MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multi-bilyon pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas.
Sinabi rin ng pangulo na malayong lumitaw ang katotohanan sa nasabing pagdinig.
Sa kanyang Talk to the People nitong Miyerkoles, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si Senator Richard Gordon, chairman ng nasabing komite at tinawag pa niya itong “adversarial.”
“You cannot tell the truth in the Senate. Gordon is adversarial. Tingin sa ‘yo, kalaban ka,” ayon kay Pangulong Duterte.
Aniya, umaakto si Gordon bilang judge at prosecutor.
“Anong totoo ang lalabas diyan,” ani Pangulong Duterte.
Para sa Punong Ehekutibo, ang Senate inquiry ay isang uri ng pamumulitika.
Kahapon ay nag-isyu na ang Senado ng warrant of arrest laban kina dating presidential economic adviser Michael Yang at limang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation. (CHRISTIAN DALE)
335 