SARADO pa rin ang mga korte sa National Capital Region (NCR).
Sa Circular No. 119-2021, ikinatwiran ng Office of the Court Administrator (OCA) ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 dulot ng iba’t ibang variants ng virus at localized lockdown na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Ang operasyon ng mga korte ay mananatili sa pamamagitan ng online at pagsasagawa ng video conferencing/hearings sa mga nakabinbing kaso at iba pang usapin.
“The said courts may be reached through their respective hotlines and email addresses as posted in the Supreme Court website,” ayon sa circular.
Suspendido rin ang pagsasampa ng ‘pleadings’ at mga mosyon habang inatasan ang mga opisina na magpatupad ng nararapat na ‘skeleton staff’.
Epektibo ang kautusan na pinirmahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo hanggang Setyembre 30. (RENE CRISOSTOMO)
185 