SUPER BAGYONG HABAGAT ‘DI DADAAN SA PINAS

(NI KIKO CUETO)

PATATAWARIN ng super bagyo na Habagat ang Pilipinas at hindi ito ang hahagupitin ng lakas nito, ayon sa PAGASA.

Sinabi ng PAGASA na mahina ang posibilidad nang pumasok sa Philippine area of Responsibility (PAR), ang naturang super bagyo.

Ang naturang weather disturbance, na ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), ay super typhoon, ay papunta sa direksyon ng Japan, kayat hindi ito babayo sa Pilipinas.

Kasalukuyan nitong tinatahak ang northwestern Pacific Ocean at huling namataan 2,020 kilometers east ng northern Luzon, ayon kay weather specialist Meno Mendoza.

Taglay nito ang hangin na aabot sa 200 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at pagbugso na papalo sa 245 kph.

Tinatahak nito ang direksyon northwest sa bilis na 20 kph.

Naunang sinabi ng PAGASA nab aka dumaplis lang ito papasok sa PAR sa Biyernes na kung saan ay tatawagin na Bagyong Perla.

Patuloy naman na makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang ibang bahagi ng bansa.

 

 

214

Related posts

Leave a Comment