CAVITE – Dalawang menor de edad ang iniulat na nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Dasmariñas City at Naic sa lalawigan noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Kervin”, 12, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, at “Prinxe”, 16, ng Naic, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-2:45 ng hapon noong Miyerkoles, habang naliligo sa ilog sa Sitio Silangan, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, ay nakita ng kanyang kasama si Kervin na lumulubog. Tinangka umano nitong sagipin ang biktima ngunit tuluyan itong lumubog. Samantala, naligo ang biktimang si Prince kasama…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TREASURER’S OFFICE NG NAIC MUNICIPAL HALL, NILOOBAN
CAVITE – Nilooban ng hindi pa nakilalang magnanakaw ang Treasurer’s Office ng munisipyo ng bayan ng Naic sa lalawigan. Nag-iimbentaryo pa kung magkano ang halaga ng cash na tinangay ng suspek na pumasok sa Treasurer’s Office ng Naic Municipal Hall sa Barangay Ibayo Silangan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, noong Lunes, Disyembre 1, bandang alas-8:30 ng umaga nang matuklasan ang panloloob sa nasabing tanggapan, gayunman, alas-12:42 ng hapon noong Miyerkoles nang i-report ito sa pulisya. Nabatid sa imbestigasyon, pinasok ng ‘di nakilalang suspek ang nasabing tanggapan sa pamamagitan ng pagsira…
Read More2 SUNDALO PATAY, SIBILYAN SUGATAN SA SAGUPAAN
SAMAR – Dalawang tauhan ng Philippine Army ang namatay sa pagtatanggol sa mga sibilyang naipit sa labanan sa Barangay Baclayon, sa bayan ng San Jose De Buan, sa lalawigan noong Miyerkoles. Kinumpirma ng Army 8th Infantry (Stormtroopers) Division ang pagkamatay ng dalawang sundalo habang nakikipagbakbakan sa nalalabing kasapi ng Communist NPA Terrorists sa lalawigan ng Samar na ikinasugat ng isang sibilyan. Nangyari ang sagupaan sa gitna ng isinasagawang security operation ng mga sundalo laban sa New People’s Army remnants kasunod ng validated reports na kanilang nakalap mula sa mga residente…
Read MoreP68-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Tinatayang P68 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang tatlong bigtime tulak na nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na sina Rolando Glanan Jr. y Abejer alyas “Mohammad”; Michael Aniano y Amesto at Maria Fhel Aniano y Navilla alyas “Marie”, pawang nasa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, bandang alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Special Enforcement Service (SES) ng Cavite Philippine Drug Enforcement…
Read MoreP31-M DROGA, 369 SUSPEK TIMBOG SA 1 BUWANG OPERASYON SA DAVAO REGION
MAHIGIT P31.3 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska habang 77 high value individuals (HVI) at 292 street level individuals ang natimbog sa buong buwan ng Nobyembre sa isinagawang operasyon ng Police Regional Office 11. Ito ang inihayag ni PRO 11 director, P/Brig Gen. Leon Victor Rosete, sinabing umabot sa 369 drug personalities ang kanilang naaresto sa buong buwan. Sa nasabing bilang, umabot sa 313 anti-illegal drugs operations ang kanilang ikinasa na kinabibilangan ng 206 buy-bust at 49 implementations of warrant of arrest. Ayon kay Rosete, kabilang dito ang…
Read MoreMuling nangalampag sa DOJ POLITICAL PRISONERS PALAYAIN – KARAPATAN
HINDI magsasawang mangalampag ang ilang human rights groups hangga’t ‘di napapalaya ang mga political prisoner na dahilan ng kanilang sentimyento sa pagtungo sa Department of Justice (DOJ). Muli nilang iginiit na palayain na ang kanilang mga kaanak na ayon sa kanila ay sinampahan lang ng mga gawa-gawang kaso para makulong. Ayon sa grupong Karapatan sa pamumuno ni deputy secretary general Maria Sol Taule, umabot sa 697 political prisoners ang patuloy na nakakulong kahit walang malinaw na kaso. Wala aniyang mabigat na dahilan para manatili sila sa kulungan at mangulila sa…
Read MorePNP TINUTUGIS SI CASSANDRA ONG, IBA PANG KAPWA AKUSADO.
INIHAYAG ni Acting PNP chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na kanilang pinaiigting ang pagtugis kay Cassandra Ong at iba pang kapwa akusado nito. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, patuloy ang kanilang paghahanap upang maaresto ang mga akusado ng qualified human trafficking. Ayon kay Nartatez, kanyang inatasan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na palakasin ang operasyon hindi lamang laban kay Ong kundi maging sa lahat ng iba pang mga akusado na may kaugnayan sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). “We do not…
Read More2 SANGAY NG CONVENIENCE STORE, INN HINOLDAP
CAVITE – Dalawang sangay ng convenience store sa lalawigan ang hinoldap at tinangay ang cash at mga paninda sa magkahiwalay na insidente. Ayon sa clerk ng convenience store sa Brgy. Daang Amaya 3, Tanza, Cavite na si “Johnny”, 37, pumasok ang mga suspek na armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril, bandang alas-2:24 ng madaling araw, nagdeklara ng holdap, pinasok ang cashier area at tinangay ang P9,500.00 cash. Matapos nakuha ang pera, tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo sa direksyon ng Barangay Daang Amaya Crossing. Samantala, ayon naman…
Read MoreMAHIGIT P5-M SHABU NADISKUBRE SA BUBONG NG BAHAY
CAVITE – Mahigit sa P5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nadiskubre sa ibabaw ng bubong ng isang bahay sa isang subdibisyon sa Gen. Trias City nitong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ni PLt. Col. Bismark Mendoza, hepe ng Gen. Trias Component City Police Station, isang tawag ng isang concerned citizen ang nagpahayag hinggil sa isang kaduda-dudang kahon na nakuha sa bubungan ng isang bahay sa Breezewoods Gentri Homes Subdivision, Barangay Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City bandang alas-9:00 ng umaga. Nang buksan ang nasabing kahon, tumambad sa pulisya…
Read More