MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multi-bilyon pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas. Sinabi rin ng pangulo na malayong lumitaw ang katotohanan sa nasabing pagdinig. Sa kanyang Talk to the People nitong Miyerkoles, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si Senator Richard Gordon, chairman ng nasabing komite at tinawag pa niya itong “adversarial.” “You cannot tell the truth in the Senate. Gordon is adversarial. Tingin sa ‘yo, kalaban ka,” ayon kay Pangulong Duterte. Aniya,…
Read MoreAuthor: admin 2
PSG chief dumepensa NAPATAY NA TSINOY SA ZAMBALES NAKA-PSG SHIRT
HINDI konektado sa Presidential Security Group (PSG) ang Chinese national na napatay sa anti-drug operation sa Zambales, umaga ng Martes kung saan P3.4 bilyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad. Tugon ito ng grupong tagapagbantay ng Pangulo sa larawan ng isa sa mga napatay na Tsinoy na nakasuot ng light blue polo shirt na mayroong PSG seal na nakakuha ng atensyon ng mga reporter ng Malacañang beat. “Per verification from our Intelligence Staff, said person wearing the polo shirt with PSG seal is not in any way…
Read MoreMETRO MANILA COURTS MANANATILING SARADO
SARADO pa rin ang mga korte sa National Capital Region (NCR). Sa Circular No. 119-2021, ikinatwiran ng Office of the Court Administrator (OCA) ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dulot ng iba’t ibang variants ng virus at localized lockdown na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ang operasyon ng mga korte ay mananatili sa pamamagitan ng online at pagsasagawa ng video conferencing/hearings sa mga nakabinbing kaso at iba pang usapin. “The said courts may be reached through their respective hotlines and email addresses as posted in…
Read MoreIsa pang taon ng pagsasara ng mga paaralan MALAKING PINSALA SA MAG-AARAL – SOLON
MATINDING pinsala ang nakikita ni Senador Win Gatchalian na magiging epekto sa mga mag-aaral at sa kaunlaran ng bansa kung magkakaroon ng isa pang taong pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya ng COVID-19. Kaya naman ayon sa mambabatas, mahalagang masimulan na ang pilot test ng localized at limited face-to-face classes sa low-risk areas. Una nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na may isang daan at dalawampung (120) mga paaralang lalahok sa panukalang pilot test ng face-to-face classes. Kasabay nito ang pagbuo ng joint…
Read MoreTaumbayan tila napaglalaruan ng Palasyo NEGOSYO LUGI SA BIGLANG BAWI NG GCQ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MALAKING dagok sa ekonomiya ang pabago-bagong pasya ng pamahalaan, partikular sa pagpapatupad ng mahigpit na lockdown sa mga rehiyong sentro ng negosyo. Sa isang pahayag, pinatutsadahan ni Manila City Bureau of Permits chief Levi Facundo ang aniya’y malaking perang nawawala sa kawalang direksyon sa pagtugon ng pamahalaan sa patuloy na banta ng pandemya. Higit aniyang nakababahala ang napipintong pagsasara ng mga negosyo bunsod ng paglobo ng kanilang pagkakautang sanhi na rin ng pagkalugi sa bawat araw na hindi sila nakakapag-operate ng kanilang negosyo. Una nang sinabi…
Read MoreSa pagkamatay ng 4 Chinese sa drug ops SORRY NI DUTERTE ‘DI KATANGGAP-TANGGAP
HINDI katanggap-tanggap para kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang “sorry” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamatay ng 4 Chinese national sa isang anti-drug operation sa Zambales. “Bakit ganun, kapag Chinese ‘I’m sorry!” pero kapag Filipino dudurugin ko kayo at patayin ang mga ‘nanlaban’? Mukhang mas pinoprotektahan pa nya ang mga dayuhan kesa mga sarili nyang kababayan,” ani Zarate. Matapos mapatay ang apat na Chinese national na miyembro umano ng big time drug syndicate sa isang drug bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police…
Read MoreDOH ‘DI NAGBAYAD NG DOBLE PARA SA PPEs
PINANINDIGAN ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na hindi sila nagbayad ng doble sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para sa biniling parehong set ng personal protective equipment (PPE). Ayon sa DOH, binili nang bultuhan ang loose surgical masks at face shields upang proteksyunan ang mga healthcare worker sa tinatawag nilang ‘high at low-risk settings’. Binili umano nila ang naturang mga gamit sa pamamagitan ng ‘virtual online store’ ng PS-DBM kung saan nakapaskil ang mga karaniwang suplay at kagamitan tulad ng PPEs. “The DOH scanned…
Read More‘ESSENTIAL ITEMS’ ETSAPWERA SA 2022 BUDGET
IPINABALIK ni Senador Risa Hontiveros sa Malakanyang ang isinumite nitong 2022 budget proposal sa Kongreso matapos mabigong maglaan ng sapat na pondo sa ilang ‘essential item’ na makatutulong sa matagumpay na pagharap ng bansa sa pandemya. Sinabi ni Hontiveros na sa ipinanukalang 2022 National Expenditure Program (NEP), bigo ang Ehekutibo na maglaan ng pondo para sa mga benepisyo ng healthcare workers, ayuda para sa mga bagong mahirap na pamilya, service contracting, at ang paglalagay lang sa vaccine booster shots sa ilalim ng ‘unprogrammed appropriations’. “Masyadong disconnected ang budget na ito…
Read MoreLACSON-SOTTO TANDEM, INILUNSAD NA; PACQUIAO, ‘DI PA RIN DESIDIDO
PORMAL nang inilunsad nina Senators Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto III ang kanilang kandidatura para sa presidential at vice presidential elections sa 2022. Sa televised program, inilunsad ng dalawang senador ang kanilang campaign motto na ‘Ito ang Simula’ na nakasentro sa ‘Katapangan, Kakayahan at Katapatan.’ Sa kanilang speech, kapwa binigyang-diin nina Lacson at Sotto ang mga problema sa bansa kabilang na ang malaking utang, kawalan ng trabaho, pagsasara ng mga negosyo, pagtaas ng kaso ng mahihirap na Pilipino, iligal na droga at territorial dispute sa West Philippine Sea.…
Read More