ISA sa mga dahilan ng pagbagsak ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ay nilimitahan niya sa 20 hanggang 25 congressmen ang pinagtrabaho gayung 300 ang miyembro ng Kapulungan.
Ito ang napag-alaman kay Deputy Speaker Mikee Romero kaya madaling natanggal sa puwesto si Cayetano at nailuklok bilang Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
“Nakita n’yo yung mga congressmen sa ABS-CBN hearing, ito rin ang mga congressman sa PhilGealth, eto rin ang mga congressman sa budget. Its because hindi ka pumasok sa plenary pagka wala ka sa roster nila nila,” ani Romero.
Kasabay nito, kinumpirma ni Romero na tinanggihan ni Cayetano ang alok ni Velasco na maging deputy speaker ito kaya inalok na lang umano ito sa kanyang misis na si Rep. Lanie Cayetano.
Samantala, muling nalagasan ng puwersa ang Minority bloc sa Kamara nang kumalas si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves sa nasabing grupo para sumama sa liderato ni Velasco. (BERNARD TAGUINOD)
172 