BENHUR SA MMDA KUMPIRMADO

WELCOME sa Malakanyang ang pagkakatalaga kay Benjamin “Benhur” de Castro Abalos, Jr. bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Para kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo, ang kapuri-puring career ni Chairman Abalos sa public service, bitbit ang benepisyo ng taon ng karanasan at karunungan sa burukrasya ay maituturing na kuwalipikado siyang magtagumpay at may kakayahan na ipagpatuloy ang magandang gawain na iniwan ng namayapang si Brig. Gen. Danilo Lim. Nagsimula ang career ni Chairman Abalos bilang matagumpay na abogado. Sumali siya sa local government ng Mandaluyong…

Read More

LENI TABLADO PA RIN SA PALASYO

TABLADO sa Malakanyang si Vice-President Leni Robredo nang imungkahi nito sa pamahalaan na maglatag ng communication plan para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19. Ito’y matapos lumabas sa isang survey na maraming Pilipino pa rin ang duda tungkol sa bakuna. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na matagal nang mayroon at kasalukuyan nang ginagawa ng pamahalaan ang communication plan na iminumungkahi pa lamang ng bise-presidente. Ang sagot naman ni Dr. Ma. Luningning Elio-Villa, Medical Director at Faberco Life Sciences, Inc, sa iminungkahi ni VP Leni ay ”…

Read More

Pinalagan sa Senado MONOPOLYO SA COVID-19 VACCINES

NAGTATAKA ang mga senador kung bakit gustong ‘imonopolyo’ ng pamahalaan ang pagbili ng COVID-19 vaccine at ayaw ibigay sa local government units (LGUs) at pribadong sektor. “Bakit ang national gov’t gusto i-monopolize ang pag-purchase? Bakit di na lang payagan ‘yung LGUs at private sector to do their own purchases? I understand that the Covax facility will be cheaper, ngunit kung whole-of-nation approach ito, payagan na rin ‘yung private sector, kung willing sila magbayad nang mas mahal, na iba ang presyo sa Covax facilty- yan ‘yung national gov’t – tapos pribado…

Read More

HERD IMMUNITY POSIBLE NGAYONG 2021 – DUQUE

TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III sa Senado na kakayanin ng Pilipinas na makamit ang herd immunity laban sa corona virus 2019 (COVID-19) kung sapat ang suplay ng bakuna. Sa kanyang pagdalo sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto, sinabi ni Duque na kung kakayanin ng manufacturer, maaaring magkaroon ng herd immunity sa taong ito. “Kung kakayanin ng mga manufacturer…best case scenario ay makakamit natin ang herd immunity po ngayong taon,” ayon kay Duque. Iniimbestigahan ng Senado ang vaccination…

Read More

COVID CASES PWEDENG PUMALO SA 4K KADA ARAW

IMINUNGKAHI ni Senadora Imee Marcos na unahin ng administrasyong Duterte na lutasin ang “spike” ng COVID-19 dahil posibleng umakyat ito sa 4,000 kaso bawat araw ngayong 2021. Ipinunto ni Marcos na nakatatakot ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 , lalo pa’t matagal pa ang planong “mass vaccination” ng pamahalaan. Binanggit din ni Marcos ang inamin ng Department of Health (DOH) na kakapusan ng bilang ng health workers dulot ng pagtatapos sa kanilang kontrata at non-renewal ng job orders (JOs) sa mga ospital. Isama pa ang problema sa paulit- ulit…

Read More

CHINA MAKIKINABANG SA CHA-CHA

KUNG may mga bansang higit na makikinabang sa Charter Change (Cha-Cha) na isinusulong ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco, ito ay walang iba kundi ang China partikular na sa usapin ng West Philippine Sea. Bukod dito, tiyak na papasukin na ng China nang buong-buo ang mga negosyo sa bansa lalo na ang public utilities tulad ng tubig, kuryente at communication na hindi na kailangan ang Filipino partners. Ito ang pahayag ni dating Anakpawis party-list Rep. Fernando Hicap, national chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA). Ayon…

Read More

MAKATI POLICE INIIMBESTIGAHAN SA DACERA CASE

SINIMULAN na ng Philippine National Police-Directorate for Investigative and Detective Managament (PNP-DIDM) ang imbestigasyon sa mga tauhan ng Makati City Police na nagsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Layon ng iniutos na imbestigasyon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas na malaman kung nagkaroon ng lapses ang mga imbestigador. Sa press conference sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Sinas na binibigyan niya ang DIDM ng hanggang Miyerkoles (January 13) para tapusin ang imbestigasyon sa mga pulis sa Makati. Matatandaang agad inilabas…

Read More

4M BULAKENYO TARGET MABAKUNAHAN

PIPILITIN ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang tinatayang apat na milyong Bulakenyo. Ito ang naging pahayag ni Governor Daniel Fernando sakaling magkaroon na ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19, upang matiyak na ligtas ang kanyang mga kababayan laban sa nakamamatay na virus. Sinabi ng opisyal, sa tulong ng mga local government unit ng bawat lungsod at munisipalidad sa Bulacan at ayudang manggagaling sa pamahalaang nasyonal at ng Bulacan provincial government, pipilitin nito na mabakunahan ang tinatayang 4 milyong populasyon ng lalawigan. “Inaantay pa namin…

Read More

2 RIDER TODAS SA OVERTAKE

BATANGAS – Patay ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo nang sumalpok sa kasalubong na truck sa municipal road sa Tanauan City mag-aalas 2:00 ng hapon noong Linggo. Parehong idineklarang dead on arrival sa ospital si Julius Aro at ang kaangkas nito na si Jesus Benedicto Jr. Batay sa report ng Tanauan City Police, tinatahak ng dalawa ang alternative road patungo sa Barangay Pantay Matanda nang bumangga ang mga ito sa tagiliran ng kasalubong na Isuzu drop truck na minamaneho ni Jonathan Pupa. Nag-overtake umano ang motorskilo sa isang sasakyan kaya sinakop…

Read More