NAIS ng Malakanyang na beripikahin ang ulat na umano’y lumipad kamakailan sa himpapawid na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang moon rocket ng China. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi siya magbibigay ng anomang pahayag hangga’t hindi nagkakaroon ng beripikasyon ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ukol dito. Binigyang-diin ni Sec. Roque, kailangan munang malaman kung may katotohanan ang balitang ito bago mag-isyu o magpalabas ng official statement ang Malakanyang. Batay sa impormasyon mula sa isang astrophysicist, hindi dapat balewalain ang nasabing pangyayari dahil maituturing itong isang potensyal na…
Read MoreMonth: November 2020
KARAHASAN SA KABABAIHAN, LABANAN – SOLON
KARAHASAN ang isa pang malaking suliranin ng kababaihan, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ito ang deklarasyon ni Senadora Mary Grace Poe sa “16 Days of Activism” laban sa karahasang nakabatay sa kasarian na ginanap sa Zonta Club of Greater Rizal II at sa Ika-18 araw na kampanya laban sa nasabing uri ng karahasan na inisponsor ng Embahada ng Austria. Idiniin ni Poe na ang “gender-based violence is a worldwide phenomenon that is estimated to affect one in three women in their lifetime”. Kailangan ang kaukulan at nararapat…
Read MoreBAKBAKAN NA SA P4.506-T BUDGET
SISIMULAN ngayon ang bakbakan ng mga kongresista at senador sa P4.506 Trillion national budget sa kanilang paghaharap sa Bicameral Conference. “Matira ang matibay na dyan,” komento ng isang mambabatas na hindi na nagpabanggit ng pangalan, at ang sinoman aniyang kumurap sa magkabilang panig ay talo. Nagtalaga ang Kamara ng 21–man team para idepensa ang kanilang bersyon sa 2021 national budget sa pangunguna ng chairman ng House appropriation committee na si Rep. Eric Yap. Sasamahan siya nina Deputy Speakers Salvador “Doy” Leachon at Mikee Romero, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Pampanga…
Read MoreHirit ng Metro mayors GCQ PA RIN SA DISYEMBRE
IKINUKONSIDERA ng mga alkalde sa kalakhang Maynila na irekomenda sa Malakanyang ang pagpapanatili ng kanilang mga lungsod at bayan sa general community quarantine (GCQ) sa buong holiday season o hanggang sa katapusan ng taon. Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., nais lamang mag-ingat ng Metro mayors kaya hindi pa irerekomenda na ibaba sa modified GCQ ang quarantine status sa Metro Manila. Inirekomenda aniya ng mga ito na paluwagin na lamang ang restriction sa susunod na taon. Inanunsyo ng Malakanyang na ihahayag ni Pangulong…
Read MoreTIPSTER SA KORAPSYON KAILANGAN MAGPAKILALA
NILINAW ng Malakanyang na para makubra ang reward ng mga magsusumbong sa TXT 8888 ay kailangan nilang ilagay ang kanilang pagkakakilanlan. Ang makukuhang reward o pabuya ay kapalit ng ipinarating nitong anomalya kontra sa isang korap na kawani o opisyal ng pamahalaan. Tiniyak naman ni Presidential spokesman Harry Roque na mananatiling confidential ang identity ng mga tipster. Sinabi ni Sec. Roque na mahalaga na may reference ang pamunuan ng TXT 8888 upang madali itong makontak o ma-trace sakali’t magpositibo ang reklamo nito laban sa isang kurakot. Kaya paalala ng Palasyo,…
Read MoreDUTERTE APRUBADO ANG ADVANCED PAYMENT SA COVID VACCINE
KINUKONSIDERA na lang ng Malakanyang na investment ang gagawin nitong pagbibigay ng advanced payment sa mga kumpanyang kukunan nito ng bakuna kontra COVID-19. Tugon ito ni Presidential spokesman Harry Roque ngayong may basbas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maglagak ng paunang pambayad ang gobyerno sa pagkukunan nito ng bakuna. Aniya, hindi nila iniisip na kita ang habol ng mga kumpanyang nagtatakda ng advanced payment policy dahil alam nilang namuhunan na rin ito sa kani-kanilang research and development. Kaya ang Pilipinas aniya bilang bansang nagnanais na makakuha ng vaccine…
Read MoreFINANCIAL RISKS NG DITO TINUKOY SA TELCO STUDY
BUKOD sa banta sa seguridad ng pagkontrol ng Chinese government sa Dito Telecommunity, kinuwestiyon din sa isang pag-aaral sa bagong telecoms operator sa Pilipinas ang kakayahan ng kompanya na lumikom ng sapat na kapital para pondohan ang venture. Ang report, na tinawag na “A Study Into The Proposed New Telecommunications Operator In The Philippines: Critical Success Factors and Likely Risks,” ay inilathala ng CreatorTech — isang Asia-Pacific consulting firm at industry specialist na nagkakaloob ng research at telecoms at IT advisory services sa public at private sector organizations sa buong…
Read MoreGUSOT SA LEARNING MODULES TATALUPAN NG SENADO
TINIYAK ng mga senador na tatalakayin sa Senado ang mga pagkakamaling nadiskubre sa mga learning materials na ipinamahagi sa mga mag-aaral. Ayon kay Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, simula nang magbukas ang klase ngayong taon, ilang beses nang kinastigo ang Department of Education (DepEd) dahil sa mga pagkakamaling natagpuan sa self-learning modules (SLMs) na ipinamamahagi, kabilang na ang mga episode sa DepEd TV. Pinuna kamakailan ang isang pagguhit na ipinakikita ang mga magsasakang may sira-sirang damit, isang paglalarawan na itinuring na nagpapalaganap…
Read MoreBIDA MAGPAPABILIS SA REHAB EFFORT SA BORACAY – VILLAR
DAHIL sa mahinang pagpapatupad ng environmental laws at ang pagbalewala ng tao sa mga batas na ito, isinusulong ni Senadora Cynthia A. Villar ang pagbuo sa Boracay Island Devopment Authority (BIDA) para mapanatili ang rehabilitasyong ginawa rito ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa paghain sa Senate No. 1914 o ang ‘Act Creating the Boracay Island Development Authority (BIDA),’ iginiit ni Villar na sa kabila ng mga umiiral na batas gaya ng RA No. 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act” at RA No. 9275 o ang “Philippine Clean…
Read More