LEACHON KINUWESTYON SA KORTE SUPREMA LEGALIDAD NG ZERO SUBSIDY SA PHILHEALTH

KINUWESTYON ni Health Reform Advocate Dr. Tony Leachon sa Korte Suprema ang legalidad ng pagtanggal ng subsidy para sa PhilHealth sa GAA 2025 national budget. Nagsampa siya ng petition for certiorari and prohibition kaugnay sa pag-aalis ng naturang subsidiya sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA). Nakasaad sa kanyang petisyon ang probisyon sa Republic Act No. (RA) 10351, na naglalaan ng 80% ng kita mula sa Sin Tax para sa Universal Health Care, at ang RA 11223, na nag-aatas ng premium subsidy para sa mga di-tuwirang kontribyutor ng PhilHealth sa…

Read More

ROMUALDEZ, ESCUDERO PINASASAGOT NG SC SA PETISYON NI VP SARA VS IMPEACHMENT

INATASAN kahapon ng Supreme Court ang Senate at House of Representatives maging ang House Secretary General na magkomento sa loob ng sampung araw para sagutin ang petisyon na inihain ni Vice President Sara Duterte-Carpio kaugnay ng 4th impeachment complaint. Kabilang sa respondents sina House Speaker Martin Romualdez, House secretary general Reginald Velasco at Senate President Francis Escudero. Nauna rito, sa inihaing petition for certiorari and prohibition ni VP Duterte noong February 18, nais nitong ipawalang-saysay ang impeachment dahil lumabag aniya ito sa patakarang nagbabawal ng sunod-sunod na impeachment sa loob…

Read More

BILYON-BILYONG SIGARILYO SA BODEGA NG BOC PINAIIMBENTARYO

PINAIIMBENTARYO ng chairman ng House committee on ways and means ang bilyon-bilyong pisong halaga ng sigarilyo na nasa storage facilities ng Bureau of Customs (BOC). Tugon ito ni Albay Rep. Joey Salceda kaugnay sa pagkakahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tangkang pagbebenta sa nakumpiskang sigarilyo na naghahalaga ng P270 million. “There are billions’ worth of smuggled or illicit cigarettes in government storages,” ani Salceda kaya inatasan nito ang BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng imbentaryo sa lalong madaling panahon. Bukod sa sigarilyo, marami pa…

Read More

Solon sa pagkaantala ng impeachment vs VP Sara BABAHA NG FAKE NEWS

IGINIIT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan na dapat nang simulan ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte-Carpio dahil kung hindi ay malulunod umano ang bansa sa fake news. Ito ang hinayag ni Taguig representative Amparo Maria Zamora sa kanyang panawagan dahil habang nadi-delay umano ang paglilitis sa bise presidente ay palala-ng-palala at parami-ng-parami ang ikinakalat na maling impormasyon ng mga Duterte. “Kailangang simulan na ang impeachment trial bago pa malunod ang bansa sa baha ng fake news ng mga Duterte,” wika ni Zamora. Kabilang umano sa bagong fake…

Read More

KORUPSYON, CRONYISM NA INILABAN SA EDSA NAGPAPATULOY KAY ‘JR.’

NAG-WALKOUT ang mga Iskolar ng Bayan mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Sta. Mesa matapos hindi kanselahin ng unibersidad ang klase kahapon sa paggunita sa ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power revolution. (ITOH SON) (SAKSI NGAYON NEWS TEAM) IGINIIT ni Senador Risa Hontiveros na buhay na buhay pa ang mga problemang ipinaglaban noong 1986 EDSA People Power Revolution kaya’t nararapat lamang na ipagpatuloy ang laban. Naganap ang pag-aalsa ng mga Pilipino noong panahon ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr., ngunit ngayong administrasyon ng kanyang anak na si Ferdinand Jr.…

Read More

MASTERMIND SA P2.7-B SHABU SHIPMENTS KAILANGAN TUGISIN

HINDI dapat makuntento ang Department of Justice (DoJ) na nakumpiska lang ang shabu shipment mula sa Pakistan na nagkakahalaga ng halos tatlong bilyong piso at sa halip ay dapat tukuyin ang mga mastermind na nasa likod nito, ayon kay House Minority Leader Marcelino ‘Nonoy’ Libanan ng Eastern Samar. Idinagdag pa ni Libanan na maging ang mga mastermind ng mga nakaraang drug smuggling ay kailangang habulin din ng DoJ dahil kung hindi ay hindi titigil ang mga sindikato sa pagpapalusot ng mga iligal na droga sa Pilipinas. “We urge the DOJ…

Read More

SMALL TIME POGO OPERATIONS TARGET DIN NG BI

(JULIET PACOT) BINUBUSISI ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang ahensya ng pamahalaan ang mga impormasyon na nagsasagawa ng small time operation ang mga kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na napilitang magsara. Sa lingguhang Meet the Press Forum sa National Press Club sa Intramuros, Manila, tinalakay ang mga usapin hinggil sa POGO hub at illegal Online Gaming operation. Dumalo bilang guest si Ms. Dana Sandoval, spokesperson ng Bureau of Immigration, kasama si Mr. Richard Alvian ng Chinese Filipino Business Club. Host naman si NPC President Leonel ‘Boying”…

Read More

“CREDIT GRABBING” NI MAYOR SOTTO, PINUNA

PINUNA ni Pasig City Vice Mayor Christian “Iyo” Caruncho Bernardo ang pagiging “credit grabber” umano ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Ayon kay Caruncho, inaako ng alkalde ang credit sa pagpapabuti ng basic services sa lungsod na pinaghirapan at isinulong ng ibang opisyal. Ang pahayag ni Caruncho ay kasunod ng isyu ng pang-iinsulto umano ng alkalde sa reputasyon ng pamilya Caruncho sa idinaos na flag raising ceremony sa City Hall. Inihalintulad ni Bernardo si Sotto sa isang aktor na kinukuha ang credit ng tagumpay o kontribusyon ng ibang tao. Sa…

Read More

CWS PARTY-LIST PINADI-DISQUALIFY SA VOTE BUYING

NAGHAIN kahapon ng pormal na reklamo sa Commission on Elections (Comelec) si Batangas Gubernatorial Candidate Jay Manalo Ilagan, na siya ring kasalukuyang Vice Mayor ng bayan ng Mataas na Kahoy, laban sa CWS Party-list at sa kinatawan nito na si Congressman Edwin L. Gardiola. Ayon kay Ilagan, kasong vote buying ang naganap na “Barakofest 2025” sa Lipa City, Batangas noong Pebrero 13-15, 2025. Base sa 31 pahinang reklamo ni Ilagan, nagsagawa ang CWS Party-list ng “Last to Take Hands Off Challenge” kung saan nagkaloob ng premyo ng tatlong brand-new na…

Read More