54-ANYOS PATAY SA MENINGO SA BULACAN

(NI ELOISA SILVERIO)

ISANG 54-nyos na lalaki ang iniulat na nasawi matapos tamaan ng sakit na meninggococemia sa bayan ng Bulakan, Bulacan.

Ang biktima ay  nakilalang si Ricardo Dela Cruz, residente sa nabangit na lugar na namatay nitong Miyerkoles sa San Lazaro Hospital sa Manila makaraang  irekomenda na itong ilipat ng ospital ng pamunuan ng Gregorio Del Pilar District Hospital sa bayan ng Bulakan  na unang pinagdalhan sa kanya.

Nabatid na una nang nadala sa nasabing district hospital si Dela Cruz dahil na rin sa mga sintomas ng sakit na meninggo, tulad ng pagkakaroon ng rashes sa balat at mataas na lagnat ng ilang araw.

Dahil dito agad inilipat sa San Lazaro Hospital ang pasyente subalit binawian din agad ng buhay.

Inatasan na rin ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang provincial health office na agarang magsagawa ng contact tracing sa mga tao na nakasalamuha ng pasyente.

Ayon sa gobernador, mahalagang malaman kung sinu-sino ang nakasalamuha ng biktima partikular na ang mga kaanak nito at kasama sa bahay.

Nabatid na isinailalim na rin sa quarantine ang District Hospital upang maiwasan ang pagkahawa sa iba pang mga pasyente ng pampublikong pagamutan.

451

Related posts

Leave a Comment