamang sa frustrated homicide ang kasong inihain ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office laban sa kontrobersyal na SUV driver na umararo sa isang gwardyang iniwan matapos ang insidenteng nag-viral sa social media. Sa limang-pahinang resolusyon ng piskalya, walang matibay na ebidensyang nagpapatunay na pinagplanuhan at may motibong patayin ng suspek na si Jose Antonio Sanvicente ang biktimang si Christian Joseph Floralde noong Hunyo 6 ng taong kasalukuyan. Gayunpaman, naniniwala ang tagausig na mas matatag at may tsansang madiin ang suspek sa kanilang inirekomendang asunto.…

Read More

PH-US BALIKATAN 2023 EXERCISES INILALATAG NA

SINIMULAN na ng Armed Forces of the Philippines at kanilang US counterpart ang paghahanda kaugnay sa gagawing taunang joint military war exercise. Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Xerxes Trinidad, pinangunahan ng Philippine Army ang site survey ng mga lugar na pagdarausan ng military exercise. Ito na ang ika-38 joint military exercise ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at US Armed Forces. Kasunod ng inspeksyon ang planning conference ng mga team ng Philippines at US military sa Armed Forces of the Philippines Education, Training and Doctrine Command sa Camp Aguinaldo sa…

Read More

PNP CYBERCRIME GROUP SINALANG SA RANDOM DRUG TEST

INAANTABAYANAN ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group ang magiging resulta ng isinagawang random drug test sa kanilang mga tauhan.  Kasabay nito ang pagtiyak na may kahaharaping parusa at posibleng kasong administratibo ang sino mang mapatutunayang gumagamit o positibo sa illegal substance.   Ayon kay Lt. Michelle Sabino, chief PIO ng Anti-Cybercrime Group, ang random drug test ay regular na ginagawa ng PNP sa kanilang hanay kaugnay sa kanilang anti-drug campaign.  Ayon sa tagapagsalita, “Wala pang nagpa-positive noon. Kung may mag-positive naman may sanction sa kanila.”   Nitong umaga…

Read More

Kulong at multa isasama ANTI-BULLYING LAW PALALAKASIN

KWIDAW na dapat ang mga bully, hindi lamang sa loob ng eskuwelahan kundi maging sa labas kasama na ang lugar ng trabaho at social media, dahil maaari na silang makulong at pagmultahin ng malaking halaga. Ayon kay PBA Party-list Rep. Margarita Nograles, kailangang bigyan na ng ngipin ang Republic Act (RA) o Anti-Bullying Act dahil mula nang maging batas ito noong 2013 ay dumami pa ang biktima ng bullying sa eskwelahan. “In fact, at least 6 out of 10 students are being bullied, which is nearly 3 times higher compared…

Read More

KASAMBAHAY NATAGPUANG PATAY SA BAHAY NG AMO

patay

PALAISIPAN sa mga awtoridad ang sanhi nang pagkamatay ng isang 35-anyos na kasambahay makaraang matagpuang nakahandusay sa kusina ng pinaglilingkurang bahay sa Sta. Mesa, Manila. Pansamantalang inilagak sa Cruz Feneral Morgue para sa kaukulang awtopsiya ang labi ng biktimang kinilalang si Mariatess Acebuche , tubong Samar, at stay-in sa bahay ng amo sa Brgy. 599, Sta. Mesa. Batay sa ulat ni Det. Jero Santos na isinumite kay P/Lt. Dennis De Jesus, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:30 ng umaga nang madiskubreng patay si Acebuche na nakahandusay sa semento…

Read More

P300K REWARD VS 2 KAGAWAD ‘KILLERS’

MAGKAKALOOB ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng tig-P300,000 pabuya bawat ulo sa sino mang makapagtuturo sa dalawang suspek sa pagpatay sa isang dating barangay kagawad ng lungsod. Tinutugis ng mga pulis sina Tito Santiago Salibio, 22, at Carlito Mansueto Abalo, kapwa ng Tañong, Malabon City. Ang mga suspek ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 284 ng Valenzuela City, at walang inirekomendang pyansa. Sina Salibio at Abalo ang sinasabing pumatay sa kagawad ng Barangay Canumay East, Valenzuela City na si Alexander Liwanag Joseph,…

Read More

KALAHATING SAKO NG SHABU TIMBOG SA QC

TIMBOG sa anti-illegal drug operatives ng Quezon City Police District (QCPD) ang mahigit sa kalahating kaban ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Fernando Poe Jr. Avenue kahapon ng umaga. Sa isinagawang imbentaryo, ilang saglit matapos ang operasyon, nabatid na tumimbang ng 25.5 kilo ng drogang shabu ang nakumpiska mula sa hindi pa tinukoy na suspek. Ayon kay QCPD chief, Brigadier General Nicolas Torre III, malaking isda ang kanilang natisod sa naturang drug operation. Aniya, nakasilid sa mga teabag ang droga at ikinubli sa sako ng bigas. Sa…

Read More

SRA KINASTIGO SA SENADO SA MANIPULASYON NG SUGAR SHORTAGE PABOR SA IMPORTASYON

KINASTIGO ni Senador Cynthia Villar ang pamunuan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na nagmanipula sa kakulangan ng suplay ng asukal upang paboran ang importasyon dahil mas malaki ang inangkat kaysa kakapusan. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture na kung ipinatupad ng SRA ang RA 10659 o ang Sugar Industry Development Act of 2015, hindi magkakaroon ng kakulangan ng suplay. Base sa manipestasyon ni Villar, hindi masyadong maintindihan ang report ng SRA sa imbentaryo kumpara sa kakulangan kaya’t malaki…

Read More

DATING USEC SEBASTIAN, SINUPALPAL NI ZUBIRI

SINUPALPAL ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang depensa ni dating Agriculture Undersecretary Leo Sebastian sa naging desisyon nito sa pag-iisyu ng Sugar Order No. 4 kaugnay sa pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Sebastian na ang kanyang desisyon ay batay sa mga datos na noong Hulyo pa ay tumataas na ang presyo ng asukal dahil sa napipintong kakapusan ng suplay. Sa pagtaya ni Sebastian nang mga panahong iyon ang suplay ng asukal ay posibleng umabot na lamang sa katapusan…

Read More