DUTERTE HANDANG BUMABA SA POSISYON

duterte100

(NI CHRISTIAN   DALE) HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa puwesto kung ayaw na sa kanya at sa tingin ng mga tao ay hindi na siya kailangan. Aniya, hindi na kailangan pang magkudeta ang mga sundalo para mapaalis siya sa puwesto. Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang magkasakitan pa ang mga sundalo kaya sabihan na lamang siya at kusa siyang bababa sa puwesto o kaya ay magre-retiro na lang nang maaga. Kaya, tama lamang aniya ang ginawa nina dating pangulong Ferdinand Marcos at Joseph Estrada na bumaba na…

Read More

TERORISTANG ISEAP INAKO ANG PAGSABOG SA SULU

indanan sulu12

(NI AMIHAN SABILLO) INAKO ng Islamic State’s East Asian Province (ISEAP) ang pagpapasabog ng dalawang suicide bomber sa lalawigan ng Sulu base sa inilabas sa social media na SITE. Siter tel group.com Iniulat sa nasabing site na mahigit sa 100 ang nasawi at sugatan sa matagumpay umanong pagpapasabog ng dalawang  suicide bomber sa kampo ng militar sa Sulu, kasama pa sa inilabas ay ang larawan ng dalawang terorista na may hawak na flag ng ISIS. Pero sa actual na report ng Philippine Army ay nasa lima ang kumpirmadong nasawi, tatlong sundalo…

Read More

METRO POLICE NAKAALERTO SA TWIN SUICIDE BOMBING SA SULU

ncrpo

(NI JESSE KABEL) SIMULA Biyernes ng hapon ay itinaas ng Philippine National Police (PNP) ang alerto sa lahat ng kanilang puwersa sa buong bansa kaugnay sa naganap na twin suicide bombing sa Tanjung, Indanan Sulu, na ikinamatay ng lima katao, kabilang ang tatlong sundalo. Habang umakyat naman sa 12 ang malubhang nasugatan sa huling ulat na ibinahagi ni Western Mindanao Command spokesperson Maj. Arvin Encinas. Sa Metro Manila, agad  na nagdeklara ng full alert status si PNP National Capital Regional Police Office Director P/Mgen Guillermo Eleazar simula alas 6:00 Biyernes…

Read More

KAHIT MAY LIBRENG SAKAY; PASAHE SA MRT, LRT, PNR ‘DI ITATAAS

freerides321

(NI KEVIN COLLANTES) HINDI magpapatupad ang pamahalaan ng taas-pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR), sa kabila ng pagbibigay ng mga naturang train lines ng libreng sakay sa mga estudyante, simula sa Lunes, Hulyo 1. Ito ang tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade, kasunod ng mga pangambang maaaring tumaas ang pasahe ng mga naturang rail lines upang mabawi ang kitang mawawala dito, sa gagawing pagbibigay ng free train rides sa mga estudyante. Ayon kay Tugade, malabong mangyari na magpatupad sila…

Read More

HABAGAT PATULOY NA MAGPAPAULAN SA MM

lpa12

(PHOTO BY KIER CRUZ) MAGIGING maulan ang weekend sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng hanging habagat na makaaapekto sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa. Sinabi ng Pagasa Weather specialist Meno Mendoza na ang low-pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ay nakapagpapalakas sa southwest monsoon. Ang LPA na posibleng maging bagyo sa susunod na mga araw ay namataan sa Juban, Sorsogon. Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa Metro Manila, Mimaropa, Western Visayas, at lalawigan ng Zambales, Bataan, Batangas at Cavite. Ang  nalalabing…

Read More

LEBRON BABALIK SA NO. 6

james12

(NI JOSEPH BONIFACIO) PAREHONG jersey no. 23 ang isinusuot ni LeBron James at ang posibleng maging teammate na si Anthony Davis. Kaya isa sa kanila ang magpaparaya. Iyon ay walang iba kundi si James. Ayon sa ulat ng ESPN, ipauubaya ni James ang no. 23 kay Davis, habang siya ay babalik sa dating numero 6. Ang jersey no. 23 ay ginamit ni James habang naglalaro sa Cleveland Cavaliers at sa Lakers nitong nakaraang season. Habang si Davis ay no. 23 ang jersey sa kanyang pitong season sa New Orleans Pelicans.…

Read More

PROCESSED MEAT NG LAOS, NORTH KOREA BANNED SA ‘PINAS

swine flu12

(NI DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY RAFAEL TABOY) IPINAG-UTOS ng Department of Agriculture na pansamantala munang ipatigil ang pag-angkat ng baboy at pork products mula Laos at North Korea upang protektahan ang bansa laban sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) outbreak. Sa dalawang memorandum na inilabas ng ahensya na pirmado ni Sec. Manny Piñol, nakasaad na hindi muna mag-aangkat ng domestic at wild pigs maging ang mga produkto nito. Sinuspinde rin ang process of evaluation at ang pagbibigay ng Sanitary at Phytosanitary (SPS)  import clearance sa mga ito. Ayon sa…

Read More

COA KAY CESAR MONTANO: P80-M UNLIQUIDATED FUND IPALIWANAG

cesarmontano1

(NI ABBY MENDOZA) UNLIQUIDATED pa rin ang P80 milyong pondo ng Tourism and Promotions Board (TPB) na ginastos nito sa kanilang Buhay Carinderia Program, ayon sa 2018 Audit report ng Commission on Audit (COA). Marami umanong  dapat na ipaliwanag si dating TPB Chief Operating Officer Cesar Montano sa naging proyekto, una na dito ang pagbabayad ng P80 million sa Marylindbert International Inc. (MII) nang hindi inoobliga ang kontraktor na magsumite ng liquidation at  utilization reports kasama na rito ang mga resibo at pagpapalabas ng ikalawang trance ng bayad nang walang mga…

Read More

DIREK JOYCE BABAYARAN SA SERBISYO SA SONA

bb joyce22

(NI BETH JULIAN) HANDA ang Presidential Communications Operations Office na bayaran ang serbisyo ni Director Joyce Bernal sa gagawin nitong pagdidirek sa ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo. Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na naniniwala siyang dapat lamang na mabigyan ng professional fee si Bernal dahil sa kalibre nito. Gayunpaman, sinabi ni Andanar na ipinauubaya na niya sa Radio Television Malacanang ang pakikipag-usap kay Bernal hinggil dito. Sinabi ni Andanar na hawak naman ng RTVM ang pangangasiwa sa technical na aspeto at production ng SONA ng…

Read More