PAHAYAG NI DUQUE SA 2 MAY COVID-19 PINAGDUDAHAN?

PUNA
Hindi naniniwala ang mga Pinoy sa statement ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na
hindi local o community transmission ang isa sa dalawang panibagong kaso ng Covid-19 sa bansa.
    Noong Biyernes (March 6) kinumpirma ni Duque na may  dalawang kaso na naman ng Coronavirus sa Pilipinas .
    Ang dalawa ay nasa 48-anyos at 62-anyos na pawang mga Pinoy.
    Ang 48-anyos ay bumisita kamakailan sa Tokyo, Japan at bumalik sa bansa noong Pebrero 25.
    Nakaranas ng panginginig ang biktima at may .lagnat noong Marso 3 naging positibo para sa Covid-19 noong Marso 5.
    Nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) daw ngayon at nasa maayos ang kanyang lagay.
    Ang 62-anyos naman ay nakaranas ng malalang pnuemonia, hypertension at diabetes mellitus at ubo noong Pebrero 25.
    Isinailalim muna sa medical consultation ang senior citizen noong nakaraang Marso 1, 2020 sa isang ospital sa Maynila bago inadmit  sa RITM.
    Kinunan ng Specimens ang matanda noong Marso 4 na kung saan ay naging positibo sa pagsusuri para sa virus noong Marso 5.
    Sinasabi ni Duque na ang pang limang kaso ng Covid-19 ay walang history ng travel abroad, subalit masyado pang maaga para sabihing may local o community transmission na sa bansa ng Coronavirus.
    Ang statement na ito ni Sec. Duque ay pinagdudahan ng taumbayan.
    “Sinabi niyang walang history ng travel abroad ang pang limang may Coronavirus, saan pala nahawaan siya sa ibang planeta?”, tanong ng ilang dismayado kay Duque.
    Sabi pa ng mga nakausap ng PUNA, hindi raw nila maintindihan ang gustong palabasin ng kalihim ng DOH bakit ganun ang kanyang mga pahayag.
    “Sir, bakit ayaw po ilabas ni Duque ang tunay na lagay ng Coronavirus sa Pilipinas?”, tanong pa sa PUNA.
    Sa kabuuan ay nakapagtala ng limang kaso ng Covid-19 na ang Pilipinas.
    Taliwas din ang sinabi ni Duque sa World Health Organization Representative to the Philippines na si Dr.
Rabindra Abeyasinghe, na naniniwalang may local transmission na nangyayari sa bansa.
    “Dapat pa po bang manatili pa sa DOH si Duque sir, hindi naman po siya nagsasabi ng totoo?”, tanong pa nila.
    Aantayin muna raw ni Sec. Duque na magkaroon pa ng isang kaso ng Coronavirus bago niya aminin na may local transmission na nga dito sa bansa.
    Ang linaw  ng sinabi niya na walang history travel abroad ang isa sa dalawang pinakabagong kaso ng Covid-19 tapos sasabihin niya walang local transmission.
    Kung walang history ng travel abroad, ano pala dapat ang itawag sa transmission sa kanya? Alien transmission?
    Hindi raw maintindihan ng mga Pinoy ang paliwanag ni Duque sa isyu patungkol sa Covid-19, o baka sadyang itinatago lang nito ang tunay na isyu?
    Sinabi ng mga bansang Australia at Taiwan na mayroon sa kanilang dalawang bagong kaso ng Covid-19 at ang mga ito ay nahawaan sa Pilipinas.
    Ano ngayon ang masasabi ni Secretary Duque sa isyung ito?
    Ang kaligtasan ng sambayanang Pinoy ay nakasalalay kay Sec. Duque kaya dapat magsabi siya ng tunay na lagay ng Coronavirus sa Pinas.
    Pero kung alanganin ang kanyang mga pinagsasabi ay walang maasahan sa kanya ang taumbayan.
    Hindi niyo po masisi ang taumbayan na mag-alala sa pagkalat ng Covid-19 dahil hindi birong sakit ito.
    Hindi ito katulad ng HIV-AIDS na tumatagal pa ang buhay ng tao.
    Sa katunayan ang kaso ng Coronavirus sa bansang Iran ay malaki ang percentage ng mga namamatay.
    Papaano ngayon magiging kampanti ang mga Pinoy sa sakit na ito?
                                                            oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.
301

Related posts

Leave a Comment