HINDI na bago ang pagbaba sa pwesto ng mga taong itinalaga ng Pangulo. May mga pagbibitiw na bunsod ng ‘di kainamang kalusugan. Meron din naman na dahil hindi magawang palampasin ang isang magandang oportunidad. Subalit kakaiba ang pagbibitiw ni Atty. Vic Rodriguez sa pangalawa sa pinakamataas na pwesto sa Palasyo. Aniya, hangad lang niyang makapaglaan ng oras para sa kanyang pamilya. Sadyang mahalaga ang pamilya. Katunayan, kilala ang mga Pilipino sa mataas na antas ng pagpapahalaga sa pamilya. Subalit sa kasamaang palad, iniintriga nang bongga ang pagbibitiw ni Atty. Rodriguez…
Read MoreCategory: OPINYON
SERYOSO ANG USAPIN TUNGKOL SA TUBIG
ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. NAPAKAHALAGA ng malinis na tubig sa buhay ng tao at kung mawawala ito tiyak na magiging katapusan na ng mundo. Ito Ang Totoo: Tatagal ng hanggang tatlong (3) linggo ang buhay ng tao nang walang pagkain pero swerte na sa tatlo (3) o apat (4) na araw kung walang tubig na inumin, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto. Mapalad ang Pilipinas na sagana sa mga natural na pinanggagalingan ng tubig kaya tuloy hindi sineseryoso ng marami ang posibilidad na mawala ito. Katunayan,…
Read MoreATTY. VIC RODRIGUEZ, NAPULITIKA
BISTADOR Ni RUDY SIM SA umpisa pa lamang ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ay naging mainit na ang tumbong ng ilang politiko at ilang makapangyarihang grupo laban kay Atty. Vic Rodriguez, nariyan ang iba’t ibang demolition job at fake news upang sirain ang kredibilidad nito bilang executive secretary. Dahil sa epektibong brand of leadership ni Rodriguez ay naging tinik ito sa kanilang lalamunan at maraming nasagasaan partikular ang mga taong may pansariling interes upang makakuha ng kapangyarihan sa pamahalaan kaya pinatigpas ito sa pwesto. Maraming mapanirang indibidwal…
Read MoreMAS PRODUKTIBONG LIPUNAN SA TULONG NG MABILIS NA SERBISYO NG INTERNET
SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA KUNG maghahanap online ng listahan ng mga bansang may pinakamabibilis na internet, laging nababanggit ang bansang South Korea, Japan, Hong Kong, Singapore, at Switzerland. Bukod sa pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet, ang mga nabanggit ay mga mauunlad din na bansa. Ang pagiging produktibo ng lipunan ay isa sa mga katangian ng maunlad na bansa, at sa makabagong panahong ito, tiyak na malaki ang kinalaman ng pagkakaroon ng mabilis na serbisyo ng internet sa antas ng pagiging produktibo ng mamamayan. Noong taong 2020,…
Read MoreMAHALAGA ANG KOORDINASYON NG GOBYERNO AT E-SABONG OPERATORS
SABONG ON AIR NI KA REX CAYANONG MARAMI nang nag-aabang sa pagbabalik-operasyon ng online o e-sabong sa bansa. Pinag-aaralan din naman kasi itong maigi ng pamahalaang Marcos. Ngunit iminungkahi ng isang gaming technology executive ang mahigpit na koordinasyon ng pamahalaan at ng e-sabong operators. Sa ganitong paraan daw ay matutulungan ang industriya sa pagpapaunlad nito. Ayon naman kay Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano, handa raw ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa concerns ng publiko sa e-sabong. “We’re…
Read MoreRAKET NG VISA READER SA AIRPORT DAPAT NANG KALUSIN
AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP HINDI na talaga maubos-ubos ang mga gawaing panlalamang sa mga OFW sa mga airport hindi lamang sa NAIA kundi pati na rin sa Clark International Airport. Kung dati ang raket ng ilang mga taga-airport ay ang laglag-bala, ngayon naman ay may naisip na namang bagong raket na ang mga bida ay ang mga hinayupak na visa reader. Ang sistema kasi sa airport ay bago makapag-check-in ang isang OFW patungo sa Middle East, ay kinakailangan na dumaan muna ito sa isang visa reader para…
Read MoreTEXT SCAM, PATULOY NA NAMAMAYAGPAG DAHIL SA PAGIGING INCOMPETENT NG NTC
RAPIDO Ni PATRICK TULFO PATULOY pa rin ang panloloko ng dorobong text scammers! Umpisa palang ng taong 2000 ay meron na itong text scam at hindi na rin biro ang bilang ng mga nabiktima nito, karamihan ay mga may edad na o senior citizens. Ngayong 2022, mas malikhain na ang mga kawatan. Sa mga text na ipinadadala ng mga ito ay tila personalized na ang kanilang mensahe dahil nakalagay na ang pangalan ng sim card user. At kung ikaw ay hindi mo alam na ito ay scam ay maniniwala ka…
Read MoreVCD NG BI, BUWAGIN!
BISTADOR Ni RUDY SIM NANAWAGAN at sinuportahan ng mas maraming kawani ng Bureau of Immigration (BI) na dapat nang buwagin ang isang sanga ng kanilang tahanan na siyang pinagmumulan umano ng korapsyon at harassment sa travel agencies at sa mga dayuhan na pakiramdam nila ay walang katapusan ang kanilang pag-aalala na sila’y harap-harapang hinoholdap at inaalisan ng karapatan sa kabila nang legal na nilang paninirahan sa bansa Ang Verification and Compliance Division ng BI ay napag-alaman natin na wala ito sa best practices ng ibang bansa at wala rin sa…
Read MorePWEDE BA? TANTANAN NA NINYO SI ES VIC!
MY POINT OF BREW Ni JERA SISON HETO na naman. Nagsabog ng lagim muli ang mga ’Maritess’ tungkol sa pagkakalat ng tsismis na may umano’y isang mataas na opisyal ng Malakanyang na hindi raw pinapasok sa birthday party ni PBBM noong gabi ng kanyang kaarawan. Abogado raw ito! *** Dagdag pa rito sa mga ’Maritess’ na nagpapakalat ng tsismis ay sisibakin din daw sa pwesto ang nasabing opisyal. Malinaw ‘kuno’ sa naganap na pagtitipon ng malalapit na kaibigan ni PBBM noong gabing iyon na wala raw itong nasabing mataas na…
Read More