SA paggunita ng National Women’s Month ngayong Marso, muling pinagtitibay ng TRABAHO Party-list ang kanilang pangako na ipaglaban ang karapatan at kapangyarihan ng kababaihan sa loob at labas ng lugar ng trabaho. Kasabay ng pagbibigay-diin sa mahalagang papel ng kababaihan sa iba’t ibang sektor, nangako ang partylist na isusulong ang mga patakarang nagtataguyod ng pantay na oportunidad at gender inclusivity sa larangan ng trabaho. Sa tema ngayong taon na “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” kinikilala ng TRABAHO Partylist ang hindi matatawarang kontribusyon ng kababaihan…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PRE-REGISTERED SIM PATULOY NAIBEBENTA SA FACEBOOK
LABIS na ikinaalarma ng Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang patuloy na nabibiling pre-registered subscriber identity module (SIM) cards sa Facebook Marketplace na maaaring gamitin para sa ilegal na aktibidad. “Nakikita mo dun pre-registered cards for sale. Minsan nakalagay used SIM cards for sale,” ani PAOCC executive director Gilbert Cruz. “Siguro dagdagan pa natin ng safety nets ‘yung pag nagreregister ng cards. Dapat every card may accountable person. Hindi po pwede ibenta ito ng bultuhan,” aniya pa rin. Taong 2022, tinintahan ang RA 11934 o SIM Registration Act upang maging ganap…
Read MoreIbinubulsa ng mga politiko 30% KICKBACK SA GOVERNMENT PROJECTS
(PRIMITIVO MAKILING) HINDI lamang gobyerno ang ninanakawan ng mga politiko na kumukuha ng tatlumpung porsyentong kickback sa mga infrastructure project kundi ang mamamayan lalo na ang mahihirap na kailangan ng serbisyo. Ito ang alegasyon ni dating congresswoman Sarah Elago kasunod ng pagbasak ng Sta. Maria-Cabagan bridge sa Isabela nito lamang Pebrero 27 gayung kabubukas lamang nito noong Pebrero 1, matapos ang 10 taong konstruksyon. “This systemic “concrete corruption” in infrastructure projects is not just stealing from government coffers—it is directly stealing from the Filipino people, especially the poor who need…
Read MoreAKO-OFW PARTY-LIST BIYAHENG KONGRESO CARAVAN, NILARGA
MALUGOD na sinalubong ng mga taga-Zambales ang ‘Biyaheng Kongreso Caravan’ ng AKO—OFW Partylist. Idinaos ang AKO—OFW forum sa Barangay Panan covered court na dinaluhan ng mga residente mula sa iba’t ibang barangay. Matapos ang makabuluhang talumpati ni 1st nominee at Chairman ng AKO—OFW Party-list Dr. Chie Umandap, sinimulan na rin ang community forum na layong makapagsalita nang malaya at makapagtanong ang bawat mamamayan ng Botolan, Zambales. Ayon sa mga dumalo sa forum, marami nang party-list ang nagtungo at kumandidato sa kanilang lugar ngunit ang AKO—OFW lamang ang nakapag-abot at nakapagbigay…
Read MoreLGUs NAGKANSELA NG F2F CLASSES SA TINDI NG INIT
KINANSELA ng ilang lokal na pamahalaan ang pasok sa eskwela kahapon dahil sa nararanasang high heat index sa Metro Manila. Bunsod ito ng anunsyo ng state weather bureau na posibleng umakyat sa 42 hanggang 46 degrees Celsius ang temperatura sa bandang hapon. Ayon sa weather forecast na ibinahagi ng MDRRMO, papalo ang Manila’s heat index sa umaga mula 36-38°C, with peak heat index na aakyat sa 42°C na mararamdaman bandang alas- 2:00 ng hapon. “Based on the recommendation of Manila Disaster Risk Reduction Management Council, Afternoon classes in all levels…
Read MoreINTER-BARANGAY ZUMBA IDINAOS SA LAS PIÑAS
IPINAMALAS ng mga kalahok mula sa 20 barangay ng Las Piñas City ang kanilang galing sa paghataw sa idinaos na Inter-Barangay Zumba Competition sa Villar Tent sa Pulang Lupa Uno, sa nasabing lungsod. Ang kaganapan ay itinaguyod ni Senator Cynthia Villar at ng Villar Foundation bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kababaihan. Umabot sa 5,000 ang dumalo sa pinakamalaking indoor Zumba competition. (DANNY BACOLOD) 405
Read MoreMAKABAYAN BLOC DISMAYADO KAY SP ESCUDERO
DISMAYADO ang Makabayan bloc sa pahayag ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na hindi “special” ang impeachment kay Vice President Sara Duterte kaya hindi kailangang magpatawag ng special session. Ayon sa mga miyembro ng Makabayan bloc na sina representative France Castro, Arlene Brosas at Raoul Manuel, walang ibang nakikinabang umano sa ganitong posisyon ni Escudero kundi si Duterte kaya malabong mapanagot ito sa pagwawaldas sa kaban ng bayan. “Impeachment is undoubtedly special as it is a constitutional process specifically designed to hold the highest officials of the land accountable for…
Read MoreFPJ PANDAY BAYANIHAN PATULOY SA PAGHATAK NG SUPORTA SA MAY POLLS
PATULOY na lumalakas ang suporta ng publiko sa FPJ Panday Bayanihan Party-list, na ngayon ay nasa ikatlong pwesto sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Pinangunahan ni Brian Poe bilang unang nominado, ang party-list ay isa na sa tatlong pinaka pinipili ng mga botante, kung saan tumaas ang preference nito sa 4.76 porsyento mula sa dating 2.45 porsyento noong nakaraang buwan. Ang SWS survey, na iniutos ng Stratbase, ay isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 at may 1,800 na respondents na may ±2.31 porsyentong margin of error. Ayon sa…
Read MoreKORUPSYON BUBUSISIIN SA BUMAGSAK NA ISABELA BRIDGE
HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa Kamara na corruption ang dahilan kung bakit bumagsak ang kabubukas na tulay sa Isabela na ginastusan ng gobyerno ng mahigit isang bilyong piso. Dahil dito, agad nagpatawag ng imbestigasyon si House deputy minority leader France Castro dahil hindi aniya dapat ipagwalang-bahala at panagutin ang mga mapatutunayang nagnakaw ng pondo ng tulay. “Nakakaalarma na ang isang P1.22 billion na bridge na kaka-retrofit lang noong February 1 ay gumuho kaagad. Hindi ito simpleng aksidente o kapabayaan lamang. Kailangang silipin ang posibilidad ng corruption at substandard materials,”…
Read More