P200 AYUDA SA BAWAT PAMILYA KADA BUWAN, SINITA NI PACMAN

HABANG papalapit ang halalan, maraming gustong lumapit kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ang ilang presidential candidates ay nagpahayag daw nang kagustuhan na makausap ito. Ayon kay Cabinet Secretary Melvin Matibag, karamihan sa mga tumatakbong presidente ng bansa ay hinihingi ang endorsement ng PDP-Laban. Kung hindi ako nagkakamali, binanggit niya na kasama raw si Sen. Manny Pacquiao. Siyempre, kasama na rin diyan si Manila Mayor Isko Moreno. Kung may pakikiusap, mas maigi naman daw na mag-usap. Sa tingin ko, malabong makipag-usap si Pacman kung dadaan pa siya sa paksiyon ni Matibag. Ito…

Read More

6 SEATER PLANE BUMAGSAK SA ZAMBALES

BUMAGSAK sa dagat ang isang light-twin piston-engined aircraft na may lulan na anim na student pilot kahapon ng umaga sa Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales. Nagsasagawa umano ng test flight ang mga piloto sakay ng Rockwell Commander 685 or Aero Commander 685 aircraft nang bumagsak ito sa tubig, may 500 metro mula sa dalampasigan ng Purok 3, Barangay Sto. Rosario, bandang alas- 7:10 ng umaga. Sa inisyal na ulat ng PNP-Maritime Group, ligtas naman ang mga sakay ng eroplano na agad narecover ng rubber boat ng local police at Philippine…

Read More

Kumuha ng police clearance BABAENG TOP 2 MWP ARESTADO

LAGUNA – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang babaeng top 2 most wanted person habang kumukuha ng police clearance sa Calamba City Police Station noong Martes. Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Arnel S. Pagulayan, hepe ng Calamba CPS, kinilala ang suspek na si Joyce Ann San Antonio, 34, production operator at residente ng Brgy. Bañadero, Calamba City. Nabatid na kumukuha ng police clearance ang suspek para mag-apply ng trabaho ngunit nang beripikahin sa PNP E-warrant system ay lumabas na may nakabinbin itong warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court…

Read More

2 WANTED SA MURDER, RAPE LAGLAG SA PNP-PRO5

“THERE is no glory in power unless it is used to protect the innocent”. Ito ang pahayag ni PNP-PRO 5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na mahuli ng kanyang mga tauhan ang isang kasapi ng communist terrorist group na may kasong murder, at isang suspek sa panggagahasa. Ayon sa ulat ni Camarines Norte PNP chief, P/Col. Julius Guadamor, nadakip sa ikinasang law enforcement operation ang suspek sa kasong murder na si Norman Ibita y Cama, 38, ng Labo, Camarines Norte, kilalang hard-core member ng CTG’s/CNN Larangan 1, Kilusang Partido. Sa bisa ng warrant of…

Read More

8 SUSPEK SA MISSING SABUNGERO KAKASUHAN NA NG CIDG — DILG

NAKATAKDANG magsampa ng kasong kriminal ngayong araw ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa walong indibiduwal na pinaniniwalaang sangkot sa magkakahiwalay na pagdukot ng 34 sabungerong sangkot diumano sa game-fixing sa usong-usong e-sabong. Pagtatapat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nakumpleto na ng CIDG ang mga ebidensyang magdidiin sa mga suspek na hindi na pinangalanan ng Kalihim hanggat wala sa kanilang kustodiya ang mga naturang suspek. Aniya, kailangan muna nilang hintayin ang paglalabas ng mandamyento de aresto mula sa husgado. Agad namang…

Read More

P6.8-M SHABU NASABAT SA LADY CLAIMANT

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kilo ng umano’y shabu na tinatayang P6,800,000 ang halaga sa ikinasang controlled delivery operation sa Villa Crystal, Barangay Bagumbong, Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi, Marso 16, 2022. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isang babaeng claimant ang inaresto ng kanyang mga tauhan nang tangkain nitong kunin ang imported parcel na pinaglagyan ng isang kilo ng shabu. Sa ulat na isinumite ni PDEA Region 3, Director Bryan Babang, kinilala ang suspek na si Charlene Nworisa y Zabala, naninirahan…

Read More

Sa Malabon at Valenzuela WATER INTERRUPTION HANGGANG ABRIL 1

HANGGANG Abril 1 magpapatupad ng water interruption ang Maynilad sa 24 barangays ng Valenzuela City tuwing gabi. Mula Marso 17 hanggang Abril 1 ay walang tutulong tubig sa mga gripo sa sumusunod na mga barangay sa Valenzuela City mula 10 pm hanggang 4 am: Arkong Bato, Balangkas, Bisig, Coloong, Dalandanan, Gen. T. De Leon, Isla, Karuhatan, Mabolo, Malanday, Malinta, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Pasolo, Poblacion, Polo, Rincon, Tagalag, Ugong Viente Reales at Wawang Polo. Ito ay dahil pupunuin umano ng Maynilad ang mga reservoir nito na mabilis na bumaba…

Read More

Sharp celebrates its 40th Anniversary with a 10 millionth mark of washing machine

In its 40th anniversary celebration, Sharp Philippines marks its 10th Million production in washing machine, as it continues to provide ease of comfort and a reliable partner to every Filipino household. With Sharp’s commitment of producing advanced products such as its washing machine, the company stays true to its values of sincerity and creativity. “As our Anniversary motto goes ‘We live by the people, we prosper with the people’, we will continue to provide innovative products that will make life comfortable and convenient” shared Sharp Philippines President and General Manager,…

Read More

Kalye Surveys March 1-15 report: Game over na sa pampanguluhan kahit hindi pa nailagak ang unang balota, ayon sa Splat Comms

UWIAN na, may nanalo na! Ito ang fearless forecast ng pinagkakatiwalaang ‘information and statistical data provider’ na SPLAT Communications matapos ideklarang ‘game over’ na ang halalan sa pampanguluhan dahil tiyak na ang pagkapanalo ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kahit hindi pa man nag-uumpisa ang botohan ng May 9 elections. Ang dahilan ay ang napakataas na 54.2 percent na nakuha ni Marcos sa pinaka-latest na Kalye Surveys na isinagawa noong March 1-15 o kulang dalawang buwan bago ang inaabangang halalan. Ang respondents dito ay 3,000…

Read More