NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang may P1 milyon halaga ng high-end ammunition at magazine na ipinuslit sa Pilipinas sa pamamagitan ng anim na balikbayan box sa Manila International Container Port bago pa mag Pasko . Nakadeklara umano ito bilang 390 packages ng personal na gamit,household goods ,hinaluan ng tatlong t-shirts,tatlong bottled water at isang bote ng hot sauce.Nabatid kay BOC Intelligence Officer Alvin Enciso,ang ganitong uri ng bala ay mamahalin at mayroong malaking demand sa bansa. Ayon kay Enciso ang balikbayan box ay naka address…
Read MoreAuthor: Jet
‘GOBYERNO MAS PABOR SA CHINESE KAYSA PINOY’
(NI BERNARD TAGUINOD) MALABONG masolusyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unemployment problem sa bansa dahil masyado siyang mapagbigay sa China na nangakong pauutangin siya para sa kanyang build-build-build program. Ito ang kapwa ipinahayag nina Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at Gabriela party Rep. Emmi de Jesus kasunod na report sa South China Morning Post na patuloy ang pagbaha ng Chinese workers sa Pilipinas. Ginagawa aniya ito ni Duterte kahit mas mataas ang unemployment rate sa Pilipinas na umaabot sa 5.1% kumpara sa China na 3.82% lang dahil nais lang nitong…
Read MoreARMAS, ISINUKO NG MGA GARIN
ISINUKO na nina Guimbal Mayor Oscar Garin at anak na si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin ang mga armas matapos sampahan ng patung-patong na mga kaso sa pambubugbog sa isang pulis sa Guimbal, Iloilo. Ang pagsuko sa mga baril ay kasabay ng pagbawi ng Philippine National Police sa permits to carry firearms. Kabilang sa isinuko ng matandang Garin ang 12-gauge shotgun at apat na .45 kalibre habang ang anak nito ay nagsuko ng siyam na rifles at pistols. Ibinigay ng mag-ama ang kanilang armas sa isa pang kaanak na…
Read MoreUPAKANG PACQUIAO-BRONER WALANG ATRASAN
TULOY ang sagupaan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner. Ito ang pagpapakalma ni Pacquaio sa mga fans matapos pawiin ang pangambang makansela ang laban niya kay Adrien Broner sa Enero 19. Sa pamamagitan ng kanyang PR man na si Aquilez Zonio, ipinaabot ng Fighting Senator sa fans na walang dapat ikabahala at walang katotohanang hindi matutuloy ang laban. “The fight is a go. Broner was arrested for another brush with the law but he was able to post bail,” pahayag ni Pacquiao matapos ang kanyang road work sa Pan Pacific…
Read MoreRAINBOW’S SUNSET HUMAKOT NG AWARDS
HUMAKOT ng parangal ang ‘Rainbow’s Sunset’ sa katatapos na 2018 MMFF Gabi ng Parangal sa Solaire Resort and Casino. Kabilang sa nakuha nito ang Best Picture, Best Actress (Gloria Romero), Best Director (Joel Lamangan), Best Supporting Actress (Aiko Melendez) at Best Supporting Actor (Tony Mabesa). Ginawaran din ng tatlong special awards ang pelikula kabilang ang Special Jury Prizes (Max Collins at Eddie Garcia) gayundin ang Gat Puno Villegas Cultural Award. Hindi naman nakadalo ang Best Actor na si Dennis Trillo para sa ‘One Great Love’ dahil nilalagnat. Tinanggap na lang…
Read More84-ANYOS PATAY, 1 NAKATAKAS SA ANTIPOLO CITY JAIL FIRE
PATAY ang isang 84-anyos na detainee samantalang isa ang nakatakas matapos sumiklab ang apoy sa Antipolo City Jail, Huwebes ng gabi. Unang dumaing ng paninikip ng dibdib ang detainee na nakakulong sa kasong rape at hindi na umabot nang buhay sa ospital, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Hindi pa inilalabas ang pangalan ng biktima. Isa naman detainee, si Michael Zimon Dig, may kasong two counts of robbery, ang nakatakas sa gitna ng kaguluhan. Tinutugis na si Dig ng kapulisan. Ayon sa BJMP, mahigit sa 10 ang…
Read MoreMAMIMILI NG PAPUTOK DAGSA NA SA BOCAUE
DAGSA na ang mamimili sa Bocaue, Bulacan para sa iba’t ibang paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon. Ito ay sa harap ng pag-akyat sa 32 ang bilang ng mga biktima ng paputok, base sa tala ng Department of Health. Walong bagong kaso ang naiulat sa Region 6,3 at sa National Capital Region simula noong Martes, isang araw matapos ang Pasko. Gayon man, ang bilang ay mababa pa rin ng halos 50 porsiyento kumpara sa bilang ng naitalaga noong nakaraang taon. Sa 32 kaso, apat ang naputulan, ayon pa sa DoH.Kabilang…
Read MoreBULKANG MAYON MULING NAG-ALBURUTO
MULING nagbuga ng abo kahapon ang Bulkang Mayon subalit ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) walang dapat na ipangamba dahil walang dahilan para itaas ang alert level nito. Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, mananatili sa Alert Level 2 ang alert status sa Bulkang Mayon na nangangahulugan na nasa moderate level of unrest. Paliwanag ni Laguerta saglit lamang ang naging pagbuga ng abo na nagsimula alas 8:30 ng umaga at natapos makalipas ang 15 minuto. Ani Laguerta, mababaw lamang ang pinangagagalingan ng abo at hindi galing…
Read More1,287 PASAHERO STRANDED KAY ‘USMAN’
UMAABOT sa kabuuang 1,287 pasahero ang hindi pinayagan na makabiyahe at stranded sa iba’t ibang daungan dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Usman’, ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-8:00 ng umaga. Umabot naman sa 80 katao ang stranded sa Port of Maasin; 56 Liloan Port; 362 Port of San Ricardo; sa Southern Leyte, 69 naman ang stranded sa Port of Balwarteco; 55 Port of San Isidro; 105 sa Port of Jubasan sa Northern Samar habang nasa 205 naman sa Port of Calbayog sa Western Samar at 355 sa…
Read More