MAY KANYA-KANYANG PANAHON

HOPE ni GUILLER VALENCIA

“FOR everything there is a season, a time for every activity under heaven.” Ecclesiastes 3.1 Sabi ng Bible Scholars, ang Ecclesiastes ay isa sa mga wisdom literature; tulad ng aklat ni Job, Psalms, Proverbs at Song of Songs. Wisdom literature, as name implies, ay nagpapahayag ng wisdom sa mga mambabasa.

Ang aklat na ito ay nagpapahayag tungkol sa nature of the world God created. Sa daigdig ng Diyos, there is a time for everything. Para kay Solomon, nothing is permanent and stand fixed sa daigdig na ito. Bawat bagay ay nagbabago, ang resulta ang lahat ay limitado to a particular moment. Bawat bagay ay may kanyang kapanahunan. Sa Ecclesiastes 3:2-3, maliwanag ang pahayag ni Solomon, “A time to be born and a time to die. A time to plant and a time to harvest. A time to kill and a time to heal.”

Kaya nga, dahil sa changing, seasonal, temporal nature of God’s world hindi dapat tayo naka-focus sa isang bagay o gawain na dito nakasentro ang buhay bilang be-all and end-all of life. Kung magkagayon tayo’y mabibigo. Pangaral ni Solomon, “God has made everything beautiful in its own time,” (Ecclesiastes 3:11), subalit kung pilit pinanghahawakan natin ang anomang bagay na pawang hindi permanente, we will miss the true meaning of and purpose of life.

Ano ba ang tunay na kahulugan at layunin ng buhay (true meaning and purpose of life), ayon kay Solomon? Sabi niya, “God’s purpose is that people should fear him,” (Ecclesiastes 3:14). “Things come, go, and return once again in an ongoing cycle,” (Ecclesiastes 3:150). Ang tanging mananatiling fixed and firm ay ang Diyos at ang takot sa Diyos ay pinakamahalagang investment na permanente sa ating makabuluhang buhay.

Our true purpose in life ay harapin natin ang ating kapanahunan at sa pagdating nito sa ating buhay ay alamin natin kung ano ang gusto ng Diyos, out of it!

Huwag po natin kalimutan na tanggapin si JesuCristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ng inyong buhay! You’ll know the true meaning and purpose of your life! (givalencia777@gmail.com)

189

Related posts

Leave a Comment