SEAMAN NAMATAY SA QUARANTINE HOTEL

PATAY na nang matagpuan ang isang 41-anyos na seaman sa inookupahang silid sa isang quarantine hotel sa Paco Manila, iniulat ng pulisya nitong Huwebes.

Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, inabutan ng hotel attendant na wala nang buhay ang biktimang si Marlon Regalado, seaman ng Philippine Transmarine Carriers Incorporated, tubong Tanauan, Batangas, sa silid ng Go Hotel na ginagamit na quarantine facility para sa mga seaman.

Ayon sa imbestigasyon ni Det. Erikson Aguilar, dumating sa bansa mula sa Hong Kong ang biktima at nag-check-inn sa Go Hotel sa Ermita noong Abril 25.

Noong Mayo 2, lumabas ang RT-PCR swab test result ng biktima ngunit negatibo ito sa COVID-19.

Sa isinagawang imbestigasyon, nakita ang isang nebulizer sa ibabaw ng kama na indikasyon na maaaring inatake ito ng asthma na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Walang nakitang indikasyon ng foul play at maayos ang buong kwarto. (RENE CRISOSTOMO)

140

Related posts

Leave a Comment