INIHAYAG ni Hatid Tulong program Lead Convenor at Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo na balik na at magkakaroon muli sila ng send off sa mga locally stranded
individual (LSI).
Ayon kay Encabo, nakipag-ugnayan na rin sila sa local government units sa Eastern Visayas, Davao, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa
nakatakdang “pocket” send-off.
Tinatayang nasa 400 LSIs ang mapauuwi ngayong araw.
Kasunod nito, inaasahan ani Encabo na hindi na magkakaroon ng problema sa pagpapauwi sa LSIs dahil wala nang isasagawang malawakang send off bagkus by batch na lamang para mahigpit na
masunod ang social distancing.
Isasailalim din aniya ang mga ito sa Rapid test upang matiyak na hindi maiuuwi ng mga LSI ang virus sa kani-kanilang lalawigan pero nasa receiving LGUs pa rin ang desisyon kung muli silang
isasalang sa testing at 14 day quarantine period. (CHRISTIAN DALE)
159 