WALANG kinalaman ang isyu sa pagiging babae at mula sa Mindanao ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte (VPSD) kundi sa pananagutan sa maling paggamit sa confidential and intelligence funds (CIF) ng pangalawang pangulo. Ito ang tinuran ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre matapos palabasin umano ni VP Duterte kaya siya in-impeach ay dahil taga-Mindanao sita at ang pagiging babae niya. “Walang kinalaman ang regional or personal identity sa isyung ito. Ang pinag-uusapan dito ay pananagutan ng isang opisyal na tumanggap ng pondo para sa mga sensitibong…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Hangga’t laganap kahirapan – solon ONLINE CHILD ABUSE HINDI MASUSUGPO
NAGIGING epidemic ang online child abuse dahil sa lumalalang kahirapan sa bansa kaya dapat pagsikapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na resolbahin ang problemang ito sa lalong madaling panahon. Ito ang iginiit ni House assistant minority leader Arlene Brosas matapos maalarma sa report ng Commission on Human Rights (CHR) na umaabot sa 2.7 million ang kasong naitala ng mga ito noong 2023. “These numbers represent millions of Filipino children whose innocence has been violently stolen. The exponential rise in cases from 426,000 in 2019 to 2.7 million by 2023…
Read MoreUMENTO SA SAHOD AT DAGDAG BENEPISYO SA MGA GURO, MULING IGINIIT NI GATCHALIAN
MULING tiniyak ni Senate Committee on Basic Education chairman Sherwin Gatchalian ang kanyang suporta sa panawagan para sa umento sa sahod at dagdag na benepisyo para sa mga guro. Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng sahod at benepisyo ng mga guro ay hindi lamang simpleng pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan, kundi isang konkretong hakbang upang matiyak ang marangal na pamumuhay para sa kanila. Kasabay nito, ipinangako ng senador na ipagpapatuloy ang pagsusulong ng mga pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang mas mapalakas ang proteksyon sa…
Read MoreIMEE NILAGLAG NA NG LAKAS
TULUYAN nang nilaglag ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang kapatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na si Sen. Imee Marcos sa senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Sa national assembly ng nasabing partido kahapon, inatasan ni House Speaker Martin Romualdez na siya ring pangulo ng nasabing partido ang kanilang mga kapartido na siguraduhin ang panalo ng 11 senatorial candidate ng administrasyon. “Please lang, please. Straight Alyansa. Diinan natin lahat sila, walang iwanan dito. Ito ang gusto ng ating Mahal na Pangulo. They are our true partners. Subok…
Read MoreALYANSA NAWASAK SA ENDORSEMENT NI SARA
NAWASAK ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos magpa-endorso kay Vice President Sara Duterte ang mga orihinal na miyembro ng admin slate na sina Rep. Camille Villar at Sen. Imee Marcos. Ayon kay outgoing Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, lalong napatunayan na walang pagkakaisa sa administrasyon na siyang ipinagmamalaki ni Marcos ngayong 2025 midterm election. “Sa bahagi lang din ng slate ng Alyansa, tingin natin dito din pinapakita kung gaano kabuhaghag ‘yong kanilang pagkakaisa, kasi no’ng simula ng kampanya ang kine-claim ng nakaupong Pangulo,…
Read MoreKasama sa pagpipilian na susunod na Santo Papa CARDINAL TAGLE IKAW NA BA?
IKINATUWA ng maraming Pilipino ang balitang isa si Filipino Cardinal Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga pagpipilian para maging susunod na Santo Papa ng simbahang Katolika. Ang 67-anyos na cardinal mula sa Pilipinas ay isa umano sa mga itinuturing na “papabili” o posibleng maging bagong pope kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis nitong Lunes, Abril 21. Sa panayam ng GMA News kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) director for broadcast Fr. Francis Lucas, sinabi nito na maaaring manalo si Tagle bilang susunod na pope, ngunit ang Espiritu Santo…
Read MoreVP SARA: IMPEACHMENT KAYANG IPANALO NG MGA ABOGADO
KUMPIYANSA ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte na maipapanalo nila ang impeachment trial laban dito. “Ako naman I am most confident with the lawyers working on my impeachment case,” ayon kay VP Sara, na nasa Cebu ngayon para bisitahin ang ilan sa kanyang mga kamag-anak sa Danao City. Sinagot din ni VP Sara ang mga komento mula sa mga mambabatas na pinalalabas na ang kanyang ginawang pag-endorso sa ilang Senate candidates ay isang “political move” na ang hangarin ay impluwensiyahan ang impeachment trial kapag nagbukas ang bagong Kongreso…
Read MoreROQUE KAY IMEE: ‘DRUG USE’ NI BBM IBUKING MO NA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni Atty. Harry Roque si Senator Imee Marcos na aminin sa publiko na gumagamit ng ilegal na droga ang kapatid na si Pres. Ferdinand Marcos Jr. Sa isang Facebook live, naglitanya si Roque at binanggit pa ang naging panayam umano noon sa The Rolling Stones member na si Keith Richards na nagsabing sinuplayan sila ni Marcos Jr. ng kilo-kilong cocaine. Sa social media platform na reddit, pinag-usapan na ng mga netizen ang sinasabing pahayag ni Richards na inilabas umano ng isang magazine. Gayunman, wala umanong…
Read MorePOPE FRANCIS PUMANAW NA
SUMAKABILANG BUHAY sa edad na 88 si Pope Francis. Sa Facebook post ng Vatican News, ang Santo Papa ay pumanaw sa kanyang tirahan sa Vatican Casa Santa Marta nitong Lunes, April 21, 2025. Noong Linggo, sakay ng open-air popemobile si Pope Francis ay humarap sa St. Peters Square sa unang pagkakataon mula sa kanyang pagkaka-ospital dahil sa double pneumonia. Sa kanyang pagpapagaling, nilimitahan ng kanyang doktor ang kanyang trabaho kung saan sa Easter Mass, ang kanyang mensahe ay binasa na lamang ng isang aide. Samantala, inaantabayan pa ang pahayag ng…
Read More