NBL/WNBL TULOY SA PAMPANGA

Ni ANN ENCARNACION

GAYA ng PBA, itutuloy ang naunsiyaming 2021 WNBL/NBL sa Pampanga.

Sa Setyembre 11 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga ang simula ng pag-resume ng dalawang liga.

Unang sasabak sa Pia Cayetano WNBL  ang Taguig Lady Generals at Quezon Lady Spartan sa 11:15 ng umaga ng Sabado.

Kinabukasan (Linggo) ng 11:15 ng umaga ay maghaharap naman ang Pacific Water Queens at Taguig Lady ­Generals.

Samantala, ang Chooks-to-Go NBL Chairman’s Cup ay may back-to-back triple-header sa weekends.

Magsisimula ng Sabado ng 1:15 ng hapon ang games sa pagitan ng Sulong Stan Q4 at Muntinlupa Water Warriors; Laguna Pistons at Quezon Barons sa 4:00 ng hapon; at Pampanga Delta at Mindoro Tamaraws Disiplinados sa 6:00 ng gabi.

Sa Linggo naman, magtatapat ang Taguig Generals at Sulong Stan Q4 sa 1:15 ng hapon; Parañaque Aces at Pampanga Delta sa 4:00 ng hapon; at La Union PAOwer at Bulacan DF Republicans sa 6:00 ng hapon.

Aprubado ng Games and Amusements Board ang pagpapatuloy ng NBL/WNBL, na natigil noong nakaraang buwan bago isailalim sa enhanced community quarantine ang National Capital Region at ilan pang probinsiya dahil sa mas mapanganib na Delta variant.

Mahigpit na ipatutupad ng liga ang mga health and safety protocols.

Ang mga manlalaro, coach, kawani o opisyal na lalabag ay ilalagay sa isang kahon at uupo ng tatlong minuto sa ­unang pagkakasala, limang minuto sa ikalawa, at tuluyang paaalisin sa venue sa ikatlong paglabag.

144

Related posts

Leave a Comment