PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na maaaring magdala ng mala-trangkasong sakit o influenza-like illness (ILI) ang nararanasang pabago-bagong panahon. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, bagama’t mas mababa ang bilang ng mga naitatalang kaso ng ILI ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2024, ay hindi aniya dapat magpabaya ang publiko. Kaya naman payo ng kalihim, kung nakararamdam na ng sintomas ng malatrangkasong sakit ay ugaliing magsuot ng face mask, manatili sa bahay, takpan ang ilong at bibig kapag umuubo, siguruhin ang magandang airflow, kumain ng masusustansyang…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Atty. Rodriguez sinang-ayunan ng CBCP PALPAK NA GOBYERNO ISISI SA PRESIDENTE HINDI SA GABINETE
MISTULANG sinang-ayunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pahayag ni dating executive secretary Vic Rodriguez na nasa Pangulo ang problema kaya hindi maayos ang takbo ng gobyerno. Nitong weekend, naglabas din ng pahayag si Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP na hindi dapat isisi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang gabinete ang palpak na pamamalakad sa pamahalaan. Kasunod ito ng utos ng Palasyo na maghain ng courtesy resignation ang mga gabinete ng administrasyong Marcos. Ayon kay Secillano, ang punong ehekutibo ang may pangunahing pananagutan…
Read MoreOPENING NG PALARO GINAMBALA NG LINDOL
TINIYAK ni Department of Education Secretary Sonny Angara na walang nasaktan o maling pinsala na naitala kasunod ng malakas na paglindol, Sabado ng umaga sa Laoag City, Ilocos Norte, kasalukuyang nagsisilbi bilang host para sa 65th Palarong Pambansa. Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bayan ng Luna, La Union pasado alas-10 ng umaga ng Sabado. Naitala ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometers hilagang kanluran o sa karagatang sakop ng Luna, La Union. Naramdaman ang lindol sa mga karatig-lungsod kabilang na ang Laoag City, kung saan ginawa ang…
Read MoreNot President’s Playground
Kinontra rin ng isang mambabatas ang planong pag-upo ni Marcos sa Bicameral Conference committee ng 2026 nationals budget. “The bicam is not the President’s playground,” ani ACT Teacher party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, walang karapatang umupo si Marcos sa Bicam ng pambansang pondo at pakialaman ang trabaho ng mga senador at congressmen na nakasaad sa Saligang Batas. “Ang bicameral conference committee ay tungkulin ng lehislatura—hindi dapat pinakikialaman o dinadaluhan ng Pangulo. Ang presensya ni Marcos o ng sinomang kinatawan ng ehekutibo sa bicam ay naglalagay ng hindi kinakailangang…
Read MoreLacson, Hontiveros nagkontrahan MARCOS ‘DI PWEDENG UMEPAL SA BICAM
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MAGKASALUNGAT ang opinyon nina Senator Risa Hontiveros at Senator-elect Panfilo Lacson sa planong pag-upo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa deliberasyon ng bicameral committee para matiyak na maayos na mailalatag ang budget para sa susunod na taon. Ayon kay Lacson, maari lamang maging “observer” ang Pangulo pero hindi ito pwedeng sumali sa talakayan. Kinontra naman ito ni Hontiveros na nagsabing hindi maaaring sumawsaw si Marcos sa deliberasyon ng 2026 national budget. Paliwanag ni Hontiveros, hindi naaayon sa Konstitusyon kung sasali ang ehekutibo o sino mang miyembro…
Read MoreEDUKASYON TUNGKOL SA WPS GAGAWING MANDATORY
MAGKAKAROON ng mandatory education sa usapin ng West Philippine Sea (WPS) dahil maraming Pilipino umano ang nadadala at naniniwala sa mga maling impormasyon na ikinakalat ng Tsina hinggil sa nasabing bahagi ng karagatan. Ito ang nabatid kay in-coming Akbayan party-list Representative-elect Atty. Chel Diokno na nakatakda umanong maghain ng panukalang batas sa 20th Congress para gawing mandatory ang pagtuturo ng tungkol sa WPS sa mga paaralan. “Bilang Akbayan party-list representative sa darating na 20th Congress, isusulong po natin ang mandatory education dito sa West Philippine Sea sa lahat na lebel…
Read MoreHindi dahil weak ang gobyerno CABINET REVAMP BAHAGI NG PAGLILINIS – PALASYO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NILINAW ng Malakanyang na bahagi ng paglilinis sa gobyerno ang pagpapasumite ng courtesy resignation ng halos lahat ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi ito nangangahulugan na mahina ang gobyerno dahil ang revamp ay isang paraan ng pagpapakita ng Pangulo na walang puwang sa administrasyon ang mga tamad at korap na opisyal. Paalala pa niya, walang dapat ikapangamba ang publiko sa pagsusumite ng courtesy resignation ng halos lahat ng Gabinete ni Marcos Jr. Habang isinusulat ito, may 28…
Read MoreCARDEMA SINUPALPAL SA PAGBABANTA
BINUTA ni Kabataan party-list Representative Raoul Manuel si Duterte Youth party-list chairman Ronald Cardema sa kanyang banta na isisiwalat umano nito ang kalokohan sa Kongreso at Commission on Elections (Comelec) kapag hindi sila iprinoklama bilang panalo sa sectoral representation sa Mababang Kapulungan hanggang sa susunod na linggo. “Self-serving. Kung may alam pala sila tungkol sa korapsyon, bakit hindi nila isiniwalat dati pa?” usisa ni Manuel. Ang Duterte Youth party-list na nakakuha ng tatlong upuan sa katatapos na eleksyon kasama ang grupong Bagong Henerasyong (BH) ay hindi kasama sa iprinoklama ng…
Read MoreATTY. RODRIGUEZ: ‘MAANOMALYANG’ 2025 BUDGET ‘DI LULUBAYAN
TINIYAK ni Atty. Vic Rodriguez sa publiko na hindi niya lulubayan ang kaso ng ‘maanomalyang’ 2025 budget. Kasunod ng muling pagpapaliban ng Korte Suprema sa General Appropriations Act (GAA) hearing ay nag-post sa kanyang Facebook page ang dating executive secretary. Matatandaang kinuwestyon ni Rodriguez, kasama ang iba pang personalidad ang legalidad ng ipinasang 2025 budget ng administrasyong Marcos Jr. Kabilang sa mga kontrobersya sa naturang budget ang sinasabing isiningit na mga bagay at ang mga blangkong bahagi nito. Ayon kay Rodriguez, kailangang pagtuunan ng pansin ang kaso ng GAA dahil…
Read More