Pag-ere sa ZOE TV pinasisilip sa NTC ABS-CBN AYAW TANTANAN SA KAMARA

PINASISILIP ng minority bloc sa mababang kapulungan ng Kongreso sa National Telecommunications Commission (NTC) ang pagbabalik ng ABS-CBN sa ere sa pamamagitan ng ZOE TV.

Sa virtual press conference, inatasan ni House minority leader Joseph Paduano ang NTC na mag-imbestiga kung walang nalabag na batas sa paggamit ng ABS-CBN sa Zoe TV ng Jesus Is Lord (JIL) lalo na’t nakasaad sa prangkisa ng huli na hindi puwedeng ipagamit sa ibang korporasyon ang kanilang kumpanya.

“NTC should act on it. Let the NTC do the study and investigation on that matter,” ani Paduano kung saan nais nito na magsumite ang nasabing ahensya ng kanilang report sa House committee on legislative franchises sa lalong madaling panahon.

Matapos ang mahigit dalawang buwang pagkawala sa ere nang hindi aprubahan ng Kongo ang kanilang prangkisa, nakabalik ang mga programa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng ZOE TV ng JIL na pinamumunuan ni House deputy speaker Eddie Villanueva.

Kaugnay nito, pinakikilos din ng mambabatas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para pag-aralan kung puwede nang singilin ng buwis ang ZOE TV na rehistrado bilang non-commercial at religious TV. (BERNARD TAGUINOD)

181

Related posts

Leave a Comment