IMEE SA DPWH: BBB PROJECTS ISUBASTA PARA SA COVID-19 FUNDS

HINIRIT ni Senador Imee Marcos na tingnan ang opsiyon kung puwedeng isubasta at ituloy ang ilang bahagi ng Build, Build, Build Projects sa mga pribadong bidder, para ang mga pondong inilaan dito na natatapyasan at hindi nakukumpleto sa takdang iskedyul ay hindi masyadong maapektuhan. Pero nilinaw ni Marcos na hindi dapat itigil ng pamahalaan ang mga proyektong imprastraktura ng bansa sa ilalim ng BBB program para pondohan ang laban kontra sa COVID-19 pandemic. “Ang mga may kakayahan at bukas-palad na private bidders ang makatutulong sa gobyerno ngayong panahon ng krisis…

Read More

FINAL ORDER SA TRANSPORT SECTOR ILALABAS NG PALASYO

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang transport sector na hintayin ang final order na magiging galaw ng mga ito dahil pinaplantsa pa ito ng pamahalaan. Ang tinukoy ng Pangulo ay iyong mga lugar na sasailalim sa general community quarantine (gcq) sa Mayo 1. “Itong sa transportation that would allow movement sa mga tao in areas under general community quarantine. Pero maghintay kayo sa final orders kasi pinaplantsa pa namin ito,” ayon sa Chief Executive sa kanyang public message kagabi. Nauna rito, napaulat na posibleng hindi pa makabiyahe ang mga…

Read More

24/7 NA OPERASYON NG FDA, DOST INIUTOS NI PDUTERTE

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Science and Technology (DOST) na mag-operate ng 24-oras kada araw habang ang bansa ay patuloy na nakikipaglaban sa coronavirus pandemic. Sa public message ng Pangulo, Lunes ng gabi, Abril 27 ay hinikayat nito ang FDA at DOST na dagdagan ang kanilang work force upang sa gayon ay makapagtrabaho sila araw at gabi. “We are operating in a crisis kaya sabi ko, for the FDA and ‘yung kay secretary sa DOST, magdoble sila ng tao and…

Read More

LGUs, PINABUBUO NG ‘ANTI-COVID-19 TASK FORCE’

IPINAG-UTOS ni Interior Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government units (LGUs) na magbuo ng sarili nitong “anti-coronavirus disease-2019 task force” (Anti-COVID-19 TF) upang direktang kumilos ang mga gobernador, alkalde at punong barangay laban sa virus pagkatapos ng “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Mayo 15. Tinukoy rin ng pinuno ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Memorandum Circular No. 2020-077 (MC 2020-077) na inilabas niya nitong Abril 24 na tiyakin ng mga opisyal na ang gagawin ng kanilang Anti-COVID-19 TF ay “align … with the national…

Read More

PARTIAL NA PAGBUBUKAS NG MM, POSIBLE SA MODIFIED QUARANTINE

NAGPAHIWATIG na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaari niyang buksan ‘partially’ ang Metro Manila sa ilalim ng modified community quarantine. Ang pakiusap naman ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi, Abril 27 ay hintayin lang ang guidelines para rito. “We might open partially, construction workers things like that. You wait for the… lalabas na po yung modified,” ayon sa Punong Ehekutibo. Modified quarantine aniya para payagan at masiguro na ang sektor ng lipunan ay hindi talaga magdikit-dikit. “Kaya modified muna eh kasi kung magsiksikan kayo diyan sa…

Read More

ABUSADONG DAYUHAN IPINADE-DEPORT

PINAKIKILOS ng isang senador ang Bureau of Immigration (BI) para itapon palabas ng bansa ang isang dayuhan na nakipagtalo sa mga awtoridad dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ). “The Bureau of Immigration may have to look into the matter. If a deportation proceeding is in order, they should act swiftly and decisively,” ayon kay Senador Panfilo Lacson. Kasabay nito ay pinuri ni Lacson ang mga pulis na ginagawa lamang ang kanilang tungkulin para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19. Aniya, hindi maiiwasang gawin sa pagpapatupad ng isang…

Read More

KONTRIBUSYON SA SDG PALAKASIN – WFC

HINIKAYAT ng grupong Withdraw from Coal (WFC) ang pamunuan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na palakasin ang kanilang kontribusyon sa Sustainable Development Goals (SDG) at tugunan ang ‘climate emergency’ sa paggawa ng mga polisiya. Ang paghikayat ay kasunod ng pagtatapos ng isinagawang taunang pagpupulong ng mga stockholder kung saan ay iniulat ni BPI president Cezar Consing ang kanilang naging ‘achievements’ sa 4 SDG, kabilang ang pagsusulong ng clean energy. Ipinagmalaki ni Consing, nakapagtala sila ng highest growth, kabilang ang power generation loan portfolio na 44%, maging sa pagsusulong…

Read More

ISASAKRIPISYONG PROYEKTO, IPINADEDETALYE

IPINADEDETALYE ng isang mambabatas sa Kamara sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga proyektong nakalinya ngayong taon na hindi na itutuloy ng gobyerno at gamitin ang nakalaang pondo rito sa paglaban sa coronavirus disease 2019. Ayon kay House committee on public accounts chairman Mike Defensor, kailangang pangalanan ng DBM ang mga proyektong hindi na itutuloy upang hindi na umasa ang publiko. “That way, people will know if a funded program, activity or project would no longer be undertaken. At least, they would not expect it to materialize this…

Read More

Solon sa pagkasira ng bahura sa WPS P33-B SINGILIN SA CHINA

UMAABOT sa P33 bilyon ang halaga ng sinisingil ni Senador Risa Hontiveros sa sinirang bahura ng China sa Panatag Shoal at Spratlys Island sa West Philippine Sea sa inihaing resoluyon na humihikayat sa Executive Department na magharap ng legal at diplomatic pressure sa Chinese government upang itigil ang aktibidad nito. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na malawak ang nasirang bahura sa WPS dahil sa panghihimasok at pagtatayo ng isla ng China sa lugar na hindi na maibabalik pa ang nawalang ecosystem. “China’s sense of entitlement to our seas has caused…

Read More