HINDI nakaligtas sa ngitngit ng netizens si Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Mocha Uson matapos siyang makiisa sa isang mass gatherings na naglagay sa peligro sa mga nagbalik-bansang Overseas Filipino Workers at maging sa mga residente ng Lian, Batangas kung saan ginanap ang okasyon. Dahil dito, iginiit ng netizens na kasuhan si Mocha at papanagutin sa hindi pagsunod sa enhanced community quarantine protocols sa gitna ng pandemyang COVID-19. Maging sa Atty. Ferdinand Topacio ay hindi naiwasang kastiguhin si Mocha. “I strongly suggest, for consistency, that the proper government agency…
Read MoreAuthor: admin
600 CONSTRUCTION WORKERS STRANDED PA RIN
NAGMAMAKAAWA na sa mga kinauukulan ang aabot sa 600 construction workers na stranded sa lungsod ng Antipolo, Pasig at San Juan na sana’y makauwi na sila sa kanilang pamilya. Ang mga construction worker na nasa kanilang barracks sa Solid Cement Compound Brgy. San Jose, Antipolo City na aabot sa 350 katao ay nagmula pa sa bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa bahagi ng Ortigas, Pasig City at San Juan, tinatayang nasa mahigit 200 construction workers din ang nananawagan ng tulong na makabalik na sa kanilang lalawigan na karamihan ay nagmula…
Read MoreMMDA EMPLOYEE DINAKIP SA PANANAKIT
BULACAN – Arestado ang isang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang bugbugin ang kanyang kinakasama at paluin ng stick ang 10-anyos anak ng ginang sa San Jose del Monte City ng lalawigang ito. Dinakip ng mga barangay tanod si Roel Gatuz y Garcia, residente ng Block 15, Lot 17, Saint Joseph Ville, Barangay Kaypian, SJDM City. Hindi pumalag ang suspek nang arestuhin ng barangay frontliners sa kanilang lugar bago inilipat sa kustodiya ng pulisya. (GINA BORLONGAN) 261
Read MoreRIDER PATAY SA SALPOK NG TRUCK
DAVAO DEL SUR – Binawian ng buhay ang isang lalaki makaraang sumalpok sa isang Fuso aluminum wing van truck ang minamaneho niyang motorsiklo sa Davao-Cotabato national highway sa Brgy. Tagabuli, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito, alas-8:30 ng gabi noong Lunes sa lalawigang ito. Sa ulat ng Davao del Sur Police Provincial Office (DSPPO), kinilala ang biktimang si Ramil Absin Jr., 18, binata, residente ng Brgy. Bato sa nasabing bayan. Habang kinilala naman ang driver ng truck na si Gilbert Dano, 56, may asawa at residente sa Monkayo,…
Read MoreQUARANTINE FACILITY SA PH ARENA BUBUKSAN NA
MAGAGAMIT na sa paglaban sa pandemyang COVID-19 ang pasilidad sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.s Magkakatuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Iglesia ni Cristo (INC) at MVP Group of Companies sa napakalaking inisyatibong pang kalusugan at kaligtasan kasabay ng pagbubukas ng 300-bed mega-treatment facility “We Heal As One Center” sa naturang lugar. Inaasahan matatapos bukas (Abril 29) ang nasabing quarantine facility kasunod ang apat pang quarantine facilities ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa darating Biyernes (Mayo 1). Kamakalawa ay nagsagawa ng final inspection sina DPWH Undersecretary Emil…
Read MoreP.4-M SHABU KUMPISKADO, 17 ARESTADO SA QCPD
INANUNSIYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo ang pagkakakumpiska sa P442,680 halaga ng ilegal na droga at pagkakadakip sa 17 drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa nasabing lungsod. Kinilala ni P/BGen. Montejo ang dalawa sa mga suspek na sina Frederick de Jesus 40; at Russel Leonida, 41, pawang residente ng Brgy. Malvar, Pasig City. Ang mga suspek ay naaresto ng mga tauhan ng Cubao Police Station noong Abril 27, 2020 sa Magsaysay St., Brgy. Manggahan, Pasig City at nakumpika ang P102,000 halaga ng ilegal na droga.…
Read MorePULIS SUMEMPLANG SA RESPONDE
INOOBSERBAHAN sa Chinese General Hospital ang isang pulis makaraang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo habang nagreresponde sa isang inuman sa Tondo, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Patrolman Layson Poquiz, nakatalaga sa Manila Police District-Hermosa Police Community Precinct, sakop ng Station 7. Batay sa ulat ni P/Major Salvador Tangdol kay P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, station commander, alas-7:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Cavite St. at Rizal Avenue sa Tondo, sakop ng Brgy. 209. Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang PCP hinggil sa isang grupong…
Read MoreBARANGAY HEALTH WORKERS NGANGA PA RIN SA AYUDA
BAGAMA’T mahigit isang buwan nang ipinatutupad ang enhanced community quarantine, ‘namumuti pa rin ang mata’ ng mga barangay health worker sa ipinangakong tulong ng gobyerno sa kanila. Ito ang napag-alaman kay BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co kaya umapela ito sa Inter-agency task force (IATF) na bilisan ang pagbibigay ng Social Amelioration at Special Risk Allowance sa mga barangay health worker na kanilang ipinangako sa mga ito. Ayon sa mambabatas, tulad ng mga doctor, nurse, iba pang empleyado ng mga ospital, sundalo, pulis at mga officials, frontliners din aniya ang…
Read MoreMULTA SA OSPITAL NA HIHINGI NG DEPOSITO
BINALAAN ni Senador Risa Hontiveros ang mga pagamutan na posibleng maharap sa malaking multa at pagkakulong kung manghihingi ng deposito sa mga emergency patient. Ipinaalala ni Hontiveros na nakasaad sa Republic Act No. 10932 o ang “Anti-Hospital Deposit Law” na ipinagbabawal ang paghingi ng deposito bago bigyan ng treatment ang pasyente. “Mas mahalaga ang buhay ng tao kesa sa kita ng iilan, lalo na ngayong panahon ng matinding krisis. Hospitals must comply with the law and must not withhold live-saving medical treatment from persons who need it the most –…
Read More