BATANGAS – Nauwi sa trahedya ang bakasyon ng isang lalaking OFW nang ito ay malunod sa outing kasama ng kanyang mga kaibigan sa Brgy. Bagong Silang sa bayan ng Calatagan, Linggo ng hapon. Ang biktimang si Diosdado, 43-anyos, tubong Bicol, naninirahan sa Brgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas, ay hindi umabot nang buhay sa Calatagan Medicare Hospital kung saan ito isinugod ng nagrespondeng personnel ng resort. Ayon sa report, ang biktima kasama ang mga kaibigan, ay nagkakasayahang naliligo sa mababaw na bahagi ng dagat sa harap ng Passy Beach Resort, nang pagsalpok…
Read MoreILANG KONGRESISTA MAY HAMON KAY BBM
HINAMON ng Makabayan bloc sa Kamara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magpatawag na ng special session upang malitis si Vice President Sara Duterte dahil habang dine-delay anila ang paglilitis ay tila ipinagkakait nito ang hustisya sa taumbayan. “Kung talagang bukas ang Pangulo sa special session, dapat ay tahasang gawin na niya ito. Hindi na dapat maghintay pa ng kahilingan mula sa Senate President o House Speaker. The people demand accountability now,” ayon sa statement ng Makabayan bloc. Mas lalong kailangan anilang magpatawag na special session si Marcos dahil…
Read MoreIMPORTASYON NG ASUKAL ITIGIL TUWING MILLING SEASON
HINIMOK ni senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay ang Sugar Regulatory Administration (SRA) na maglabas ng opisyal na kautusan upang itigil ang pag-angkat ng asukal sa panahon ng gilingan. Ayon kay Binay, nakipag-usap siya kay SRA Administrator Paul Azcona upang ipanawagan na maglabas ng kaukulang direktiba ang ahensya. Kailangan aniyang gawing opisyal ang pagbabawal ng importasyon sa milling season upang mapanatili ang patas na presyo ng asukal at maprotektahan ang mga lokal na magsasaka, dagdag niya. Isinusulong ni Binay ang pagpapalakas ng sugar industry sa pamamagitan ng modernisasyon ng…
Read MoreNETIZENS CORNER: ANTI-VAPING LAW SINALAULA NI RECTO
KUNG mga netizen ang tatanungin, gusto nilang sibakin sa pwesto si Finance Secretary Ralph Recto dahil sa maliwanag na hindi nito pagsunod sa batas. Nag-ugat ang pagpuna ng mga netizen sa kalihim sa viral photo kamakailan kung saan makikitang humihithit ng vape ang tila nangunguyakoy pang si Recto habang kaharap ang mga alkalde. Nabatid ng SAKSI NGAYON na kuha ang larawan sa Meeting with Mayors for Good Governance noong January 15, 2025 sa tanggapan ni Recto sa Department of Finance. Isinasaad sa Republic Act No. 11900 ang pagbabawal sa paggamit…
Read MoreKASONG DRUG SMUGGLING AT GRAFT VS PULONG BINUHAY NI TRILLANES
BINUHAY ni dating senador Antonio Trillanes IV ang kasong drug smuggling at graft and corruption laban kay Davao City Rep. Paolo Duterte at iba pang indibidwal sa Department of Justice (DOJ). Ito ay makaraan kalampagin ng senador sa ikalawang pagkakataon ang ahensya para idiin sa kasong kriminal ang anak ng dating pangulo na mas kilalang “hoodlum” at tagagarote ng mga tulak at adik sa lipunan. Matatandaang inakusahan ni Trillanes si Rep. Paolo Duterte na sangkot sa umano’y P6.4 billion shabu shipment na naharang noong 2017. Kabilang sa mga unang sinampahan…
Read MoreBBM dinedma; Makikiisa sa anibersaryo ng EDSA HIGIT 70 PAARALAN WALANG PASOK
NADAGDAGAN pa ang mga paaralan na nagkansela ng klase ngayong araw bilang pakikiisa sa paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng Malakanyang bilang ‘special working holiday’ ngayong araw. Unang nagdeklara ng class suspension ang De La Salle University, University of Santo Tomas at University of the Philippines. Sa ngayon, mahigit 70 unibersidad, kolehiyo, at mga high school na ang sumunod at nagdesisyon kanselahin ang klase upang bigyang-daan ang paggunita sa mahalagang araw. Ang mga naturang eskwelahan ay mula sa…
Read MoreBalasahan namumuro BENTAHAN NG SMUGGLED YOSI MAY KASABWAT SA BOC
ITO ang pagtiyak kahapon ni Customs commissioner Bienvenido Rubio sa oras na magpositibo ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa napaulat na tangkang pagbebenta ng nasa mahigit ₱270 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo kamakailan. Hinihinalang may sangkot na taga Aduana o kawani ng Bureau of Customs (BoC) sa pagpuslit ng multi-milyong sigarilyo sa pantalan ng bansa. “If reports are confirmed that some of the agency’s personnel were involved in the discovery of attempted resale of ₱270 million worth of seized contraband cigarettes from Capas, Tarlac,” sabi…
Read MoreDIWA NG EDSA REVOLUTION IPAALALA SA KABATAAN
KAHIT ano’ng gawin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hindi nito kayang burahin sa kasaysayan ng bansa ang diwa ng People Power Revolution o EDSA 1 na nagpatalsik sa kanyang pamilya sa Palasyo ng Malacañang noong 1986. Ito ang tila mensahe ng mga progresibong grupo na muling magtitipon sa Edsa Shrine ngayong araw, para gunitain ang ika-39 taong anibersaryo ng mapayapang rebolusyon na tumapos sa mahigit dalawang dekadang pamumuno ng yumaong ama ni Marcos Jr., na si dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. Ayon sa Makabayan bloc, bagama’t idineklara ng…
Read MorePAGBEBENTA NG GINTO NG MARCOS JR. ADMIN IPINASASAPUBLIKO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINIKAYAT ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na humingi ng transparency sa pagbebenta ng gobyerno ng gold reserves. Sa isinagawang indignation rally sa Mandaue City, Cebu, muling binanatan ng dating lider ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Aniya, hindi alam ng publiko kung ilan ang ibinenta at kailan ginawa ang bentahan. Pinalawig pa ni Duterte ang kanyang kritisismo kay Marcos Jr. at sinabing may balak itong huwag bitiwan ang kapangyarihan kapag nagtapos na ang termino nito sa 2028. Maaaring aniyang mag-impose si Marcos Jr.…
Read More