PUNA ni JOEL O. AMONGO SA pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Hunyo 20 hanggang 29, 2026, muling umani ng pansin ang pag-akyat ng net satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte sa +31, habang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagtala ng -7. Ang ganitong datos ay hindi lamang simpleng numero kundi malinaw na salamin ng kasalukuyang sentimyento ng mamamayang Pilipino. Batay sa survey, 58 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing sila ay nasisiyahan sa naging performance ni Vice President Sara Duterte, kumpara sa…
Read MoreDay: July 20, 2026
BONOAN, HINDI PWEDE MAGING STATE WITNESS
Syanong Detektib Ni Lucio S. Papa MALAKING bentahe sa paghahanap ng hustisya ang ebidensya at testimonya ng mga saksi. Sa kaso ng kontrobersyal na flood control, umaasa ang sambayanan na mapapanagot ang lahat ng kasapakat sa pinakamalaking anomalya sa ating kasaysayan. Bagamat may mga sinampahan na ng kaso sa sa Sandiganbayan, kapuna-puna na pawang kalaban lang sa pulitika ang isinilid sa selda — sina Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Mike Defensor at mga kontratistang ginamit lang naman ng mga buwaya sa Department of Public Works and Highways. (DPWH). Speaking of buwaya,…
Read MoreHUSTISYA PARA KAY MIMA ALICIA, HINDI PAGGAMIT SA PULITIKA
At Your Service Ni Ka Francis ANG malagim na pagpaslang sa Pro-BBM vlogger na si Mima Alicia ay isang trahedyang dapat ikalungkot ng lahat, anoman ang kanilang paniniwala sa pulitika. Ang pagkawala ng isang buhay ay hindi dapat gawing pagkakataon upang magpalitan ng sisi o magpalawak ng hidwaan sa pagitan ng magkaibang kampo. Ang higit na mahalaga sa ngayon ay ang pagtiyak na mabibigyan ng mabilis, patas, at masusing imbestigasyon ang insidente upang lumabas ang buong katotohanan. Sa mga ganitong pangyayari, nararapat lamang na pairalin ang maingat na paghusga. Hindi…
Read MoreMAHIGIT P174.6 MILYONG AYUDA, IPINAMAHAGI SA NEGROS AT SIQUIJOR
MAHIGIT P174.6 milyong cash assistance at iba pang ayuda ang ipinamahagi sa mahigit 20,000 manggagawa, magsasaka at iba pang benepisyaryo sa Negros Oriental, Negros Occidental at Siquijor, ayon sa Malacañang. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na isinagawa ang pamamahagi sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapalawak ang oportunidad sa trabaho at kabuhayan sa bagong tatag na Negros Island Region. Pinangunahan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang pamamahagi ng livelihood grants sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), gayundin…
Read MoreFIL-CHI BUSINESSMEN DISMAYADO SA AI-VIDEO NG CHINA DAILY
MAGING ang pinakamalaking grupo ng mga negosyante na kabilang sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII,) ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa inilabas na AI-generated video ng China Daily na naglalarawan sa Pilipinas sa pamamagitan ng derogatory caricature. Kasabay nito, sama-samang hiniling ng lahat ng kasapi ng FFCCCII sa China Daily na tanggalin ang nasabing nakasisirang puri na caricature. “We respectfully urge that this video be taken down and removed. No matter how sincere or deeply held the differences between governments on maritime or territorial…
Read MorePOLICE CAPTAIN PATAY SA PAGRESPONDE SA GULO SA VIDEOKE BAR
DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang pulis makaraang barilin nang magresponde sa isang kaguluhan sa videoke bar sa Capiz. Kinilala ang biktimang si PCapt. Rian Fuentes Ampoyos, nakatalaga sa 1st Capiz Provincial Mobile Force Company. Ayon kay PRO 6 Regional Director P/B General Randulf Tuaño, nagresponde si Ampayos kasama ang dalawa nitong tauhan makaraang makatanggap ng tawag hinggil sa kaguluhan sa isang videoke bar sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz nitong Lunes ng madaling araw. Habang inaawat ng biktima ang mga nag-aaway, minalas naman itong mabaril sa ulo ng isa…
Read More‘FORGIVENESS CLAUSE’ SA MGA KASONG RAPE, PINAAALIS
NAGHAIN si Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula ng House Bill No. 10099 na naglalayong alisin ang “forgiveness clause” sa Revised Penal Code kaugnay ng kasong rape. Layunin ng panukala na alisin ang Article 266-C ng Revised Penal Code na nagpapawalang-bisa sa criminal liability ng rapist kapag pinakasalan nito ang biktima o kapag pinatawad ng asawa ang asawang nanggahasa. Ayon kay Ismula, hindi dapat gamitin ang kasal o kapatawaran upang makaiwas sa pananagutan ang salarin. Katuwang ni Ismula sa panukala sina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno at Perci Cendaña, at…
Read MoreDIOKNO: BUONG FINANCIAL PICTURE KAILANGAN SA MGA KASONG UNEXPLAINED WEALTH
IGINIIT ni House prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Senate impeachment court na dapat masuri ang kabuuang kalagayang pinansyal ng isang opisyal sa pagdinig ng mga kasong may kaugnayan sa unexplained wealth. Ayon kay Diokno, batay sa jurisprudence ng Korte Suprema, hindi sapat ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at income tax return (ITR), kaya hinihiling ng prosekusyon ang bank records, Bureau of Internal Revenue (BIR) records, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte. Binanggit niya ang desisyon ng Korte Suprema…
Read MorePAG-AMIN NA ‘KOMUNISTA’ NI ROBIN IPINAUBAYA NA SA AFP
IPINAUBAYA ng Department of National Defense (DND) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-aksyon kaugnay ng pag-amin ni Senator-Judge Robinhood Padilla na siya ay isang “komunista” sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang AFP ang dapat magsagawa ng kaukulang proseso kaugnay ng naturang pahayag, lalo’t si Padilla ay isang colonel sa Philippine Army Reserve Force. Nauna nang sinabi ni Padilla sa pagtatanong kay National Bureau of Investigation (NBI)-BARMM Regional Director Atty. Jeremy Lotoc na, “Komunista po ako,”…
Read More