HINDI na umimik sa halip, ipinagkibit-balikat lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbaba ng kanyang trust ratings. Ang katuwiran ng Pangulo, hindi dapat gawing basehan ang isang survey lamang. ”Madaming ibang survey. Let’s not base it on one,” ang tugon ni Pangulong Marcos nang tanungin sa briefing kasama ang Philippine media delegation kung ano ang kanyang gagawin sa pagbaba ng kanyang ratings. Tinanong ni Pangulong Marcos ang media kung sino ang nagsagawa ng survey at nang sumagot ang mga mamamahayag na Pulse Asia, isang matamis na ngiti ang tugon…
Read MoreCategory: NASYUNAL
KAMARA NAGTALAGA NG ‘PALABANG’ SPOKESMAN
KUMUHA na ng tagapagsalita ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa katauhan ng anak ni outgoing Manila Rep. Bienvenido Abante na si Atty. Princess Abante. Aksyon ito ng Kamara matapos umanong mabugbog sa fake news, Kahapon ay pormal nang nagsimula sa kanyang trabaho ang batang Abante, na umingay ang pangalan noong panahon ng kampanya matapos resbakan sina Vice President Sara Duterte at Manila Mayor-elect Isko Moreno sa paninira at pambabastos sa kanyang ama sa isang campaign rally sa ikatlong distrito ng Manila. “The House cannot afford to be silent while lies…
Read MoreNCAP HINAHARANG SA KAMARA
INIHAIN kahapon ang isang resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para imbestigahan ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kasabay ng panawagan na suspendihin ito hangga’t hindi nareresolba ang iba’t ibang isyu ukol dito. Noong Lunes ay muling ipinatupad ng MMDA ang NCAP matapos tanggalin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu nito noong 2022 dahil sa dami ng reklamo. “The NCAP, designed to enforce traffic regulations through automated camera systems, has been plagued by issues, including unclear guidelines on vehicle ownership…
Read More5.1 QUAKE SA QUEZON RAMDAM SA METRO MANILA
LUMABAS sa kani-kanilang opisina ang mga empleyado ng Senado sa Pasay City matapos maramdaman ang 5.1 lindol na yumanig sa lalawigan ng Quezon kahapon. (DANNY BACOLOD) NABULABOG ang maraming government at private building sa Metro Manila nang maramdaman din ang epekto ng Magnitude 5.1 earthquake na yumanig sa lalawigan ng Quezon nitong Martes ng tanghali. Ayon sa ulat na natanggap ng Office of Civil Defense mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa lalawigan ng Quezon nitong Martes ng tanghali at naramdaman sa…
Read MoreTABLOID REPORTER, 2 PA HULI SA PAGBEBENTA NG BARIL
IPRINISINTA nina NCRPO chief PMGen. Anthony Aberin at SPD Director BGen. Joseph Arguelles, ang matataas na kalibre ng baril na nakumpiska sa tatlong suspek na kinabibilangan ng isang kagawad ng media sa buy-bust operation nitong Lunes ng gabi sa Guadalupe Nuevo, Makati City. Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Gaynor,” 52-anyos, reporter; “John,” 26-anyos; at Rodrigo. Nagmula umano sa lalawigan ng Cavite ang ibinebentang baril ng mga ito. Wala rin maipakita ang mga suspek na kaukulang dokumento o Comelec exemption. Ayon kay Aberin, mag-iisang buwan na isinailalim ang mga…
Read MoreLotilla sa DENR kinuwestyon RESHUFFLE NI BBM SABLAY PA RIN?
PINAGDUDAHAN ng incoming na mambabatas sa Kamara ang pagiging epektibo ng pagbalasa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga gabinete dahil may ilan sa kanila na hindi nababagay sa pinaglagyang pwesto. Inihalimbawa si Department of Energy (DOE) Sec. Raphael “Popo” Lotilla na inilipat ni Marcos sa DENR matapos tanggapin ang courtesy resignation ni dating DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga. Nababahala si Act Teacher Rep-elect Antonio Tinio sa pagkakaugnay umano ni Lotilla noon sa mga industriya na laging tumututol kapag may aksyon para protektahan ang kapaligiran. “Secretary Lotilla’s background…
Read MorePSA, NBI HINAHANAP NA SINA ‘MARIAN RIVERA’ AT “CHEL DIOKNO’
KUMIKILOS na ang Philippine Statistics Authority (PSA) at National Bureau of Investigation (NBI) para alamin kung may kapangalan si party-list representative-elect Atty. Chel Diokno at aktres na si Marian Rivera na parehong tumanggap umano ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte-Carpio. Kasunod ito ng paghingi ng Kamara ng tulong sa dalawang nabanggit na ahensya matapos matuklasang may recipient na nagngangalang ‘Chel Diokno’ at ‘Marian Rivera’ sa confidential funds ng pangalawang pangulo at pumirma pa sa acknowledgement receipt (AR). Ayon kay Lanao del Sur congressman Zia Alonto Adiong ng Lanao…
Read MoreALOKASYON NG PARTY-LIST SEATS KINUWESTYON SA SC
NAGHAIN ng petisyon ang OFW Party-list sa Korte Suprema (SC) nitong Lunes upang humiling ng muling pagsusuri sa pagkalkula para sa mga partidong maaaring makaupo sa ika-20 Kongreso. Sa kanilang petisyon para sa certiorari, pinarerepaso ng grupo ang pagkalkula ng alokasyon ng mga panalong party-list seats gamit ang isang formula na hindi nagpapahintulot ng karagdagang upuan para sa mga nakakuha ng 2% ng kabuuang boto. Nakakuha ng tig-tatlong upuan ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog. Tig-dalawang upuan naman ang napanalunan ng 4Ps, ACT-CIS at AKO BICOL. Sa kabuuan, may 48…
Read MoreMatapos mangulelat sa midterm polls NETIZENS ‘RERESBAKAN’ NI REVILLA
AMINADO si Senador Ramon Bong Revilla Jr. na isa sa naging dahilan ng kanyang pagkatalo sa nakalipas na halalan ay ang naglipanang fake news na tinarget ang kanyang pagkatao. Dahil dito, sinabi ni Revilla na panahon nang aksyunan ang mga nagpapakalat ng fake news para na rin sa kapakanan ng kabataan na naloloko sa iba’t ibang pahayag dahil hindi nila alam ang mga pangyayari sa nakalipas na mga taon. Aminado si Revilla na malungkot siya sa naging resulta ng halalan subalit binigyang-diin na inirerespeto niya ang naging pasya ng taumbayan…
Read More