OCTA nagnenegosyo rin? PANDEMYA SINAKYAN PARA SUMIKAT

INAKUSAHAN ng mga kongresista sa Kamara ang OCTA Research group na umano’y sinakyan lamang ang pandemya sa hangaring itaguyod ang pangalan sa gitna ng pandemya bilang istratehiya sa pagkalap nito ng mga kliyenteng hanap ay paborableng resulta ng mga political surveys. Sa lingguhang Ugnayan sa Batasan forum na ginanap kahapon, kapwa sinabi nina House committee on good government and public accountability chairman Michael Aglipay at Deputy Speaker Lito Atienza na gusto lang gumawa ng pangalan ang OCTA at nagamit ng mga ito ang pandemya sa pagnanais na sumikat. “Nagamit tayo…

Read More

ALEX EALA vs AMERICAN NETTER

SASABAK sa US Open juniors’ singles event si Filipina tennis sensation Alex Eala para sa ­inaasam na ikatlong Grand Slam title. Dahil nakakuha ng “bye” sa opening round ng girls’ singles event, awtomatikong umabante ang 16-year-old netter sa second round kung saan makakalaban nito si ­American Charlotte Owensby. Second seeded ang Rafa Nadal Academy scholar at Globe Ambassador na Pinay kaya’t ­nabigyan ng bye sa nasabing torneo. Target ni Eala na mapasakamay ang unang Grand Slam singles title. Matatandaan na ang dalawang Grand Slam titles niya ay pawang sa doubles…

Read More

2021 FIBA Women’s Asia Cup GILAS WOMEN PASOK NA SA BATANGAS BUBBLE

NASA Batangas na para sa kanilang bubble training si Janine Pontejos at ang Gilas Pilipinas Women. Maghahanda ang women’s national squad para sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup na gaganapin sa Amman, Jordan mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 3. Kahanay ang Gilas Women sa Group B kasama ang China, Australia at Chinese Taipei. Lunes nang dumating sa Jet Hotel sa Lipa City ang national women team na kinabibilangan nina 2019 Southeast Asian Games gold medalists Pontejos, Afril Bernardino, Clare Castro, Chuck Cabinbin, Khate Castillo, Ria Nabalan, Mar Prado at Andrea…

Read More

BATANG PIER SABAK AGAD SA 3 GAMES

MAKAPAGLALARO na muli ang NorthPort Batang Pier sa 2021 PBA Philippine Cup ngayong linggo sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga. Hindi agad nasalang ang NorthPort sa unang linggo ng pagpapatuloy ng elimination round sa Bacolor dahil sa health and safety protocols. Ngunit wala pa rin games schedule ang San Miguel Beer at Alaska Aces, na nakansela ang nakatakdang paghaharap noong weekend. Mayroong tatlong games ang NorthPort sa limang araw na iskedyul ng liga ngayong linggo. Sisimulan ito ng laro ng Batang Pier kontra Blackwater sa Huwebes,…

Read More

BIANCA BUSTAMANTE PAPAANDAR SA FIA GIRLS ON TRACK SHOOT-OUT

KABILANG ang Pilipinang si Bianca Bustamante sa mga napiling magpartisipa sa FIA Girls on Track – Rising Stars Youth Scholarship Shoot-Out 2021. Mula sa 70 aplikasyon sa buong mundo, isa ang 16-anyos na Pinay sa 14 lang na napasama sa shoot-out. Ito ang masayang ibinalita ng dating Kart racer at ­estudyante ng Assumption College sa kanyang pagbisita sa tuwing Martes na Philippine Sportswriters Association (PSA) fourm. “It definitely means a lot to me. Just being chosen to be part of the shoot-out is already an achievement for me,” wika ng…

Read More

NBL/WNBL TULOY SA PAMPANGA

Ni ANN ENCARNACION GAYA ng PBA, itutuloy ang naunsiyaming 2021 WNBL/NBL sa Pampanga. Sa Setyembre 11 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga ang simula ng pag-resume ng dalawang liga. Unang sasabak sa Pia Cayetano WNBL  ang Taguig Lady Generals at Quezon Lady Spartan sa 11:15 ng umaga ng Sabado. Kinabukasan (Linggo) ng 11:15 ng umaga ay maghaharap naman ang Pacific Water Queens at Taguig Lady ­Generals. Samantala, ang Chooks-to-Go NBL Chairman’s Cup ay may back-to-back triple-header sa weekends. Magsisimula ng Sabado ng 1:15 ng hapon ang…

Read More

SANGGOL KRITIKAL SA SAKSAK NG PWD

BATAAN – Kritikal ang kondisyon sa pagamutan ng isang taon gulang na sanggol na lalaki makaraang pagsasaksakin ng isang binatilyong may sakit sa pag-iisip sa bayan ng Dinalupihan sa lalawigang ito, noong Martes. Ayon kay Police Lt. Col. Emil Dela Cruz, hepe ng Dinalupihan Municipal Police Station, kanila nang ikinostudiya ang suspek na 19-anyos. Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente pasado alas-11:00 ng umaga noong Martes, Setyembre 7, 2021 sa Purok Dos-A, Barangay Roosevelt kung saan umano nasa labas ng bahay ang sanggol at nilalaro ng kanyang mga kaanak. Maya-maya…

Read More

2 PATAY, 5 SUGATAN SA AMOK NA PRESO

ORIENTAL MINDORO – Walang habas na namaril ang isang preso sa loob ng Provincial Jail sa Calapan City sa lalawigang ito, na ikinamatay ng dalawang inmate at lima ang nasugatan kahapon. Kinilala ang napatay na sina Edison Sampaga, 41, at Lowelyn Mendoza, 36, kapwa person deprived of liberty o PDL, sa nabanggit na jail facility. Habang nasugatan naman sa pamamaril ang lima pang PDL na sina Jeffrey Bajo Delos Reyes, 37; Christian Encarnado Licuan, 45; Hector Culla Abes, 41; Mark Belleza Dela Cruz, 42, at Alberto Lubusan Ebueza, 21-anyos. Base sa ulat…

Read More

3 PANG CHINESE TIKLO SA FOLLOW-UP OPS VS DROGA

UMABOT na sa 580 kilo ang nasamsam na umano’y shabu sa Zambales matapos na tatlo pang Chinese national ang nadakip at nahulihan ng dagdag na 80 kilo ng ilegal na droga sa ikinasang follow-up at pursuit operations na umabot sa Bataan, kasunod ng P3.4 bilyong buy-bust operation sa Candelaria, Zambales. Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang follow-up operation sa Barangay Tipo, Hermosa, Bataan ay isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), PNP Drug Enforcement group (PNP-DEG), kasama ang NICA, ISAFP, AFP Task Force Noah; Philippine Navy…

Read More