DOJ HINDI NAGKULANG SA PAGSASAMPA NG KASO LABAN SA JOLO, SULU PNP

INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na naihain na noong January 4, 2021 sa Sulu Regional Trial Court ang kasong four (4) counts of murder laban sa siyam na pulis na responsable sa Jolo encounter na ikinamatay ng apat na intelligence officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong nakaraang taon. Sa panayam kay Prosecution Attorney Honeyrose Delgado, Spokeperson ng National Prosecution ­Services Office o NPS, ipinaliwanag nito na hanggang sa kasalukuyan ay inaantabayan pa rin anya nila ang arrest warrant na nakatakdang iisyu ng Sulu court. Paliwanag pa…

Read More

KAPAKANAN NG ATLETA PANANAGUTAN NG NSAs

PANANAGUTAN ng NSAs (National Sports Associations) na namamahala ng bawat sport ang kaligtasan at kapakanan ng mga atleta. Ito ang naging reaksyon ni Dr. Celso “Cito” Dayrit, pangulo ng Fencing Confederation of Asia, sa panukalang batas na nagbabawal sa mga kabataang Pinoy na wala pa sa hustong gulang na lumahok sa paligsahan sa martial arts at iba pang combat sports. Sa isang liham na ipinadala kay Rep. John Marvin “Yul Servo” Nieto, chairman ng House Committee on Youth and Sports Development, ipinayo ni Dayrit, dating pangulo ng Philippine Olympic Committee…

Read More

WALANG TIWALA ANG PUBLIKO SA MGA POLITIKO

INAAMIN ko na isa ako sa may nais maamyendahan na ang 1987 Constutition dahil 33-anyos na ito at maraming probisyon sa bibliyang ito ng mga Filipino na hindi na angkop sa panahon ngayon. Hadlang din ang Saligang Batas sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante dahil hindi sila ang puwedeng magmay-ari ng isang daang porsyento sa negosyong ipapasok nila sa ating bansa. Hanggang 40% lang ang pag-aari nila sa isang negosyo kaya naghahanap sila ng mga Filipino counterpart para maging partner nila at magmay-ari sa 60% sa ­negosyong itatayo nila. Ang…

Read More

MARK ROSALES KINILALANG NAGLAGAY NG GAMOT SA INUMIN NI CHRISTINE DACERA

SI Mark Rosales na kaibigan at isa sa mga suspek sa Dacera Rape with Homicide case ang binanggit na naglagay diumano sa iniinom ng biktima kaya ito nahilo. Ito ang isiniwalat ni Atty. Roger “Bricks” Reyes, spokesperson ng pamilyang Dacera sa isinigawang panayam ng PUNA kamakalawa. Isinumbong ng isa sa kaibigan ni Christine na binanggit daw ng dalaga na may inilagay si Mark Rosales sa kanyang iniinom na kaya siya nahilo agad. Binanggit ito ni Christine nung gabi ng Disyembre 31, 2020 bago siyang natagpuang patay sa bathtub kung saan…

Read More

HILONG-TALILONG ANG MGA JOURNALIST SA PNP

HINDI na bago ang naranasan ng mga journalist sa kaso ng namatay na si Christine Dacera. Ang pagkuha ng impormasyon mula nang makarating sa mga ­journalist ang impormasyon sa krimen hanggang sa detalye galing sa mga pulis na may hawak ng kaso, hepe ng pulisya ng Lungsod ng Makati na si Col. Harold Depositar, sa direktor ng national Capital Region Police Office (NCRPO) na si Brig. Gen. Vicente Danao Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Debold Sinas, pamilya Dacera, mga politikong sina Senador Manny Pacquiao at…

Read More

‘Mabuti kaysa wala!’

ITO ang agad naging reaksiyon nina Pilipina Olympic qualifier sa boksing na si Irish Magno at ng magtatangka pang ­makarating sa 2021 Olympic Games na si Nesthy Petecio sa plano ng Association of ­Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at Sports Commission na bigyan sila, sa wakas, ng pakakataong makapaghanda simula sa Sabado. Ang dalawa, na tulad ng kanilang mga kasama sa pambansang koponan na kinabibilangan din ni Eumir Marcial, ay di pa nakararanas makapag-ensayo ng seryoso mula noong ­Asia-Oceania Olympic Qualifier noong Marso nang nakalipas na taon. Subalit di…

Read More

DANNY LIM, MATAPAT AT MAHUSAY NA TAGAPAGLINGKOD NG BAYAN

ISANG malungkot na ­balita ang bumungad sa atin sa umpisa ng taong 2021. Kamakailan lamang ay napabalita ang biglaang pagpanaw ni Metro Manila Development ­Authority (MMDA) chairman at dating military general na si Danny Lim noong ika-29 ng ­Disyembre, 2020. Sa kasamaang palad ay kabilang si Lim sa mga nasawi dahil sa ­komplikasyon ng ­COVID-19. Ayon sa mga ulat, nagsisimula nang gumaling si Lim mula sa pagkakaroon ng COVID-19 ngunit bigla itong nag-cardiac ­arrest noong Miyerkules ng umaga. Ito ay patunay na hindi talaga basta-basta ang nasabing virus lalo na…

Read More

WAG NANG PATAGALIN PA ANG BAGONG ANTI-CHILD PORNOGRAPHY LAW

HINIHIMOK natin ang Kongreso na agarang talakayin at maipasa ang panukala na ating inihain na naglalayong palakasin ang Anti-Child ­Pornography Act of 2009 (Republic Act 9775) sa gitna ng mga ulat na ang mga estudyante ay nagbebenta ng kanilang ­senswal na mga larawan at video para kumita lamang ng pera upang ­ipambili ng gadgets para makasabay sa isinasagawang distance ­learning sa kasalukuyan. Ito ang pakiusap ng National Bureau of Investigation at Office of Cybercrime ng Department of Justice kamakailan para mas paigtingin nila ang pagsisikap na masugpo ang online human…

Read More

ANO BANG MAYROON SA CHINA?

AYAN na naman tayo eh. Hindi na tayo natuto sa ­ating karanasan na sa takot nyo na masaktan ang damdamin ng China ay nagdadalawang isip kayo na i-ban ang mga biyahero ­galing China dahil sa bagong variant ng COVID-19. Habang tinitipa ko ito, ayaw pang isama ng ­gobyerno ang bansang China sa travel ban pero ang mga bansang hindi nila kakampi ay mabilis pa sa alas-kuwatro ang ipinatupad na travel ban dahil may naitalang bagong variant ng COVID-19. Mismong ang China na ang nagsabi na nakapasok na sa kanilang bansa…

Read More