NAGTAAS ng alerto ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Philippine National Police (PNP) sa Cebu kaugnay ng nalalapit na 48th ASEAN Leaders’ Summit. Ayon sa NDRRMC, itinaas ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (RDRRMC)–Central Visayas ang alert status nito sa Red Alert simula Abril 30. Nabatid na naglabas ng Memorandum No. 22, Series of 2026 si RDRRMC Central Visayas Chairperson Director Joel Mamon upang ihanda ang mga kinakailangang hakbang para sa inaasahang pagdagsa ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.…
Read MoreAuthor: admin 3
HIGIT 2K TRABAHO TAMPOK SA LABOR DAY JOB FAIR SA SM MARILAO
LIBU-LIBONG naghahanap ng trabaho ang dumagsa sa SM City Marilao sa isinagawang job fair kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day nitong Mayo 1. Ang aktibidad ay inorganisa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang bahagi ng ika-124 na Labor Day, sa ilalim ng temang “Disenteng Trabaho Para sa Lahat: Iisang Hangarin, Bagong Pilipinas Sama-samang Mararating,” kasama ang Provincial Public Employment Service Office (PESO) at Marilao Municipal PESO. Aabot sa 2,054 na bakanteng trabaho ang inalok sa mga aplikante mula sa iba’t ibang sektor. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito,…
Read MorePAYAPANG LABOR DAY PROTEST SA MAYNILA
ITINURING ng Philippine National Police na generally peaceful ang mga kilos-protesta kaugnay ng Labor Day sa Maynila. Ayon kay National Capital Region Police Office Director, Police Major General Anthony Aberin, walang naitalang untoward incident sa mga aktibidad ng iba’t ibang grupo. Libo-libong manggagawa ang nagtipon sa España Boulevard at Welcome Rotonda, na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko. Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno ang protesta, kasama ang iba pang labor groups at transport organizations. Kabilang sa kanilang panawagan ang pagbasura sa Oil Deregulation Law, rollback sa presyo ng langis,…
Read MoreAWAY-NEGOSYO, MOTIBO SA PAMAMARIL SA QC
POSIBLENG away sa negosyo ang motibo sa pamamaril sa Quezon City na ikinasawi ng dalawa katao. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf Tuaño, maaaring may nakaalitang katunggali sa negosyo ang biktimang si Perry Mariano. Maliban sa pagiging billiards figure, may-ari rin umano ito ng ilang bar at may kaugnayan sa Small Town Lottery operations. Dalawang persons of interest ang kasalukuyang tinututukan ng pulisya, ngunit hindi pa tukoy ang kanilang pagkakakilanlan sa kabila ng mga CCTV footage. Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng mga awtoridad upang maresolba ang krimen. (TOTO NABAJA)…
Read MorePROTESTA KONTRA FOSSIL FUEL
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo sa harap ng Embassy of Japan in the Philippines noong Abril 30. Kinondena ng mga raliyista ang umano’y patuloy na suporta ng Japan sa fossil fuel initiatives at pagpapalawak ng presensyang militar sa Asia-Pacific. Binatikos din nila ang mga programang “POWERR Asia” at “AZEC,” na ayon sa kanila ay nagpapalalim sa pagdepende sa fossil fuels at pumapabor sa malalaking korporasyon. Nanawagan ang mga grupo para sa makatarungang transisyon tungo sa community-led renewable energy at pagtigil sa militarisasyon sa rehiyon. (EDD CASTRO) 369
Read MoreGRADUATES NG RICKY REYES LEARNING INSTITUTE, KINILALA
KINILALA ang mga nagsipagtapos sa unang batch ng Ricky Reyes Learning Institute sa ginanap na graduation ceremony noong Huwebes, Abril 30 sa Anonas, Quezon City. Isinagawa ang programa katuwang ang Asia-Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association, at pinangunahan ni Ricky Reyes. Sumailalim ang mga trainee sa mga kursong may international standards, kabilang ang first aid, sanitasyon at kalinisan, customer relations, beauty culture and care, pangangalaga sa bata at matatanda, at special performing arts. 312
Read MoreComplete Home: Mas Sulit na Budol para sa Bawat Tahanan
Muling ibinabalik ng SM Hypermarket ang Complete Home, kung saan siguradong mabubudol ang shoppers sa dami ng promos, laki ng savings at rewards. Katuwang ang Promil, Bonakid, Purefoods, CDO, Del Monte, UFC, Coca-Cola, Ariel, Nivea, Surf, Creamsilk, Palmolive, Colgate, American Home, Hanabishi at iba pang partner brands, hindi gagastos nang malaki para panatilihing kumpleto ang pangangailangan sa bawat tahanan. Mas Sulit na Deals sa Home Essentials I-level up ang inyong tahanan ngayong mas pinasulit pa ang inyong mga essentials sa tulong ng dagdag na rewards. Mula ika-15 ng Abril hanggang…
Read MoreDinagsa ng mga jobseeker ang SM Southmall para sa Labor Day Job Fair na isinagawa katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan ilang aplikante ang agad na natanggap at nakakuha ng job offers on the spot. Bahagi ito ng nationwide rollout sa 15 SM locations, na layuning mas mapalapit ang job opportunities sa mas maraming Pilipino at gawing mas accessible ang employment matching sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakatulong din ang presensya ng iba’t ibang government agencies on-site para mas mapabilis at mas mapadali ang proseso…
Read MoreIndustry leaders, pamahalaan magkatuwang sa pagtaguyod ng turismo
Si Department of Tourism Secretary Maria Bernardita “Dita” Angara-Mathay habang tinatalakay ang mga hakbang sa pagbawi, pag-angkop, at muling paglakas ng katatatagan ng turismo sa bansa sa ginanap na “National Conference: Industry Dialogue – Tourism Under Constraint” sa Dusit Thani sa Makati noong April 29. Ang industriya ng turismo sa Pilipinas ay humaharap ngayon sa mga hamon, kabilang ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at iba’t ibang sosyo-ekonomikong hadlang. Ang sektor na ito, na tradisyonal na umuunlad sa pagdagsa ng mga internasyonal na bisita at ang masiglang kultural na kalakaran ng kapuluan,…
Read More