BUKO JUICE MABISANG PANLABAN SA TAG-INIT – DOH

BUKOD sa tubig, tanging buko juice lang ang inirekomenda ng Department of Health (DOJ) sa publiko para sa kahalagahan ng sapat na hydration at pagpapanatili ng electrolytes sa katawan kasabay ng matinding init ng panahon. Ayon sa DOH, ang electrolytes tulad ng sodium at potassium ay mahalaga sa tamang hydration, galaw ng muscles at maayos na paggana ng katawan. Bukod sa bisa ng tubig sa kalusugan, inirekomenda rin ng ahensya ang pag-inom ng mga natural na pinagkukunan ng electrolytes gaya ng buko juice at tubig na may halong calamansi, lemon…

Read More

RIDING-IN-TANDEM SA QC AMBUSH, TUKOY NA

TUKOY na ng Quezon City Police District ang pagkakakilanlan ng riding-in-tandem na suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Ceferino ‘Perry’ Mariano at kanyang driver sa Quezon City. Ayon sa QCPD, narekord sa CCTV ang galaw ng mga suspek na nag-ikot pa sa Scout area bago isinagawa ang krimen, at iniwan pa ang unang motorsiklong ginamit. Nasawi sa insidente si Mariano, 75, dating pangulo ng Association of Club, Karaoke, Disco Owners and Operators (ACKDO), at ang kanya umanong driver na si Norberto Orimaco, 51. Lumalabas sa imbestigasyon na nagpalit pa umano…

Read More

MGA PINAGANDANG PUBLIC MARKET, PINATITIBAY ANG IMAHE NG ILOILO CITY BILANG MODELO NG URBAN DEVELOPMENT – EX-SENATE PRESIDENT DRILON

PINAGTIBAY ng matagumpay na redevelopment ng Iloilo Central at Terminal Markets ang imahe ng Iloilo City bilang pangunahing modelo ng urban development sa Pilipinas, ayon kay dating Senate President Franklin Drilon. “I am so pleased and happy to be able to witness how successful a public-private partnership can be. You know, Iloilo has become a model of urban development in many aspects,” sabi ni Drilon matapos niyang bisitahin ang dalawang pamilihan kasama si Iloilo City Mayor Raisa Treñas. Idinagdag ni Drilon na ang dalawang pamilihan ay nagsisilbing patunay kung paano…

Read More

Four times the fun: BingoPlus celebrates 4th year at BingoPlus Night 2026 – Step into the Next PLUS

Bigger and better than ever BingoPlus Night takes place on May 19 Another exciting extravaganza is afoot as BingoPlus reinforces its case as the number one and most trusted Philippine online entertainment platform with the annual BingoPlus Night on May 19. Like years past, the DigiPlus-owned platform promises another fully immersive celebration that brings together unparalleled star power, world-class performances, and elevated production into one extraordinary night. Headlining the event are a who’s who of Philippine entertainment—an ensemble cast that only BingoPlus can offer in a single night, namely showbiz…

Read More

L98 CARGO HUMINGI NG PASENSYA

RAPIDO ni PATRICK TULFO DAHIL sa dami ng balikbayan boxes na naabandona ng Makati Express Cargo na nasa mahigit isang daang containers, hanggang ngayon ay nagde-deliver pa rin ang L98 cargo, ito ang sinabi ng may-ari mismo ng L98 na si Ms. Leslie Lim sa akin sa aming meeting. Sa datos na ibinigay ni Ms. Lim, mayroon pa raw mahigit labing-apat na libong mga kahon ng Makati Express Cargo sa Luzon, ang kailangan nilang maihatid sa mga may-ari. At inamin nito na hindi naman kasi marami ang kanilang mga sasakyan…

Read More

TAMA PALA SI CHIZ SA ‘FORTHWITH’

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SENTRO ngayon ng diskusyon ang naging desisyon ng Korte Suprema sa terminong “forthwith” na nakasaad sa Saligang Batas pagdating sa impeachment. Ayon sa SC, ang “forthwith” ay hindi nangangahulugan ng kagyat o “immediate” na aksyon. Sa halip, “within a reasonable time” na maaaring humaba o umikli base sa diskresyon ng Senado at sa sirkumstansya ng bawat kaso. Dito natin naalala ang mga batikos at pagkontra kay Senator Francis “Chiz” Escudero noong siya ang Senate President. Tinawag siyang obstructionist at inakusahan pang pinoprotektahan umano ang mga dapat…

Read More

PANAWAGAN NI CONG. LEANDRO LEVISTE: PATAS NA AYUDA PARA SA 84 BARANGAY SA BATANGAS

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng isyu ng hindi umano pagkakasama ng 84 barangay sa Batangas sa pamamahagi ng tig-P200,000 ayuda, lumilitaw ang isang mahalagang usapin—ang katarungan at pantay na pagtrato sa bawat komunidad. Hindi simpleng administratibong pagkukulang ang sinasabi ng mga kapitan, kundi isang malinaw raw na anyo ng diskriminasyon na nararapat lamang siyasatin. Mariing pinaninindigan ng mga barangay captain na sila ay nakapagsumite ng kumpletong requirements at walang abiso na sila ay hindi dapat dumalo. Sa kabila nito, tila sila ay hindi inimbitahan, bagay na taliwas…

Read More

PETISYON SA SC VS BARMM ELECTION RULES INIHAIN NG MGA PETITIONER

NAGSAMPA ng petisyon sa Supreme Court ang ilang petitioner upang kuwestiyunin ang mga patakaran at redistricting para sa nalalapit na kauna-unahang regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sa kanilang manifestation, tinutulan nina Sultan Alim Saad I. Amate at Maulana L. Mamutuk ang Bangsamoro Autonomy Act Nos. 86 at 88, na may nakabinbin nang petisyon sa Korte Suprema. Ayon sa kanila, posibleng may kaparehong depekto ang bagong redistricting law na dati nang kinuwestiyon, at huli na rin umano itong naipasa. Babala ng mga petitioner, maaaring maapektuhan ang…

Read More

BABAE PINAANAK ANG SARILI NAMATAY, SANGGOL NAILIGTAS

HINIHINALANG sobrang hirap, sakit at pagkaubos ng dugo ang ikinamatay ng isang babae matapos na manganak nang mag-isa sa kanyang inuupahang silid sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro City, ayon sa mga awtoridad. Nadiskubre ng mga residente ng boarding house ang babae sa loob ng banyo na duguan at wala nang buhay. Natagpuan din ng nagrespondeng mga awtoridad ang kanyang bagong silang na sanggol sa loob ng silid, buhay na nakababad sa dugo Nailigtas ang sanggol at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga awtoridad makaraang madala sa isang klinika. Lumitaw sa…

Read More