SIMULA nang madiskubre siya nung 1984 at lumabas sa pelikulang Chikas, mantakin n’yong naka-35 years na pala sa showbiz itong si Jaclyn Jose!
Sa pagtuntong niya sa edad na 55 (birthday niya noong March 16), marami na siyang iba’t ibang roles na nagampanan, “pero nandoon pa rin ang drive ko to get more meaty roles on TV and the movies,” ‘ika ng award-winning actress.
Marami siyang natutunan mula sa mahuhusay na direktor na nakatrabaho niya ever since.
Sumagi ba sa kanyang isipan na subukan ang magdirek?
“It’s something na matagal ko na ring pinag-aaralan na gawin and a lot of my friends na rin ang nagsasabi na subukan ko na dahil sa naging experiences ko sa industriyang ito,” pag-amin ni Jaclyn sa media launch ng GMA primetime series na “The Better Woman.”
When the time comes for her to pursue directing, sinu-sino ang bet niyang mag-mentor sa kanya?
“Marami na akong nakatrabahong mga batang direktor ngayon ng mga indie films. Siguro naman kapag humiling ako na turuan ako, hindi nila ako tatanggihan,” sambit ng one and only Cannes Film Festival Best Actress winner na taga-Pilipinas.
“Puwede ko rin namang hingan ng tulong si Direk Gina Alajar. Magaling na si Gina na magdirek ng teleserye, di ba?”
“Nandiyan din naman sina Direk Chito Roño, Direk Joel Lamangan, and Direk Brillante Mendoza na puwede kong hingan ng advise,” pagtatapos ni Jaclyn.
MALI ANG INTRO KAY LEA SALONGA SA ISANG BRITISH TV SHOW!
Nag-guest ang Broadway star and “The Voice Kids” coach na si Lea Salonga sa Sky News morning show na “Sunrise” para i-promote ang kanyang July 7-21 UK concert tour.
Sa July 5 episode ng naturang UK newscast, mali ang introduction kay Lea Salonga ng Sky News host na si Stephen Dixon na ang binasa sa teleprompter ay:
“Now would you be prepared to give up flying for a whole year to help the planet. Well, the flight free campaign wants us to do just that. It wants 100,000 people to promise to give up flying for 2020. One of those asking us to do that, is doing it herself, is environmental campaigner Anna Hughes.”
Na kagyat ikinagulat ni Lea na mabilis na nagsabing:
“Okay, I am not Anna Hughes, I’m sorry I don’t know what is going on. No, I’m not Anna Hughes, sorry about that.”
Hindi nakaligtas ang pangyayaring ito sa netizens na nag-react sa social media:
“wtf! soo awkward. Lea handled it with class and grace. well done Lea.”
“I don’t blame the anchor. He’s reading the cue. The one to blame is the freaking staff who let him speak for too long before recognizing the intro is wrong. Lea handled it well. Love her.”
“Lea handled the awkward moments in this interview so gracefully. Very eloquent too.”
184