SWS: MAHIHIRAP NA PAMILYA BUMABA NG 2%

poor

(Ni FRANCIS ATALIA)

BUMABA ng dalawang porsiyento ang mga pamilyang Filipino na itinuturing ang kanilang sarili na ‘mahirap’ batay sa datos ng fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ang nasabing datos ay nasa 50 percent o 11.6 milyon sa isinagawang survey noong December 16 hanggang 19 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 adults sa buong bansa.

Kumpara noong September 2018 survey na nakapagtala ng 52 percent o 12.2 milyon ay mas mababa ang pinakahuling survey.

Subalit mas mataas ng dalawang porsiyento ang self-rated poverty rate sa buong 2018 na may 48 percent kung ihahambing noong 2017 na may average na 46 percent.

Kailangan ng mga pamilya ng P10,000 kada buwan upang hindi nila ikonsidera ang kanilang sarili na mahirap.

Samantala, bumaba din sa 34 percent mula sa 36 percent noong September 2018 ang Filipino na nagsasabing salat sila sa pagkain.

 

276

Related posts

Leave a Comment