PUNA ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng patuloy na tensiyon sa pulitika, muling umalingawngaw ang pangambang maaaring lumala ang galit ng publiko kapag hindi umano natigil ang tinatawag na panggigipit kay Vice President Inday Sara Duterte. Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, may posibilidad na umabot sa puntong magkaroon ng rebolusyon sa bansa kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon. Hindi na bago sa kasaysayan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng matinding hidwaan sa pagitan ng mga nasa kapangyarihan at ng kanilang mga kritiko. Ngunit kapag ang isang mataas na opisyal ng pamahalaan…
Read MoreDay: September 7, 2026
DISIPLINA AT PAGTUTULUNGAN LABAN SA BAHA
LINAWIN NATIN ni ARDEE DELLOMAS TUWING tag-ulan, mamamayan ang unang tinatamaan ng baha. Ngunit hindi dapat iasa na lamang sa gobyerno ang pagresolba sa suliraning ito. May magagawa tayo bilang mamamayan na makatutulong sa paglutas sa matagal nang problemang ito. Ang baha ay hindi lamang kasalanan ng gobyerno o ng ulan. Sinasabing ang 70% ng baha sa Metro Manila at mga siyudad ay dahil sa mga basura at baradong kanal. Kaya malaki talaga ang bahagi natin sa nasabing problema sa baha. Ano ang maaari nating gawin bilang mamamayan? Pangunahin dito…
Read MoreP62 KADA DOLYAR: DAGDAG PAHIRAP SA KARANIWANG PILIPINO
At Your Service ni KA FRANCIS KAPAG umabot sa P62 ang palitan ng piso sa isang dolyar, maaaring isa lamang itong numero sa mga financial market. Ngunit para sa karaniwang Pilipino, hindi lamang ito usapin ng foreign exchange. Sa likod ng bawat pagtaas ng dolyar ay maaaring may dagdag na gastos sa pagkain, kuryente, pamasahe, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa panahong marami nang pamilya ang pilit pinagkakasya ang sahod hanggang sa susunod na payday, bawat pagtaas ng presyo ay may tunay na epekto sa hapag-kainan. Hindi naman lingid…
Read MoreHABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA LUZON AT VISAYAS
PATULOY na magpapaulan sa Luzon at Visayas ang umiiral na Southwest Monsoon o Habagat ngayong buong linggo, ayon sa state weather bureau. Dahil dito, inaasahan ang mga pag-ulan at isolated thunderstorms, partikular tuwing hapon at gabi. Makararanas naman ng paminsan-minsang pag-ulan ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Batangas at Occidental Mindoro. Samantala, magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Western Cordillera, ilang bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA at Antique. Mainit na panahon naman ang mararanasan sa ilang bahagi ng Mindanao, bagama’t posible pa…
Read MorePAGBUO NG DEPARTMENT OF WATER ISINUSULONG
ISINUSULONG ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang pagbuo ng isang nationalized flood solution agency o Department of Water upang magkaroon ng iisang ahensyang tututok sa mga suliranin sa tubig, kabilang ang pagbaha. Ayon kay Natividad, magiging mas epektibo ang pagkakaroon ng isang ahensya ng pamahalaan na pangunahing hahawak sa mga usapin sa tubig, kabilang ang flood management sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ipinaliwanag ng alkalde na isa sa mga problema sa kasalukuyang flood management ay ang kani-kaniyang pagkilos ng mga local government unit (LGU) na nakabatay sa kanilang…
Read More3.2M FOOD PACKS KASADO NA SA PAGBABALIK NI ‘PILANDOK’ – DSWD
TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa ito na tumugon sa mga apektadong lokal na pamahalaan (LGUs) at mga pamilyang nawalan ng tirahan na maaaring mangailangan ng tulong habang inaasahang muling makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Pilandok. “Handa ang DSWD na mag-augment ng tulong sa mga lokal na pamahalaan na maaaring maapektuhan ng pagbabalik ni Bagyong Pilandok sa PAR. Mayroon pong higit 3.2 milyon na family food packs (FFPs) ang kasalukuyang naka-preposition sa iba’t ibang strategic locations sa ating bansa,” sabi ni…
Read MoreSa posibleng peligro sa mga bata PORTION NG RIVER WALK SA LAGUNA ISINARA
PANGANIB sa buhay, ito ang dahilan kaya isinara ang bahagi ng Biñan Riverwalk sa Biñan City matapos mamataan sa CCTV ang ilang batang tumatalon sa ilog habang mataas ang tubig at malakas ang ulan. Ayon sa Biñan City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakita sa CCTV ng Command Center ang mga batang naglalaro at tumatalon sa Biñan River sa bahagi ng Evangelista Bridge sa kasagsagan ng pag-ulan dahil sa Habagat. Nagbabala ang mga awtoridad na delikado ang ganitong gawain dahil maaaring tangayin ng malakas na agos ang mga bata,…
Read MoreFAJARDA, HINDI NA IPATATAWAG NG PROSEKUSYON MATAPOS MA-STROKE
HINDI na ipatatawag ng House prosecution panel ang disbursing officer ng Department of Education (DepEd) na si Edward Fajarda bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa humanitarian consideration matapos itong makaranas ng stroke. Ayon kay Private Prosecutor Rey Robles, ibinatay ng prosecution team ang desisyon sa pinakahuling medical update kay Fajarda, kung saan sinabi ng kaniyang mga doktor na nangangailangan pa siya ng 30 araw na recovery period. “In view of the latest medical update and the confirmation by the doctors of the Senate, as…
Read MoreVILLAR, NAGHAIN NG PANUKALANG HAZARD PAY AT INSURANCE PARA SA MEDIA WORKERS
NAGHAIN si Senator Mark A. Villar ng Senate Bill No. 2440 o “Media Workers Hazard Pay Act” na naglalayong magkaloob ng hazard pay at karagdagang insurance benefits sa mga media worker na nade-destino sa mga mapanganib na lugar at sitwasyong pang-emergency. “Ang mga media worker ang nagsisilbing mata at tainga ng publiko sa panahon ng matitinding krisis at panganib. Kung inaasahan natin silang humarap sa panganib upang mapanatiling ligtas at may sapat na kaalaman ang ating mga kababayan, tungkulin din nating tiyakin na sila ay protektado, insured, at mayroong hazard…
Read More