DIGITAL LITERACY KONTRA BULLY ONLINE INILUNSAD NG MAYNILA

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, inilunsad ang “TeknoLodi Fest 2025: Lodi sa Digital Literacy” kontra Bully Online para sa mga Kabataan sa Lyceum of the Philippines University sa Maynila. Nagsilbing panauhing pandangal si Manila Mayor Isko-Domagoso sa nasabing aktibidad na nagbigay ng makabuluhang mensahe sa mga mag-aaral sa nasabing unibersidad. Ito ay inorganisa ng Sangguniang Kabataan Federation at Youth Development and Welfare Bureau kasabay ng kanilang panata para sa matalino at responableng netizen. Layon ng nasabing aktibidad ang paglaban sa fake news, paggamit sa social media…

Read More

‘ACCREDITATION FOR SALE’ SA PCAB IBINUKING NI PING

IBINUNYAG ni Senador Panfilo Lacson na nagiging for sale na rin o ibinebenta na ang accreditation ng mga kontratista ng mga proyekto ng gobyerno tulad ng flood control projects. Sa interpelasyon kay Lacson, sinabi niyang may natanggap silang impormasyon na nagsisimula sa P2 million ang bayaran sa Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB. Ang PCAB ay implementing board ng Construction Industry Authority of the Philippines na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry. Ipinaliwanag ni Lacson na bahagi ng accreditation for sale ang pagsasaayos ng bank certifications at lahat…

Read More

Imbestigasyon sa flood control anomalies PALABAS LANG NG MARCOS ADMIN – VP SARA

PARA kay Vice President Sara Duterte, palabas lang ng Marcos administration ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects. Kaya naman wala aniya siyang planong magbigay ng suhestyon o payo hinggil sa mga katiwalian sa government projects. Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni Duterte na hindi lang flood control projects ang nababalot ng katiwalian. Inulit din niya ang dati nang akusasyon na nakikinabang ang ilang kongresista sa proyekto kahit sa pondo ng Department of Education (DepEd). Noong siya aniya ang kalihim ng kagawaran, natuklasan niya…

Read More

Huwag selective KONGRESO, HUDIKATURA ISAMA SA LIFESTYLE CHECK

HINDI lamang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa ilalim ng Executive Department and dapat isailalim sa lifestyle check kundi maging Kongreso at sa Hudikatura. Ginawa nina House committee on public account chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon at House committee on human rights chairman Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., ang mungkahi sa gitna ng ipinag-utos ng Pangulo na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno. “I think wala namang problema na magkaroon ng lifestyle check sa mga miyembro ng…

Read More

P252-M ADVERTISING EXPENSES SA 2026 HINIRIT NG PCO

IDINIPENSA ng Presidential Communications Office (PCO) ang panukalang P252-million advertising expenses para sa 2026. Ani PCO Acting Secretary Dave Gomez, ang advertising budget ay naaayon sa mga plano kung saan ang Pilipinas ang siyang magho-host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon. “At the same time, we’re looking at several other important milestones for next year. And that’s why we need to advertise not just locally, but in some international outlets as well,” aniya pa rin. Winika pa ni Gomez na hangarin ng Pilipinas na…

Read More

GHOST PROJECTS SA BULACAN PINONDOHAN NG DUTERTE ADMIN?

PROYEKTO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang flood control projects sa Bulacan na umano’y substandard. Ito ang nilinaw ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na nangangalap ng mga dokumento bilang paghahanda sa isasagawang imbestigasyon ng Tri-Infra Committee sa mga anomalya sa flood control projects. Inihalimbawa ng mambabatas ang P96.4 million “Rehabilitation of River Protection Structure sa Bulusan, Calumpit, Bulacan na ipinatupad ng DPWH First District Engineering Office at St. Timothy Construction…

Read More

SOLONS: MARCOS UNAHIN SA LIFESTYLE CHECK

(BERNARD TAGUINOD) SI Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat mauna sa kanyang iniutos na lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng ilang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa flood control project. Ayon ito kina ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio at Kabataan party-list Rep. Renee Co. Bagama’t sinusuportahan umano ng dalawang mambabatas ang kautusan ng Pangulo, mas kapani-paniwala anila kung siya ang maunang sumailalim sa lifestyle check dahil sa sistematikong corruption sa ilalim ng kanyang administrasyon. “Marcos should be the first one since he has confidential and…

Read More

Pagsibak kay Torre trending MAHINA TALAGA SI PBBM – NETIZENS

malacanang

KINUYOG ng mga netizen ang Malakanyang matapos ang biglaang pagsibak sa pwesto kay dating Philippine National Police (PNP) Chief si P/Gen. Nicolas Torre III kamakalawa. Hindi lamang mga ordinaryong netizen ang nagdabog sa social media kundi maging ilang kilalang personalidad at miyembro ng Kamara tulad nina Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ay napa-ANYARE? Dismayado si de Lima sa pagkakasibak kay Torre na may malaking papel na ginampanan sa high profile arrests nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Apollo Quiboloy. Post niya sa…

Read More

HERBOSA PINASISIBAK SA DOH

PINASISIBAK sa puwesto si Health Secretary Teodoro Herbosa ng mga tinaguriang “concerned employees” ng Department of Health (DOH) dahil sa umano’y walang habas at hindi makatarungang reshuffling at demotion ng ilang matataas na opisyal ng ahensya. Giit nila, ang mga galaw na ito ay walang sapat na batayan at mistulang pinapaboran lamang ang malalapit sa Kalihim. “Kung kaya ng Pangulo na sibakin ang isang top-performing official tulad ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III dahil lamang sa hindi pag-uulat ng pagsibak sa kanyang deputy, dapat ding silipin ang mga galaw…

Read More