MABILIS ANG AKSYON SA SUMBONG NG OFW SA QATAR

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP PORMAL nang naiproklama ng Kongreso at Senado ang bagong halal na Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Bise Presidente Sara Duterte. Dahil dito, ay nagsisimula na ring mabuhayan ng kalooban ang bawat mamamayang Pilipino na tuluyan nang susulong ang ­ating bansa lalo na’t ang ­Pangulo, Bise Presidente at maging ang mataas at mababang kapulungan sa kauna-unahang pagkakataon ay tila nasa iisang landas ng layunin na buhaying muli ang pagkaka­isa bilang isang bansa. Inaasahan ng bawat mamamayan na ang mga…

Read More

MGA HUNGHANG

RAPIDO Ni PATRICK TULFO NAIPROKLAMA na bilang ­Pangulo at Pangalawang Pangulo ng National Board of Canvassers na binubuo ng mga miyembro ng Senado at Mababang Kapulungan ang tambalang BBM at Sara Duterte na nagwagi nitong nakaraang halalan matapos ang isinagawa nilang bilangan. Mabilis na natapos ang bilangan dahil na rin sa kawalang pagtutol ng mga kampo nina VP Leni Robredo at Mayor Isko Moreno na kinatawan ng kanilang mga abogado. Si BBM o Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang ika-17 na ­Pangulo ng bansa samantalang ika-14 na Bise-Presidente naman si Sara…

Read More

PANIBAGONG HAMON KAY REMULLA

BISTADOR Ni RUDY SIM MATAPOS tanggapin ni ­Cavite 7th District Rep. Crispin ­”Boying” Remulla ang alok ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan ang Department of Justice (DOJ), ay kailangan nitong bitiwan ang kanyang puwesto bilang mambabatas upang ­tulungan si BBM na maisaayos ang ating justice system at maibigay ang tamang hustisya sa mga napagkaitan ng ­katarungan. Ang pagkakatalaga kay Remulla ni Pangulong Marcos sa ahensya ay maaaring ­masusing pinag-aralan na ng Pangulo dahil na rin sa kanilang matagal na pinagsamahan at tiwala na makakayanan nito ang trabahong nakaatang…

Read More

TAMANG TAO SA USAPIN NG ENERHIYA

HINDI maikakailang nasadlak ang bansa sa dusa sa usapin ng enerhiya. Mataas na buwanang ­singil sa kuryente, walang puknat na pagpapataw ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, manipis na supply ng elektrisidad, sabwatan ng mga taong gobyerno sa mga kapitalistang oligarko – ilan lang ‘yan sa mga dahilan sa likod ng problema ng sambayanang Pilipino. Ang totoo, mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas. Sandamakmak na daluyan ng tubig na angkop sa hydro energy, mga bulkang dapat sana’y ginamit sa pagtatayo ng geothermal power plants, sikat ng araw na sangkap…

Read More

GABINETE NI BBM UNTI-UNTI NANG NABUBUO

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO ISA tayo sa mga natuwa nang malaman natin na ang bossing natin dito sa Saksi Ngayon na si Atty. Vic ­Rodriguez ang ­magiging executive ­secretary ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. Gaya ng alam na natin, si Atty. Vic na mas kilala sa alias na VDR, ang chief of staff, spokesman at kaibigan ni BBM. Mula sa election protest noong taong 2016 kung saan ay nadaya si BBM sa pagka-bise presidente  – matapos palitan ang letrang Ñ – ay hindi na iniwan ni Atty. Vic…

Read More

HEALING BEGINS

DPA Ni BERNARD TAGUINOD TINANGGAP na nina Vice President Leni Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang resulta ng halalan noong Mayo 9 na malinaw na pinanalunan nina presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at presumptive Vice President Sara Duterte. Mismong ang mga ­abogado nina Robredo at Moreno ang nagpatunay sa integridad ng katatapos na halalan kaya hindi na sila nag-object na i-canvass ang lahat ng certificate of canvass. Sina Robredo at Moreno ang ikalawa at ikaapat sa 10 presidential candidates na nakakuha ng maraming boto sa katatapos na halalan…

Read More

DEVANADERA, SINOPLA NI SALCEDA

PUNA Ni JOEL AMONGO SA gitna ng krisis sa enerhiya, higit na angkop para sa Department of Energy (DOE) ang isang kalihim na hindi ignorante sa mga batas na may kaugnayan sa kuryente at langis. Tumbukin na natin! Hindi ko kasi inaasahang sa bibig pa ni Energy Regulation Commission (ERC) chairperson Agnes Devanadera magmumula ang giit na pagbasura ng value added tax sa kuryente – nang ‘di na kailangan pa ang anumang batas. Ang totoo, pasakit sa mga ordinaryong Pinoy ang mataas na buwanang singil sa kuryente. Dapat lang naman…

Read More

PATAAS NA NAMAN

AMININ man o hindi ng Department of Health (DOH), higit na mataas ang antas ng banta sa kalusugan ng mamamayan bunsod nang ­muling pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa mga bagong anyong tinawag ng mga siyentipiko bilang Omicron subvariants BA.2.12, BA.2,12.1, at BA.4. Sa datos ng DOH mula Mayo 18 hanggang 22, lumabas ang mabilis na pagdami ng naitatalang mga positibo. Mula sa 103 kumpirmadong kaso noong Mayo 18, pumalo na ito sa 246 noong Mayo 21. Ang totoo, buwan pa ng Abril nang maglabas ng babala ang mga…

Read More

TOOTS OPLE NAGBIGAY PAG-ASA SA MGA OFW

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP NABUHAYAN ng kalooban ang mga lider ng iba’t ibang sector na may kaugnayan sa mga OFW matapos na pormal na inanunsiyo ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtanggap sa kanyang inialok na position kay Susan “Toots” Ople para maging kawani ng bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW). Sunod-sunod ang tawag sa telepono ang aking natanggap upang ipakisuyo kay incoming Secretary Toots Ople ang kanilang pagbati at pagpapasalamat. Ngunit mayroon ding ilang sector ang nagalit o nagtampo sa akin dahil diumano…

Read More