MAY MALI SA PAGDADALA NI MENDOZA SA BIR BOX SA IMPEACHMENT?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINABI ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na may mali sa ginawang pagdadala ni Commissioner Charlito Martin Mendoza ng BIR box na naglalaman ng tax records ng mag-asawang Vice President Inday Sara Duterte at Atty. Mans Carpio, sa House Committee on Justice sa Kamara kamakailan. Sa panayam kay Atty. Henares ng radio DWIZ, sinabi nitong maaaring may kaharaping problema sa usaping legal si BIR Commissioner Mendoza sa kanyang pagdadala ng BIR box sa Kamara. Aniya, bagama’t napagkaisahan ng mga miyembro ng…

Read More

KAKAMPINK ITUTUMBA NG NBI CHIEF?

Syanong Detektib ni LUCIO S. PAPA NILALANGGAM sa social media ang umano’y audio recording ng pagtatalo sa pagitan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag at isang certified Kakampink na kinilala sa pangalang Mel Sabio. Dangan naman kasi, sadyang makapanindig-balahibo ang maririnig sa audio recording — ang pagbabanta sa buhay ni Sabio. Nag-ugat ang pagtatalo sa pagitan nina Sabio at lalaking tinukoy sa Facebook post na si Matibag, sa mga patutsada kaugnay ng isyu sa kontrata ng kuryente sa San Pedro, Laguna. Paulit-ulit kong pinakinggan ang audio recording.…

Read More

P61.2-M SHABU NASAMSAM, TARGET NA 4 HVIs ARESTADO

HUMIGIT-KUMULANG sa siyam na kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa inilunsad na joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa Brgy. Bacao 1, General Trias, Cavite noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, apat na hinihinalang mga kasapi ng bigtime drug syndicate ang naaresto sa pinagsanib na anti-drug operation na isinagawa sa pangunguna ng PDEA Regional Office – NCR Northern District Office, katuwang ang PDEA RO-NCR Regional Special Enforcement Team…

Read More

BAGONG PGH PLANONG ITAYO SA CAVITE

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa General Trias, kasabay ng paglalatag ng plano para sa bagong ospital ng Philippine General Hospital sa lalawigan. Sa “Bawat Bayan Makikinabang” event, sinabi ng Pangulo na layunin ng financial assistance at rice aid na matulungan ang mga komunidad sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at bilihin. Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pondo ang mga lokal na pamahalaan mula sa Local Government Support Fund kapalit ng pamamahagi ng bigas sa mga residente. “Bawat dalawang buwan may…

Read More

BOC: P86.4-B APRIL COLLECTION, PINAKAMATAAS SA KASAYSAYAN

IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs (BOC) ang record-breaking collection nitong Abril 2026 na umabot sa ₱86.4 bilyon—lampas ng ₱7.8 bilyon sa itinakdang target. Ayon sa paunang datos, mas mataas ito ng 15.7% o ₱11.699 bilyon kumpara sa koleksyon noong Abril 2025. Sa kabuuan, umabot na sa ₱325.808 bilyon ang koleksyon ng BOC mula Enero hanggang Abril, na lumagpas ng ₱11.148 bilyon sa target na ₱314.660 bilyon—katumbas ng 6.4% na paglago kumpara sa nakaraang taon. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, patunay ito ng matatag na performance ng ahensya sa kabila…

Read More

DE LIMA: ISANG CONVICTION LANG, VP SARA TANGGAL SA PWESTO

KUMPIYANSA si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na sapat na ang apat na Articles of Impeachment upang mapatalsik at tuluyang madiskwalipika sa public service si Vice President Sara Duterte. Ayon kay Rep. De Lima, na isa sa mga endorser ng reklamo, pinagsama-sama ang mga kaso sa apat na artikulo upang maging mas malinaw at diretso ang presentasyon ng ebidensya kapag umakyat na ito sa Senado. “Kinondense na lang lahat para mas malinaw… para mas coherent, ‘yung mga similar grounds ay kinonsolidate na lang into one,” paliwanag ni Rep.…

Read More

LOAN RELIEF ISINUSULONG NI VILLAR; PINALALAKAS SUPORTA NG SSS AT GSIS

ISINUSULONG ni Sen. Mark Villar ang paglikha ng mas sistematikong loan relief para sa mga manggagawang Pilipino at maliliit na negosyo sa gitna ng epekto ng krisis sa langis. Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 366 at ng panukalang “RELIEF Act” (Senate Bill No. 2032), nananawagan ang senador sa mga government financial institution na magpatupad ng loan moratorium, grace period, at condonation ng penalties upang mabigyan ng “financial breathing room” ang mga apektadong sektor. Sa isang pagdinig, kinilala ni Villar ang mga inisyatiba ng Government Service Insurance System (GSIS) ngunit…

Read More

IMPEACHMENT VS VP SARA APRUB NA SA HOUSE PANEL

INAPRUBAHAN ng House Committee on Justice ang committee report na nagrerekomenda ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos makakita ng sapat na probable cause. Sa botong 55-0, pinagtibay ang Articles of Impeachment na iaakyat na sa plenaryo ng Kamara para sa deliberasyon at pinal na botohan. Ayon kay Committee Chairperson Gerville Luistro, dumaan sa masusing pagsusuri ang ebidensya kabilang ang findings ng Commission on Audit (COA) at ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Sentro ng reklamo ang umano’y maling paggamit ng confidential funds na nagkakahalaga ng P500 milyon…

Read More

‘FULL GOV’T RESPONSE’ INIUTOS SA MAYON ASHFALL

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang agarang full government response para tugunan ang epekto ng ashfall mula sa patuloy na pag-aalburuto ng Mayon Volcano, partikular sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig sa Albay. Ayon sa Malacañang, naka-full swing na ang response operations upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko, matiyak ang kaligtasan ng mga residente, at mapanatiling bukas ang mga kalsada at mahahalagang serbisyo. Agad namang kumilos ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations, kabilang ang pag-aalis ng makapal na abo sa mga…

Read More