NASABAT ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang ₱95.2 milyong halaga ng shabu at naaresto ang isang 23-anyos na drug courier sa isang operasyon sa Lipata Port, madaling araw ng Marso 14. Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Regional Office 13 sa ilalim ni Regional Director Laurefel P. Gabales. Ayon sa ulat, bandang 4:45 ng umaga nang isagawa ng Seaport Interdiction Unit–Surigao ang operasyon matapos makumpirma ang natanggap na intelligence report. Narekober mula sa suspek ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat…
Read MoreAuthor: admin 3
LALAKI, HINOLDAP NG 6 RIDER NA MAGKAKAANGKAS SA 3 MOTOR SA CAVITE
TINUTUGIS ngayon ng pulisya ang anim na lalaki na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo matapos holdapin ang isang naglalakad na lalaki at tangayin ang kwintas nito sa Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang 6:20 ng gabi kamakalawa nang mangyari ang insidente habang naglalakad ang biktima patungo sa M.O. Rieta Wet and Dry Market upang bumili ng softdrinks. Bigla umanong dumating ang mga suspek na sakay ng tatlong motorsiklo—dalawang Yamaha Nmax at isang Honda ADV—at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at agad nagdeklara ng holdap. Tinangay ng…
Read MorePNP TINIYAK PARUSA SA BARUBAL NA PULIS
NAGBABALA si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na mahaharap sa parusa ang sinomang hindi maayos magserbisyo o walang galang sa publiko. Inilabas ng PNP chief ang babala kasunod ng pag-viral sa social media ng isang kawani ng Migrant Workers Office na umano’y nagpakita ng kawalan ng respeto sa isang overseas Filipino worker. Pinayuhan ni Nartatez ang police frontliners na panatilihin ang propesyonalismo at respeto sa pakikitungo sa publiko. Aniya, may kaukulang parusa ang sinomang pulis na mapatutunayang bastos o hindi maayos ang…
Read MoreFRASCO TAGILID NA SA DOT
SA gitna ng mga batikos, sinabi ng Malacañang na patuloy pang ini-enjoy ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Gayunman, nagpahiwatig si Claire Castro, Palace Press Officer at undersecretary ng Presidential Communications Office, na posibleng may anunsyo sa Malacañang ngayong araw. “Malamang bukas ay mayroon tayong announcement,” ani Castro sa press briefing. Nang tanungin kung may pagbabago sa liderato ng Department of Tourism, sagot niya: “Puwedeng oo, pwedeng hindi. Magbibigay kami ng announcement tomorrow.” Hindi rin niya kinumpirma kung si Commercial…
Read MoreBAGONG OIL SUPPLIERS HANAP NG PH SA GITNA NG MIDDLE EAST TENSION
NAGHAHANAP na ang Pilipinas ng ibang bansa na mapagkukunan ng langis sa gitna ng umiigting na tensyon sa Gitnang Silangan, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Sa panayam ng media sa New York City, sinabi ng Pangulo na kasalukuyang nakikipag-usap ang gobyerno sa mga bansang hindi karaniwang pinagbibilhan ng Pilipinas ng langis. “In terms of supply, we are in good shape. Not only do we have inventory in the Philippines, we also are awaiting some supplies that are already in transit,” ani Marcos. “We are talking to many other countries…
Read More20.5 KILO NG SHABU NADISKUBRE SA KETCHUP AT MAYONNAISE CONTAINERS
NADISKUBRE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ketchup at mayonnaise containers ang tinatayang nasa 20.5 kilo ng crystal meth o shabu makaraang madakip ang dalawang hinihinalang kasabwat ng isang bigtime drug syndicate, sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay Santo Domingo, Quezon City nitong madaling araw ng Miyerkoles. Tinatayang nasa P142.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga lalagyan ng mayonnaise at ketchup ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA-Special Enforcement Service, katuwang ang PDEA Regional Office, at Philippine National Police Drug Enforcement Group. Naaresto ang dalawang high-value…
Read MoreKUNG HINDI BASTOS, MAGNANAKAW … O PAREHO?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NITONG nagdaang linggo, marami ang nag-init—hindi ng katawan kundi ng ulo—dahil sa kontrobersyal na talak ni Congressman Bong Suntay. Nataon pa naman na ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan pero wala ata sa isip ni Kong ang okasyon. Kaya sa gitna ng impeachment proceedings sa Kamara, nagbitaw ang kongresista ng isang paghahambing na nakabatay sa kanyang “wild imagination.” Hindi nakapagtataka kung pinutakti ng batikos mula sa publiko ang kongresista. Halos hindi siya nilubayan sa social media, sunod-sunod ang batikos ng mga netizen at lahat ata ng sektor…
Read MorePower of the Tongue
HOPE ni GUILLER VALENCIA “LIFE and death are in the power of tongue” (Proverbs 18:21). The tongue o ang dila natin ay nagre-represent ng ating speech. Ang ating mga speech o salitang binibitawan natin ay nakai-influence sa atin buhay o sa buhay ng iba. Kapag nagbitaw tayo ng mga salita ay maaaring magdulot ito ng negatibo o positibo na maaaring makaapekto sa ating spiritual, emotional at buong pagkatao natin. Sa book of Genesis sa buong chapter 1, ay mababasa natin sa pamamagitan ng kanyang salita, ang anomang bigkasin niya o…
Read MoreSARANGANI GOV. RUEL PACQUIAO NAGBIGAY NG BAGONG PAG-ASA SA PWDs SA PAMAMAGITAN NG PROSTHETICS
TARGET ni KA REX CAYANONG PATULOY na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sarangani ang kanilang pangako sa pagkakaroon ng accessible at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa lahat, partikular sa Persons with Disabilities (PWDs). Ito’y sa pamamagitan ng pamamahagi ng prosthetic legs upang maibalik ang kanilang mobility at mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay. Noong Marso 9, pinangunahan ni Gov. Rogelio “Ruel” Pacquiao, ang seremonya ng turnover ng 21 prosthetic legs para sa mga benepisyaryo mula sa pitong munisipalidad ng Sarangani. Kabilang dito ang 19 na below-knee prosthetics at 2 na…
Read More