NAGSAGAWA ang grupo ng health workers ng ‘Black Friday’ protest sa harap ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Ermita, Manila para hilinging maibigay na sa kanila ang kanilang mga benepisyo.
Bandang alas-12:30 ng tanghali nang magsagawa ng kilos-protesta ang health workers na mga miyembro ng UP Workers Union.
Ayon sa grupo, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa ibinibigay ang kanilang Special Risk Allowance, ang kanilang COVID 19 hazard pay at iba pang benipisyo.
Bitbit ang mga placard, lumabas ng PGH ang health workers at isinigaw ang kanilang mga hinaing sa gobyerno. (RENE CRISOSTOMO)
161 