TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama ang 12 nanalong senador sa katatapos na May 12 midterm elections ngayong linggo. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, umaasa sila na makapagproklama sa Biyernes o Sabado. Muling nagpulong ang Comelec, na nagsilbi bilang National Board of Canvassers (NBOC) noong Martes para simulan ang canvassing ng mga boto para sa mga senador at party-list groups. Unang na-canvass ang mga COC mula sa local absentee voting, Baguio City at Ifugao. Dumating din at na-canvass ang mga COC mula sa Timor-Leste, Brunei, Cambodia, Japan,…
Read MoreCategory: NASYUNAL
‘LEGIT OPPOSITION’ WELCOME SA BBM ADMIN
WINELCOME na ng Malakanyang ang mga lehitimong oposisyon sa gobyerno subalit tiniyak na lalabanan ang magsisilbing hadlang sa administrasyon. Sa press briefing sa Malakanyang, hiningan ng komento Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa kung paano maaapektuhan ang ‘legislative agenda’ ng Pangulo sa nagbabadyang tagumpay ng six administration-backed candidates. Ani Castro, inaasahan ng Pangulo na tutugunan ng mga nanalo sa Eleksyon 2025 ang pangangailangan ng publiko. Winelcome din ng administrasyon ang presensya ng lehitimong oposisyon subalit pipigilan ang anomang hadlang o maninira na ang nasa isip…
Read MoreBATAS KONTRA DINASTIYA PINAREREPASO SA KONGRESO
ITINUTULAK ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbabago sa electoral system kasunod ng 2025 midterm polls. Hinikayat din nito ang Kongreso na bisitahin o silipin ang batas laban sa political dynasties. Sa isang kalatas, pinuri ng CHR ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsisikap nito na gawing mas ‘inclusive’ ang halalan kabilang na ang inobasyon ng maagang pagpapaboto sa vulnerable sector, ang maayos na proseso para sa eleksyon sa mga detention facility sa buong bansa at mas malakas na hakbang na ikinasa laban sa vote-buying at election-related disinformation.…
Read MoreATTY. VIC RODRIGUEZ: TULOY ANG LABAN KONTRA KORUPSYON
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BAGO matapos ang bilangan sa katatapos na national at local elections ay agad nagpaabot ng kanyang taos-pusong pasasalamat si senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez sa mga taong nakasama niya sa panahon ng kampanya, higit sa lahat sa mga nagtiwala sa kanya. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nag-post si Rodriguez nitong Martes ng pasasalamat at pagtiyak na hindi siya titigil sa paglaban kontra korupsyon. Bagaman hindi pinalad sa katatapos na halalan, pinasalamatan niya ang lahat ng kumilala sa kakayahan niyang mamuno. Narito ang bahagi ng kanyang…
Read MoreComelec sa mga kandidato: 5-ARAW LANG PARA BAKLASIN CAMPAIGN MATERIALS
BINIGYAN ng Commission on Elections (Comelec) ng limang araw ang mga kandidato na tanggalin online at baklasin ang kanilang mga campaign material. Ito ay para hindi sila maharap sa election offenses base na rin sa resolusyon ng fair election act na posibleng maging dahilan ng diskwalipikasyon. Ayon kay Atty. Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, nakatutok ang Task Force Baklas para mapanagot ang mga hindi susunod. Matatandaan pinakita ng Comelec na seryoso sila na ipatupad ang nasabing resolusyon. Sinampahan ng Task Force Baklas ng disqualification case ang mga kandidatong naglagay ng…
Read More27 INSIDENTE NG KARAHASAN SA ELEKSYON NAITALA NG PNP
BAGAMAN iniulat ng Pambansang Pulisya na batay sa kanilang datos ay mapayapa sa pangkalahatan ang katatapos na halalan, nakapagtala ng 27 insidente ng karahasan nitong Mayo 12, election day. Sinabi ni PNP-PIO chief PCol. Randolph Tuaño, na may kabuuang 46 validated related incidents simula sa buwan ng Enero 2025. Sa mismong araw ng eleksyon ay nakapagtala ng 27 insidente na may kinalaman sa eleksyon, lima ang naitalang pamamaril, tatlong pagsabog, pambubugbog at iba pang insidente. Ayon kay Tuaño, 14 ang naganap sa Bansamoro Autonomous Region (BARM) kung saan lima ang…
Read MoreERWIN TULFO HANDANG MAKIPAGTRABAHO SA LAHAT
SA pagtatapos ng bilangan ng mga nanalo sa Halalan 2025, ipinahayag ni Erwin Tulfo, isa sa mga inaasahang panalo sa Senado, ang kanyang kagustuhan na makipagkaisa sa mga kasalukuyang senador at mga kapwa niya senator-elect, saanman sila nanggaling. Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo, “Pagod na ang mga Pilipino sa mga away-pulitika. Ang dapat na makita nila ay yung nagkakaisang mga senador, mga lingkod-bayan. Kaya iyan ang una kong gagawin kapag ako ay maupo sa Senado: kausapin ang bawat hanay.” Sabi pa niya, “Uupo tayo kasama ang Senate President, ang…
Read MoreELEKSYON 2025: ABERYA, RAMBOL, KARAHASAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KATULAD sa mga naunang halalan, hindi pa rin naiwasan ang aberya kahapon sa mga presinto kung saan nagaganap ang botohan. Bukod dito, nagkaroon din ng ilang kaguluhan at pamamaril na kumitil ng ilang buhay. Ayon sa Department of Education (DepEd) Election Command Center, nakatanggap ito ng kabuuang 160 ulat mula sa iba’t ibang field offices hanggang 1:30 ng hapon ng Lunes. Karamihan sa mga ulat ay may kaugnayan sa mga problema sa Automated Counting Machine (ACM), nawawalang pangalan sa listahan ng mga botante, at mga isyung…
Read MoreVP SARA HANDA SA RESULTA NG IMPEACHMENT TRIAL
NAKAHANDA si Vice President Sara Duterte anoman ang maging hatol ng Senate impeachment trial, na pansamantalang itinakda sa Hulyo. Matatandaang sinampahan ng impeachment complaint si VP Sara noong Pebrero ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng lumalaking hidwaan sa pagitan ng pamilya Duterte, pamilyang Marcos at mga dati niyang kaalyado. Matapos bumoto kahapon, sinabi ni VP Sara sa isang ambush interview na handa siya sa anomang kalalabasan ng impeachment trial sa Senado na magdedetermina ng kanyang ‘political future.’ Bukod sa maalis sa tanggapan, isang guilty verdict ng senator-judges ang…
Read More