PSG chief dumepensa NAPATAY NA TSINOY SA ZAMBALES NAKA-PSG SHIRT

HINDI konektado sa Presidential Security Group (PSG) ang Chinese national na napatay sa anti-drug operation sa Zambales, umaga ng Martes kung saan P3.4 bilyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad.

Tugon ito ng grupong tagapagbantay ng Pangulo sa larawan ng isa sa mga napatay na Tsinoy na nakasuot ng light blue polo shirt na mayroong PSG seal na nakakuha ng atensyon ng mga reporter ng Malacañang beat.

“Per verification from our Intelligence Staff, said person wearing the polo shirt with PSG seal is not in any way connected with PSG. Definitely, he is not a member of PSG,” ayon kay PSG commander, Col. Randolph Cabangbang.

“The shirt he is wearing is not a PSG uniform and is readily available and can be bought from any military supply shop selling the said merchandise. In addition, any merchandise depicting PSG’s seal can be easily manufactured,” dagdag na pahayag nito.

Tiniyak ni Cabangbang sa publiko na pinapanatili nila ang “highest form of discipline and ethical standards” at kaisa ng pamahalaan laban sa anti-drug war campaign.

Napatay sa drug operation sina Gao Manzhu, Hong Jianshe, at Eddie Tan, na galing Fujian, China, at Youhua Xu, na residente naman ng Quezon City.

Si Xu, o mas kilala bilang alyas Taba, ang isa sa mga umano’y pangunahing pangalan sa mga aktibidad patungkol sa ilegal na droga sa bansa.

Samantala, 3 Chinese din ang nahuli ng mga awtoridad sa bayan ng Hermosa, Bataan, matapos makumpiskahan ng 80 kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P544 milyon.
Ayon sa PNP, may kaugnayan ang 3 naaresto sa naunang anti-drugs operation sa Candelaria. (CHRISTIAN DALE)

342

Related posts

Leave a Comment