YAMSUAN RUMATSADA VS TAMBUNTING

TARGET NI KA REX CAYANONG UMUUGONG ang laban para sa posisyon ng kongresista sa Ikalawang Distrito ng Parañaque habang patuloy ang mainit na tunggalian sa pagitan ng kasalukuyang kongresista na sina Gus Tambunting at Cong. Brian Yamsuan ng Bicol Saro Party-list. Lalong nagiging matindi ang kompetisyon sa gitna ng nagbabagong sentimyento ng mga botante. Batay sa pinakahuling independent at non-commissioned survey ng ‘Boses ng Bayan’ para sa 2025 elections, na isinagawa ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) mula Pebrero 15-20, 2025, kasalukuyang nangunguna si Cong. Yamsuan na may 56% na boto…

Read More

IMEE MARCOS BAKA PULUTIN SA KANGKUNGAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMI ang nakapansin sa panlalamig ng mga botante kay Senator Imee Marcos. Katunayan, parang spaghetti na pababa nang pababa ang kanyang pwesto sa mga survey. Tila ba dumadaan sa matinding pagsubok ngayong 2025 midterm elections ang ate ni Pangulong Bongbong Marcos. Kung magpapatuloy ang matabang na pagtanggap sa kanya ay malamang na ito pa ang maging dahilan ng kanyang pagkatalo. Hindi kasi malinaw ang paninindigan ng senadora sa pagitan ng kapatid na si PBBM at malapit na kaibigan na si Vice President Sara Duterte. Ang bagay…

Read More

PAGKAARESTO KAY DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG balita ay hindi inaasahan. Inaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11 sa airport. Ang International Criminal Court ay naglabas ng isang warrant of arrest na nag-uugnay sa kanya sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Kalaunan ay dinala siya sa Netherlands, kung saan haharap siya sa paglilitis. Ito ay isang malaking sandali sa kasaysayan. Ang isang dating pinuno ay kailangan na ngayong managot sa isang internasyonal na hukuman. Ang mga tao ay may iba’t ibang opinyon tungkol dito. May nagsasabing hindi siya…

Read More

SUMPA NG MGA MARCOS?

MANINIKTIK ni GREGORIO SAMAT MAY sumpa ba ang pamilyang Marcos dahil kapag sila ang namuno sa Pilipinas ay watak-watak ang mga Pilipino? Martial Law baby ako kaya hindi ko naranasan ang lupit ng martial law ng ama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na kung tawagin sa Northern Luzon ay Apo Lakay. Pero sa mga nababasa ko at mga ebidensyang inilabas ng mga biktima ng batas militar at kalaban ni Marcos Senior sa pulitika, ay nagkawatak-watak ang mga Pilipino lalo na noong matunugan na…

Read More

PAMANGKIN BINUGAW NG TITA SA AMO, TAIWANESE KINASUHAN NG RAPE

PUNA ni JOEL O. AMONGO HABAMBUHAY na pagkakabilanggo ang kakaharapin ng isang negosyanteng Taiwanese na nakabase sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos umanong gahasain ang menor de edad na pamangkin ng kanyang tauhan sa kanyang canteen sa Morong, Bataan. Ayon sa sumbong ng menor de edad, noong Hulyo, 2022, 15-anyos pa lang siya nang alukin siya ng tiyahin na itago natin sa inisyal na “CI” para magtrabaho sa canteen sa Morong, Bataan. Ang kainan na pinapasukan ni “CI” ay pag-aari ng dayuhan (Taiwanese) na amo ng tiyahin ng dalagita.…

Read More

TRAIN SYSTEM NG HK DAPAT NATING GAYAHIN

RAPIDO NI TULFO KABABALIK lang po ng inyong lingkod mula sa isang maikling bakasyon sa Hong Kong kasama ang aking pamilya. Ang Hong Kong ay dating pinamamahalaan ng Britain at ibinalik sa China noong July 1997 matapos ang siyamnapu’t siyam (99) na taon. Isa pong paboritong pasyalan at bakasyunan ng mga Pinoy ang HK dahil malapit lang at ito at hindi na kinakailangan ng visa upang makapasok dito. Tinanong po kami ng driver ng aming nasakyan papunta sa aming hotel kung holiday raw ba rito sa atin dahil marami raw…

Read More

‘NO ONE IS ABOVE THE LAW’

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari ANG PAG-ARESTO at pagpapakulong ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa piitan nila sa bansang Netherlands ay isang malaking isyu na humahati sa mga Pilipino. Gayunpaman, ang sitwasyon ngayon ni Duterte ay maliwanag na resulta ng malawak na “extra judicial killings” (EJK) noong kanyang administrasyon. Wala pa si PBBM sa Malakanyang ay may kaso na si Digong sa ICC na isinampa ng mga pamilya ng biktima ng EJK. Ngayon lang gumugulong ang proseso ng batas sa paghahanap nila ng…

Read More

LACSON: IWASAN LUMIKHA NG GULO SA MGA KILOS PROTESTA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KUNG saan-saan sumusulpot ang protesta ngayon ng grupong pabor at kontra Duterte. Masigasig ang mga pro-Duterte o iyong Duterte Die-Hard Supporters (DDS) sa pagsigaw na pabalikin ang dating pangulo na ipinaaresto ng International Criminal Court (ICC) at kasalukuyang nasa The Hague sa Netherlands kung saan lilitisin ang kanyang kasong crimes against humanity kaugnay ng mga umano’y extra-judicial killings (EJKs) sa kanyang ‘war on drugs’ noong mayor pa ito sa Davao at noong naging presidente na. Lumabas ang galit ng mga DDS. ‘Yung iba sinasabayan pa ng…

Read More

SOFRONIO, SINTUNADO SA SOCIAL MEDIA

BISTADOR ni RUDY SIM HINDI ikinatuwa ng mga supporter ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang naging tono ng mang-aawit na si Sofronio Parojinog Vasquez III sa social media, kasunod ng patutsada nito sa pagkaka-aresto ni Digong. “Deserve” ang unang lumabas sa official Facebook account ni Sofronio sa gitna ng pagsubaybay nating lahat sa makapigil-hiningang mga kaganapan noong Martes, na nauwi sa paghahatid sa dating pangulo sa hukuman ng ICC sa Netherlands. Hindi ito nakalusot sa mga netizen at agad na umani ng batikos ang 32-taon gulang na artista para sa…

Read More