MAMASAPANO MASSACRE: KASO VS NOYNOY BINAWI

noynoy22

(NI JEDI PIA REYES) BINAWI  ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kasong isinampa nito laban kay dating pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng Mamasapano incident. Sa dalawang pahinang Motion to Withdraw Information, hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na ikonsidera ang pagbawi nito ng impormasyon patungkol sa kaso sa dating punong ehekutibo. “Wherefore, premises considered, it is most respectfully prayed of this Honorable Court that the People of the Philippines be allowed to withdraw the Information against accused Benigno Simeon C. Aquino III and thereafter the same…

Read More

BIG PARTY PARA KAY BABY ELIAS NINA JLC, ELLEN

john lloyd12

MAHIGPIT  na inaalagaan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang privacy ng kanilang anak na si Elias Modesto mula nang ipinanganak ito last year. Itinago nila ito sa publiko at hindi nag-post ng anumang larawan ng bata. Naging usap-usapan ito at nanatiling haka-haka lang dahil nga wala namang pruwebang kahit ano ang lumabas sa social media o print media man. Pero nagbago na ito. Sa first birthday ng anak, nag-post ng mga larawan sina John Lloyd at Ellen sa tila joint Instagram account nila na ellen_jlc. Tila hinintay talaga…

Read More

BANTA SA IMPEACHMENT; DU30 ‘DEADMA’ SA KONSTITUSYON

eez21

(NI BERNARD TAGUINOD) TULUYAN nang nailantad na wala talagang  respeto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Konstitusyon para sa interes ng China matapos magbanta na ipakukulong sa mga miyembro ng Kongreso kapag in-impeach siya dahil sa usapin sa West Philippine Sea. Ito ang pahayag ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano kaugnay ng banta ni Duterte lalo na’t alam umano nito na “culpable violation of the Constitution” ang pagpayag nito na mangisda ang mga Chinese sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea. “His threats against possible moves of impeaching…

Read More

PINOL ‘DI MAWAWALA SA DUTERTE GOV’T

pinol22

(NI BETH JULIAN) HINDI pa rin mawawala sa pamahalaan si Agriculture Secretay Manny Pinol kapag tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbibitiw sa puwesto. Sinabi ni Presidential Communicaitons Operation Office Secretary Martin Andanar, malilipat lamang naman ng ibang puwesto si Pinol sa isang Cabinet level position. Ayon kay Andanar, tulad ng nasabi na ni Pangulong Duterte, sa Mindanao Development Authority niya gustong ilagay si Pinol. Sa kasalukuyan ay walang pinuno ang MINDA makaraang masawi sa cardiac arrest kamakailan ang head nito na si Datu Abdul Alonto. Kaugnay nito,…

Read More

PRESYO NG KAPE’T GATAS ITATAAS 

dti milk12

(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ngayong Biyenres ng Department of Trade and Industry (DTI) na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang brand ng produktong ginagamit pang-araw-araw ng mamamayan. Sa abiso ng DTI, kabilang sa mga itataas na brand ay ang gatas, kape at patis. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, pinayagan na ng kanilang ahensiya ang dagdag-presyo ngunit hindi pa ito maaaring ipatupad. Sinabi ni Casteslo , simula kalagitnaan ng Hulyo pa puwedeng ipatupad ang mga bagong presyo na posibleng tumaas mula P0.50 hanggang P2 kada lata ang dagdag-presyo sa…

Read More

BANTA NI DU30 SA PAPATOL SA IMPEACHMENT: KULONG KAYO!

duterte44

(NI BETH JULIAN) “SUBUKAN n’yo, ipakukulong ko kayong lahat! Ito ang matapang na hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na nagbabantang maghahain ng impeachment complaint laban sa kanya bunsod ng pagpayag niya na makapangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea. Ayon sa Pangulo, hindi niya aatrasan ang mga kritiko niyang gustong magpa-impeach sa kanya. “Impeach ako? Kulungin ko sila lahat,” wika ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na tiyak na may kalalagyan ang mga maglalakas-loob na maghain ng reklamo laban sa kanya.…

Read More

7.1-M TURISTA BUMISITA SA PINAS

dot12

(NI DAHLIA S. ANIN) IKINATUWA ng Department of Tourism (DOT) paglago ng turismo sa kabila ng pagpapasara sa pangunahing dinarayo ng mga turista – ang Boracay, Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat. Nasorpresa umano si Puyat sa pagdami ng turista, domestic  man at foreigner kahit na sumailalim sa rehabilitasyon ang pinaka pamosong tourist destination sa bansa. Lomobo sa 7.1 million ang turista kumpara sa 6.6 million noong 2017. Tumaas din ang bilang ng mga nagkaroon ng trabaho dahil sa turismo mula sa 5.3 million na ngayon ay 5.4 million na.…

Read More

ABU SAYYAF NASA LIKOD NG PAGSABOG SA SULU

indanan sulu12

(NI AMIHAN SABILLO) (UPDATED) GRUPO ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang tinitingnang nasa likod ng pagpapasabog sa military camp sa Indanan, Sulu, Biyernes ng umaga. Nilinaw ni WesMinCom spokesperson Maj. Arvin Encinas na tatlo lamang ang nasawi at siyam ang sugatan sa pagpapasabog matapos hagisan ng granada sa  kampo militar sa Brgy. Tanjug, Indanan Sulu. Sinabi ni Encinas na hinagisan ng rifle granade ang kampo dakong alas-11:15 ng umaga. Nakiusap naman ang AFP na hindi muna ibigay ang pagkakilanlan mga sundalong nasawi at sugatan hanggat hindi nabibigyang abiso ang…

Read More

5,121 PASADO SA PNP ENTRANCE EXAM; 5,481 SA PROMOTIONAL EXAM

pnp120

(NI NICK ECHEVARIA) UMABOT lamang sa 5,121 na mga nangangarap na maging pulis ang nakapasa sa PNP entrance exam, samantalang 5, 481 naman ang pinalad na pumasa sa PNP promotional exam batay sa inanunsyo ni Napolcom Vice Chair and Executive Officer Atty. Rogelio T. Casurao nitong  Biyernes. Mula ito sa kabuuang bilang na 46,419 na kumuha ng exams na isinagawa ng Napolcom sa iba’t ibang designated testing centers sa buong bansa noong April 28, 2019. Sa bilang na ito, 32,972 ang kumuha ng PNP entrance exam, kung saan 15.53 porsyento lang…

Read More