MARAMING nagtatanong sa PUNA kung alagad ba talaga ng simbahan itong tinatawag nilang Running Priest na si Fr. Robert Reyes.
Kung talagang alagad daw ito ng simbahan (Katolika), bakit ganyan ang kanyang pananaw?
Ang tinutukoy po ng ating mga tagasubaybay ay ang panghihikayat nito na tutulan ang pag-upo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Si Mang Robert mismo ang nanguna sa isinagawang rali kamakailan sa harapan ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa isyu na kanilang inilatag hindi kasi nila matanggap ang pagkapanalo ng batang Marcos.
Duda sila sa katatapos na eleksyon na mayroon daw dayaan na naganap.
Hindi rin nila matanggap na landslide ang pagkapanalo ni BBM laban kay Leni Lugaw este…Robredo sa botong 31 million vs 14 million.
Lumalabas na kahit dalawa pang Leni ang kalaban ni BBM ay panalo pa rin siya dahil 16 million boto ang lamang niya.
Kaya kahit pa maglupasay si Mang Robert sa lahat ng kalye sa buong bansa ay hindi pa rin mananalo si Leni kay BBM.
Sa 31 million bumoto kay BBM ay ipinakita lamang ng sambayanang Pilipino na hindi sila kayang diktahan ng kahit sino mang Ponsyo Pilato ng kanilang gustong kandidato.
Na kahit maraming Robert Reyes pa na alagad daw ng simbahan, ay hindi sila matitinag sa kanilang kagustuhan na maibalik ang batang Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.
Naniniwala ang 31 million bumoto sa plataporma ni BBM na inilatag nitong nakaraang campaign period partikular ang panawagan niya na pagkakaisa, na ito ang magdadala sa pagbangon ng Pilipinas mula sa kahirapan.
Kaya ikaw Mang Robert, kung wala kang respeto sa simbahan na iyong pinaglilingkuran bilang pari ay irespeto mo ang 31 million Pilipino na bumoto kay BBM.
Paano kaya kung tapatan ka ng 31 million bumoto kay BBM? O kaya i-bash ka nila sa social media?
Buti na lang mababait ang 31 million na bumoto kay BBM, kung hindi, pinuputakte ka na ngayon sa social media.
Nakita niyo naman kahit anong ginagawa n’yong paninira kay BBM ay hindi sila nagre-react sa inyo.
Kaya lang syempre lahat ng tao ay nauubusan ng pasensiya, ‘wag n’yong antayin na maubusan sila ng pasensiya.
Mismo ang COMELEC na ang nagsabi na malinis ang nakaraang eleksyon, tapos kung anu-ano ang inyong mga sinasabing pagdududa.
Kung alam n’yong dinaya si Lugaw, maghain kayo ng protesta sa Presidential Electoral Tribunal (PET) laban kay BBM.
Mismong ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay kinumpirma na malinis ang nakaraang eleksyon.
Lumalabas na nakapag-produced sila ng 98.73% match rate sa kanilang vote counting.
Ibig sabihin, pati sa PPCRV ay wala siyang tiwala? Wow Ha!
Kayong mga pari, dalhin niyo ang inyong mga parukyano sa tamang landas, ‘wag n’yo sila aakayin sa maling daan.
Magkaroon din kayo ng respeto sa taumbayan, pare-pareho lang tayo makasalanan, nagkataon lang na lider kayo ng simbahan.
Dapat nga maging maingat kayo sa inyong mga gawain para mahikayat n’yo ang mga tao sa pagrespeto sa batas maging dito man sa lupa o sa langit.
Ito lang ang masasabi ko sa ‘yo Mang Robert, “Vox populi, Vox dei” na nangangahulugan na “Ang boses ng tao, ay boses ng Diyos”.
Mas malinaw pa sa sikat ng araw na ang 31 million bumoto kay BBM ay “boses ng tao, ay boses din ng Diyos”, ang desisyon sa katatapos na eleksyon.
Kung ayaw mong tanggapin ang pagkapanalo ni BBM, ikaw ang umalis sa Pilipinas, maghanap ka ng planeta na ikaw lahat ang masusunod.
Lahat na lang ng mga nananalong presidente ay masasama, ikaw lang ang mabuti?
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.
525 