UMINIT ang palitan ng salita sa pagitan ng depensa at prosecution sa ika-15 araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte matapos manawagan ng respeto si defense counsel Atty. Kristine Ferrer dahil sa mga side comment ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan. Naghain ng manifestation si Ferrer hinggil sa mga komento ni Kapunan habang isinasagawa ang cross-examination kay Commission on Audit (COA) State Auditor Xylene Del Campo. Ayon kay Ferrer, hindi angkop sa loob ng courtroom ang mga pahayag ni Kapunan gaya ng “I was about to spank…
Read MoreAuthor: admin 3
P8.375M HALAGA NG KETAMINE NA ITINAGO SA RABBIT FIGURINE, NASABAT NG BOC AT PDEA
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID), ang kargamentong naglalaman ng tinatayang 1,675 gramo ng hinihinalang ketamine na nagkakahalaga ng P8.375 milyon. Itinago ang hinihinalang ilegal na droga sa loob ng isang resin figurine ng kuneho na ipinadala mula France at idineklarang “Indoor Decorative Molded Polyresin Ornament.” Ayon sa BOC, natukoy ang kargamento matapos makatanggap ng derogatory information mula sa PDEA hinggil sa paparating na parsela. Isinailalim ang kargamento sa standard…
Read MoreMERCADO NANUMPA BILANG DOH CHIEF; HO, BAGONG PHILHEALTH PRESIDENT AT CEO
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang panunumpa sa tungkulin nina bagong Department of Health (DOH) Secretary Dr. Edwin Mercado at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Dr. Beverly Lorraine C. Ho sa magkahiwalay na seremonya sa Malacañang. Nauna nang inanunsyo ng Malacañang ang pagkakatalaga kay Dr. Mercado bilang bagong kalihim ng DOH. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, si Mercado ay dating Acting President and Chief Executive Officer ng PhilHealth, kung saan siya itinalaga noong…
Read MorePAG-ALIS NG VAT SA SYSTEM LOSS ITINULAK NI VILLAR
PASAY CITY — Isinusulong ni Senator Mark A. Villar ang agarang pagtanggal ng 12-percent Value-Added Tax (VAT) sa system loss charges sa singil sa kuryente, dahil hindi aniya dapat pagbayarin ng buwis ang mga consumer para sa kuryenteng hindi naman nila aktuwal na nakonsumo. Kaugnay nito, inihain ni Villar ang Senate Bill No. 2392 na naglalayong gawing VAT-exempt ang system loss component na sinisingil ng mga distribution utility at electric cooperative. Layunin ng panukala na amyendahan ang Section 109 ng National Internal Revenue Code upang alisin ang VAT sa pinahihintulutang…
Read More85 SAKO NG BASURA NAKOLEKTA SA MANILA BAY
UMABOT sa 85 sako ng mga basura ang nakolekta ng Department of Environment and Public Services (DEPS) sa isinagawang clean up drive matapos ang ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan partikular sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Manila Bay kung saan ang mga ito ay inanod sa dalampasigan. Bukod dito, agad ding nilinis saka hinakot at kinolekta ang mga basurang inanod sa pampang ng Baseco Beach sa Port Area. Agad na inalis ng mga kawani ng DEPS Manila ang naipong mga basura upang mapanatili ang malinis at maaliwalas na baybayin.…
Read MoreBAGONG LIDERATO NG ARMY PINATIBAY KAHANDAAN NG AFP
PORMAL nang nanungkulan si Lieutenant General Donald M. Gumiran PA bilang ika-68 na Commanding General ng Philippine Army, kasunod ng paghirang kay dating Army chief General Antonio G. Nafarrete PA bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Isinagawa ang ika-68 Philippine Army Change of Command Ceremony na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang Commander-in-Chief ng AFP. Si Lt. Gen. Gumiran, dating Commander ng Western Mindanao Command, ang humalili kay Gen. Nafarrete na ngayon ay nagsisilbing ika-61 Chief of Staff ng AFP. Sa…
Read MoreDeath toll: 26 sa 2 bagyo, Habagat – PNP PANIBAGONG TROPICAL STORM NAGBABANTA
HABANG tinututukan ng state weather bureau ang panibagong Tropical Storm na nagbabantang magdala ng tuloy-tuloy pang pag-ulan na nararanasan ngayon ng bansa, patuloy na lumolobo ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at epekto ng Southwest Monsoon o Habagat. Ayon sa PAGASA, kasalukuyan nilang mino-monitor ang Tropical Storm Nangka (formerly LPA 08d) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na posibleng magdulot pa ng mga pag-ulan sa bansa. Samantala, sa datos na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 3.1…
Read MoreSC KINALAMPAG NG LABOR GROUPS SA P85 WAGE HIKE
NAGPASAKLOLO sa Supreme Court (SC) ang iba’t ibang labor group upang hilingin ang pagpapawalang-bisa sa kautusan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na pumigil sa implementasyon ng P85 wage increase sa buong Metro Manila. Ang pagpapawalang-bisa sa kautusan at pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) ang nakapaloob sa petisyong inihain ng Nagkaisa Labor Coalition. Ayon sa grupo, posibleng maapektuhan ng pagpigil sa Wage Order No. 27 ang mahigit isang milyong manggagawa sa National Capital Region (NCR). Hiniling ng mga petitioner sa SC na manghimasok sa usapin at atasan ang mababang…
Read MoreSa gitna ng problema sa basura WASTE-TO-ENERGY PROGRAM IKAKASA
ITINUTULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng waste-to-energy program bilang hakbang upang matugunan ang lumalaking problema sa basura at makapagbigay ng karagdagang suplay ng kuryente. Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos personal na inspeksyunin ang clearing operations sa Baclaran River sa Parañaque City nitong Martes, Agosto 12, kung saan naipon ang napakaraming basura kasunod ng pagbaha dulot ng Bagyong Maymay at Habagat. Ayon kay Marcos, lumala ang pagbaha matapos matangay sa mga kanal ang basura mula sa iba’t ibang lugar at maipon sa daluyan ng tubig dahil…
Read More