PROSECUTION TEAM KAY VP SARA: TAUMBAYAN NAGHIHINTAY NG DIREKTANG SAGOT

NANINIWALA ang House prosecution panel na madidismaya ang publiko sa naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na hindi personal na dumalo sa unang araw ng kanyang impeachment trial. Ayon kay House Trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, naghihintay ang taumbayan ng direktang kasagutan mula sa Bise Presidente. Aniya, ang personal na pagharap ni Duterte ay magpapakita sana ng kahandaan nitong sagutin ang mga alegasyon at panindigan ang kanyang pag-angkin ng pagiging inosente. “That would also reinforce her previous statements that she will answer in the proper forum… and this…

Read More

CAYETANO: SENATE PRESIDENT ANG DAPAT MAMUNO SA IMPEACHMENT TRIAL, AYON SA KONSTITUSYON

IGINIIT ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano na ang Senate President ang dapat mamuno sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, alinsunod umano sa 1987 Constitution. Sa unang araw ng paglilitis, naghain si Cayetano ng point of order upang kwestyunin ang Senate Resolution No. 430 na nagbigay-daan sa pagpili ng ibang senador bilang presiding officer sa pamamagitan ng majority vote. Ayon kay Cayetano, malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na ang Senate President ang dapat mamuno sa lahat ng impeachment trial, maliban kung ang Pangulo ng Pilipinas ang nililitis. “It is…

Read More

MALACAÑANG: DESISYON NG SANDIGANBAYAN SA PAG-ARESTO KAY MARCOLETA DAPAT IGALANG

UMAASA ang Malacañang na igagalang ng Iglesia ni Cristo (INC) ang naging desisyon ng Sandiganbayan na ipaaresto si Senador Rodante Marcoleta sa kinahaharap nitong non-bailable plunder case. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kilala ang liderato ng INC sa paggalang sa batas at sa mga desisyon ng korte. “Alam po natin ang liderato ng INC ay gumagalang po kung ano ang sinasabi rin po ng korte, kung ano po ang sinasabi ng batas.” Iginiit din ni Castro na iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos…

Read More

GIBO: ALOK NG CHINA NA COMMON FISHING GROUND, PR LANG

IBINASURA ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang alok ng China na gawing common fishing ground ang Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), at sinabing isa lamang itong publicity stunt. Sa panayam sa V. Luna Medical Center, sinabi ni Teodoro na hindi dapat malinlang ang Pilipinas sa naturang alok dahil malinaw na nakasaad na sa 2016 Arbitral Award ang karapatan ng mga Pilipino sa lugar. “Hindi tayo pinanganak kahapon,” ani Teodoro. Ayon sa kalihim, walang saysay ang panukala ng China dahil kinikilala na ng arbitral ruling ang karapatan ng Pilipinas…

Read More

LIVE-IN PARTNERS KALABOSO SA PAGTUTULAK NG SHABU

ARESTADO ang mag-live in partner matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa kanilang bahay sa Brgy. Baesa, Quezon City noong Hulyo 3. Sinabi ni PMajor Jacinto Pascual IV, chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Quezon City Police District, nadakip si John John, 32-anyos, alyas “Joselito”, at ang live-in partner nitong si Catherine 43-anyos. Ayon kay Pat. Christian Jerico Sidigo, imbestigador ng DDEU-QCPD, nadakip ang mga suspek dakong alas-9:22 ng gabi noong Hulyo 3 sa kanilang bahay sa Sitio Mendez, Barangay Baesa, Quezon City. Nabatid mula…

Read More

VP SARA NO-SHOW SA UNANG ARAW NG IMPEACHMENT TRIAL

(TINA MENDOZA/DANG SAMSON-GARCIA) HINDI dumalo si Vice President Sara Duterte sa unang araw ng kanyang impeachment trial sa Senado, habang iginiit ng kanyang kampo na karapatan niyang ipaubaya sa kanyang mga abogado ang pagharap sa paglilitis. Ayon kay Defense Team Spokesperson Atty. Michael Poa, pinili ni Duterte na magpakatawan sa kanyang legal counsel, bagay na pinahihintulutan ng impeachment rules. “VP Duterte has chosen to appear by counsel and it’s her right that her appearance remain through counsel,” ani Poa. Nilinaw din niya na naaayon sa mga tuntunin ng impeachment proceedings…

Read More

SPEAKER DY KAY ALEX EALA: INSPIRASYON KA SA KABATAANG PINOY

BINATI ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang Filipinang tennis sensation na si Alex Eala sa patuloy nitong makasaysayang kampanya sa Wimbledon, kasabay ng pagsasabing isa na itong inspirasyon sa kabataang Pilipino. Ayon kay Speaker Dy, muling ipinagmamalaki ni Eala ang Pilipinas sa bawat panalong naitatala nito sa prestihiyosong torneo. “Congratulations, Alex! Muli mo na namang ipinagmalaki ang ating mga kababayan. Sa bawat panalo mo, ipinapakita mo sa buong mundo ang husay, tapang, at determinasyon ng Pilipino,” ani Dy. Sinabi pa ng lider ng Kamara na higit pa…

Read More

MARCOLETA, DEFENSOR ARESTADO SA PLUNDER CASE

(JESSE RUIZ/JULIET PACOT) PORMAL nang inaresto ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Senador Rodante Marcoleta matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Third Division kaugnay ng kinahaharap nitong non-bailable plunder case. Kinumpirma ni Sandiganbayan Third Division Associate Justice Karl Miranda na inilabas ang warrant matapos makita ng korte ang probable cause sa kasong isinampa ng Office of the Ombudsman. Ayon sa reklamo, hindi umano idineklara ni Marcoleta ang P75 milyong campaign donations sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at Statement of Assets, Liabilities…

Read More

Sa National Nutrition Month 2026 SAKSI NGAYON FEEDING PROGRAM, NAGHATID NG PAG-ASA AT KASIYAHAN

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Nutrition Month 2026, matagumpay na isinagawa ng SAKSI NGAYON ang isang makabuluhang Feeding Program Activity noong Hulyo 4, 2026 sa Scout Torillo Street, Brgy. Sacred Heart, Quezon City. Ang programa ay isinagawa sa ilalim ng temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,” na naglalayong isulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan bilang pundasyon ng malusog na pamayanan. Masayang sinalubong ng mga bata ang mga volunteer at organizers ng SAKSI NGAYON na naghanda ng masusustansiyang pagkain. Makikita sa kanilang mga ngiti at sigla…

Read More