IGINIIT ni Senate Minority Leader at Senator-Judge Alan Peter Cayetano na ang tungkulin ng Senate impeachment court ay litisin at pagdesisyunan ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte batay sa ebidensiya. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad ng impeachment court at ng bawat senator-judge sa gitna ng mga isyung nakapalibot sa paglilitis. “Ilang beses ko na narinig dito na it’s our job to clear or prosecute the Vice President. Hindi po, it’s our job to try and to decide. It’s the prosecution’s job to… prosecute. And…
Read MoreDay: July 20, 2026
ALERTO NG PH ARMY ITINAAS SA SERYE NG HARASSMENT BAGO BARMM POLLS
ITINAAS ng Philippine Army ang alert status ng kanilang mga tauhan matapos ang serye ng harassment incidents laban sa mga military detachment sa Maguindanao, mahigit dalawang buwan bago ang nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre 14. Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Ronald Suscano, ilang pag-atake na ang naitala laban sa mga tropa at pasilidad ng Philippine Army sa mga lalawigan ng Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang naghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections. Sa ulat, hinarass ng may 15 armadong kalalakihan…
Read MoreDOJ DUMISTANSYA SA TAGUIG GHOST FLOOD CONTROL PROJECTS PROBE
DUMISTANSYA ang Department of Justice (DOJ) sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y 11 ghost flood control projects sa Taguig City. Sa isang ambush interview, sinabi ni DOJ Secretary Fredderick Vida na iginagalang ng kagawaran ang mandato ng NBI na magsagawa ng sariling imbestigasyon. Ayon kay Vida, hindi ipinag-utos ng DOJ ang naturang imbestigasyon kundi bahagi ito ng mandato ng NBI na magsiyasat sa mga posibleng paglabag sa batas. Iginiit din ng kalihim na hindi dapat makaapekto ang naturang usapin sa ginagampanang tungkulin ng mga…
Read MoreWISHLIST SA SONA NI PBBM: GERIATRIC HOSPITAL AT UNIVERSAL PENSION
UMAASA si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na mabanggit at isulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ang dalawang mahalagang panukalang-batas para sa nakatatandang populasyon ng bansa. Sinabi ni Ordanes ang pinakamahalagang marinig ng senior citizens sa SONA ni Marcos Jr., ang pag-apruba sa panukalang universal social pension ar Geriatric Health Act. Binanggit din niya ang tama at maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan para mabawasan ang bayarin ng senior citizens sa kanilang pagpapa-ospital. Ilang taon nang…
Read MoreMATIBAG HULING TESTIGO SA ‘THREAT’ NI VPSD – PROSEC
INAASAHANG sasagutin ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang mga natitirang katanungan kaugnay ng Article IV ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay House impeachment trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, si Matibag ang magiging huling testigo ng House prosecution panel para sa Article IV. Sinabi ni Adiong na ipaliliwanag ni Matibag ang kabuuang preliminary investigation na isinagawa ng NBI bilang institusyon at sasagutin ang mga tanong na naiwan sa testimonya ng mga naunang testigo. Nauna nang iniharap ng…
Read MorePERSONAL ISSUE NI PADILLA ‘DI DAPAT SA IMPEACHMENT COURT
UMARANGKADA ang ikapitong araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng manifestation ni Senator-Judge Robinhood Padilla kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman. Nilinaw ni Padilla na taliwas sa pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, nakapagsumite siya ng counter-affidavit bilang tugon sa utos ng Ombudsman sa pamamagitan ng stamped mail. Hiniling ni Padilla sa kanyang mga kapwa senator-judge na linawin sa publiko na wala siyang intensyong sirain ang integridad ng Senate Impeachment Court at iginiit na iginagalang niya ang Office…
Read MoreKinilala papel ng mga CPA sa transparency PAGPASA NG RIGHT TO INFORMATION ACT DINIINAN NG HOUSE SPEAKER
ITINAMPOK ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang pagpasa ng House of Representatives sa panukalang Right to Information (RTI) Act at sinabi na ito ay patunay ng paninindigan ng Kamara para sa transparency, accountability, at responsableng pamamahala. Sa mensaheng inihatid ni Isabela 6th District Board Member Amador Gaffud Jr. sa induction ceremony ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA)-Isabela Chapter, sinabi ni Dy na mahalaga ang papel ng mga accountant sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko sa mga institusyon. Ayon kay Dy, ang mga accountant ay hindi…
Read MoreSa imbestigasyon ng Ombudsman PBBM DUMISTANSYA KAY ROMUALDEZ
HINDI makikialam si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman laban sa kanyang pinsan na si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang. Ayon kay Castro, naninindigan ang Pangulo na ang anomang imbestigasyon ay dapat nakabatay sa ebidensya, anoman ang maaaring maging resulta o sinomang maapektuhan nito. Nauna nang inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na malapit nang matapos ang fact-finding investigation ng…
Read MoreEnchanted Kingdom unveils a month filled with magic for Eldar the Wizard’s birthday
Enchanted Kingdom, the first and only world-class theme park in the Philippines, is set to make the entire month magical as it announces the spectacular lineup of enchanting gifts from its iconic Storyverse character, Eldar the Wizard, in celebration of his birthday this July. Kicking off its Love Saribuhay campaign this quarter, EK is showering guests with magical treats both inside and outside the Park as it counts down to Eldar’s Birthday Bash on July 25 at the Spaceport Grounds. The highly anticipated celebration, which coincides with the soft opening…
Read More