STORM

HOPE ni GUILLER VALENCIA SORRY to hear sa pangyayari sa nagdaang Typhoon Tino. Halos 49,000 ang affected families at tinatayang 31.3 million pesos fund ang nagastos sa humanitarian aid sa Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas and Caraga. More than that, ang dalamhati, hinagpis, at sama ng loob dahil sa pagkawala ng tahanan at kabuhayan. We could imagine, gaano kahirap ang ganoong karanasan na dinanas ng ating mga kababayang naapektuhan ng trahedyang ito. How to console them? Of course, we have to help them by giving money, food, clothes and others.…

Read More

TULONG NA WALANG PATID AT SERBISYONG ABOT-KAMAY MULA SA PCSO

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malinaw na patunay ng tunay na malasakit ng pamahalaan sa mga Pilipino ang pakikiisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa programang Lab for All sa Tanza, Cavite nitong Nobyembre 4. Sa pangunguna nina PCSO General Manager Mel Robles at Chairman Felix Reyes, kasama sina Directors Jennifer Guevara at Janet Mercado, mahigit 1,500 Charitimba ang naipamahagi. Isa itong konkretong tulong para sa mga pamilyang nangangailangan ng kaagapay sa kalusugan at pang-araw-araw na buhay. Hindi lingid sa publiko ang malaking layunin ng Lab for All,…

Read More

UHAW SA KATARUNGAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD IPINANGAKO ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na bago magpasko ay may makukulong na mga sangkot sa pinakamalalang katiwalian sa kasaysayan ng bansa… ang harap-harapan at walang takot na pagnanakaw sa flood control projects. Ramdam siguro ng gobyernong ito na uhaw na uhaw na ang mga Pilipino sa katarungan kaya para maibsan ang kanilang pagkauhaw ay siniguro ni Remulla na hindi magiging masaya ang Pasko ng mga nangurakot sa kaban ng bayan. Pero kahit may makukulong bago magpasko, hindi pa rin maibsan ang pagkauhaw ng mga…

Read More

SINGSON KAY BBM: PAIMBESTIGAHAN MO SA ICI ANG ILOCOS NORTE

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINABI ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson kay Pangulong Junjun Marcos na kung gusto niyang maniwala sa kanya ang mga Pilipino, unahin niyang paimbestigahan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga proyekto ng flood control sa Ilocos Norte na kanyang lalawigan. Natuklasan ni Singson na mismong sa Ilocos Norte ay maraming flood control projects na ang kontraktor ay ang pamilyang Discaya. Sinabi ni Singson, lumalabas na ang Ilocos Norte ay pangatlo sa Bulacan at Mindoro na pinakamalaking pinaglaanan ng pondo para sa flood…

Read More

Bakit Hindi Inventory ang Pagbibilang ng Sahig?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN NAKATATAWA man sa iba, nakahihiya sa marami ang lumabas na video sa social media kung saan makikita ang isang fastfood crew na nakayuko habang nagtatrabaho. Habang abala ang ibang kasamahan sa pagtanggap ng order at paghahain, siya ay nagbibilang ng tiles sa sahig. Ayon sa ulat, utos daw ito ng kanilang manager bilang bahagi ng “inventory.” Seryoso ba ito? Ang pagbibilang ng tiles ay hindi inventory. Para sa mga crew, hindi ito biro. Ito ay nakaaapekto sa kanilang dangal at tiwala sa kanilang manager.…

Read More

MULA SA BILYON-BILYONG UTANG, SARILING BAHAY POSIBLE NA!

BISTADOR ni RUDY SIM ANG tahanan ay isang pangunahing pangangailangan. Pangarap ng bawat Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay, hindi lang ito nangangahulugan ng seguridad at ginhawa, makatutulong din ito sa pagpapaunlad ng bawat miyembro ng pamilya. Ngunit sa hirap ng buhay ngayon at nagtataasang presyo ng mga bilihin sa Metro Manila, tila suntok sa buwan ang magkaroon ng sariling bahay. Sabi nga ng mga eksperto, umabot na sa 6.5 milyong tahanan ang kakulangan sa pabahay sa buong bansa, at posibleng lumobo pa sa 10 milyon bago matapos ang kasalukuyang…

Read More

‘YANG PANGDADARAG NG GAHAMANG CHINA SA PILIPINAS!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA NOONG panahon ng dating Pangulong Noynoy Aquino nauso ang pagpangalan sa karagatang sakop natin na West Philippine Sea (WPS) in 2012. South China Sea (SCS) ang tawag dati sa WPS, pero ‘di nangangahulugan na pag-aari ng China ang WPS. Kaya, itigil na ‘yang ingay na sa China ang WPS o SCS, kasi sa atin nga ito at nasasakop pa ng ating exclusive economic zone (EEZ), ayon sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands noog 2016. Itong ating EEZ ay tinatanggap…

Read More

SCREENING SA MGA SOCIAL MEDIA POST, DAPAT HIGPITAN!

RAPIDO ni PATRICK TULFO HANGGANG sa ngayon ay suspendido pa rin ang official page na Rapido Ni Patrick Tulfo, at sa ngayon ay pansamantala kaming nagbibigay ng update sa Rapido Official Facebook page. Nakapagtataka lang na mahigpit ang Meta (Facebook manager) sa mga katulad kong page gayung napakaraming nagkalat na account na basura ang content. Mga bastos at paninira lang ang content. Dapat ay mabilis ang aksyon ng Meta sa mga page na wala namang pinost na hindi maganda, nagkataon lang na parehong verified ang aking personal account at ang…

Read More

TULDUKAN NA ANG TRAVEL TAX – SEN. ERWIN TULFO

TARGET ni KA REX CAYANONG TAMA lamang ang panawagan ni Senador Erwin Tulfo na panahon na upang buwagin ang travel tax. Aba’y sa loob nga naman ng maraming taon, naging pabigat ito sa mga Pilipinong nagnanais makapaglakbay, hindi para sa luho, kundi para sa trabaho, pag-aaral, o pagpapalawak ng kanilang pananaw sa mundo. Ayon kay Tulfo, kung tunay nating hangad na umunlad ang turismo at ang ekonomiya, bakit natin pinipigilan ang mismong mamamayang nais lumabas ng bansa at maging bahagi ng global na paglalakbay? Ang Pilipinas ay lumagda sa ASEAN…

Read More